Tumawag ang kapatid ko noong isang araw nagtanong kung kailan ko daw ipapadala ang sustento nila. Sarado na daw kasi ang lahat ng bangko sa Miyerkules. Eh bakit ba sila magsasara, tanong ko. Mahal na Araw na kasi, sabi niya. Natahimik ako.
Oo nga, Mahal na Araw na pala. Pero bakit parang hindi ko man lang naramdaman? Noong nasa Pinas ako, tuwing mahal na araw madalas naming nilalakad ang buong isla ng Camiguin.
There are many ways to show one's faith lalo na pag Mahal na Araw. Merong nagpapako sa Krus na tila ba gustong sundan ang yapak ni Hesus. Merong nagpo-procesyon na nakapaa lang. Ang iba hilang-hila ang napakalaking Krus. Ito daw ang kanilang paraan ng pagsasakripisyo at pagpapadama sa Kanya na sila'y nagsisisi na sa kanilang mga kasalanan.
Sa amin, iba naman ang aming pamamaraan ng pagsakripisyo. We call it Panaad. Panaad literally means "promise, is a term used by Camiguingnons to refer to a Lenten activity kung saan karamihan sa mga tao from Camiguin or from nearby places flock to the island to somehow fulfill their promises for something in return. Pwedeng bilang pasasalamat dahil sa kaligtasan or dahil sa nakamit nitong karangyaan sa buhay.
Sa makatuwid, masaya kung Mahal na Araw sa amin. Parang palaging may procesyon. Lahat ng tao gustong ikutin ang buong isla at akyatin ang walkway stations of the cross. Ito na marahil ang nami-miss ko sa lahat na hindi ko pwedeng gawin dito sa Dubai.
Pero kahit saan mang dako tayo naroroon, at kahit wala man tayong gawing sakripisyo basta ang importante hindi tayo makalimot na may isang Hesus na nagpapako sa Krus.