Showing posts with label Filipinos. Show all posts
Showing posts with label Filipinos. Show all posts

Friday, July 31, 2009

IT for the Oldies


Being the youngest member of our family (in Dubai), I presumed I have little knowledge in IT compared to the rest. Thanks to my computer instructor in college and to my virtual friends who constantly share their ideas and techniques in understanding the computer language. Apparently, I am not proficient in IT. I can’t even perfectly enumerate all parts of the computer and distinguish its functions.

I did not expect this little knowledge I was talking to would give smiles to the aged – the people I am living with for two years now. They are the people who were not introduced to the computer world during their younger years. They are my flat mates – certified home cleaners and nannies.

What motivates me to extend my hands to them?

This is simply because of my desire to help them cut/lessen their expenses on international calls to their love ones in the Philippines. Personally, I am tired of listening to them complaining about their monthly telephone expenses which are beyond their budget. So I decided to share my time teaching them[for free].

They don’t have basic knowledge in computer. They don’t recognize keyboard, monitor and CPU. Teaching them requires more time and dedication. But, I patiently taught them the most basic – turning on and off the pc until they learned how to type and use the YM.

Today, the oldies (Ate Rose and Ate PM) know how to chat with their families especially Ate PM who did not see her children and grandchildren for long time. I can still recall the first day Ate PM’s net meeting with her children. She was extremely happy to see them as if they were actually seeing each other in person. On the other hand, Ate Rose’s exposure to the chat rooms promises her something – that one day she can find her soul mate. Who knows?

Saturday, July 25, 2009

Will Election 2010 be part of SONA 2009?


While most Filipinos are battling against the impact of Swine Flu in the country which I believe the virus has reached even to the Northern part of Mindanao, the Palace is on its tight schedule in preparation of the coming "State of the Nation Address" of President Gloria Arroyo.

SONA 2009 is believed to be the last nation report of the President after a decade of presidency, BUT, the vast number of Filipinos are questioning her words - will it be the last? Will there be elections in 2010?

What should Juan dela Cruz expect from the SONA on Monday, July 27, 2009? Take a look on some expected scenes we may witness tomorrow before her speech:

>The achievements of her late father, President Diosdado Macapagal. She will not miss to mention them. She loves to give credit to her father.

>The anti-government protesters, noise barrage and the like.

>The presence of poor kababayans on-stage as she used to have in the past. Remember those children sending messages to her through the "bangkang papel"?

>The strategies the Palace has implemented to combat against Swine Flu.

>Praises towards the achievements of Manny Pacquiao and Aling Dionisia "Madam D".

>Con-Ass and Cha-cha.

>Reduced price of text na hindi naman totoo at promo lang pala.

>Ang pamamayagpag ng mga bagong bayani sa abroad.
I am sure she will not forget us. We are the hope of the nation. Kung dati, ang sabi ni Rizal, "youth are the hope of the nation", ngayon, para kay Gloria, "OFW's are the hope of the nation". Ang gandang pakinggan, diba?

The President is highly prepared for the SONA. Whatever contents of her report had been thoroughly reviewed by her and by her advisers. The least we can do is to listen, analyze and later do our part as citizens.

Sunday, June 28, 2009

Pare, gusto mo baka?

Ito'y hindi isang promotion. Naisipan ko lang ipost ito dahil sa sobra akong naaaliw at natutuwa. Akalain mo ba naman, ang wikang Pinoy ay pilit ginagaya ng mga ibang lahi mabenta lamang ang kanilang bilihin. And take note, kahit saang palengke ka magpunta dito sa Dubai, wikang Pilipino ang bati ng mga tindero.

Ganito:

ANO GUSTO MO SUKI? TILAPIA? GALONGGONG? PUSIT? BANGOS? MAYA-MAYA? ITO TUNA SUKI BUHAY PA.

KURIPOT KA SUKI! GUSTO MO TAWAD?



Sa Karama, kung saan may marami populasyon ng mga Pilipino, halos lahat ng nakapaskil sa palengke ay mga salitang Pinoy. Kahit pa sa pag-imprinta ng business card ay sadyang pinagawa sa wikang tagalog.

Parang ganito:

Thursday, June 25, 2009

May pera ba talaga sa basura?

“HOY, BASURA N’YO, ITAPON N’YO!”

Ipinaskil ko ang mga katagang ito sa isang pintuan ng kapitbahay (neighboring flat) namin noong isang araw. Di ko na kasi matiis ang basurang nakatambak sa gilid ng pintuan nila. Hindi naman dapat ako makikialam sana kaya lang ang dumi talaga. Iyon na lang ang palagi kong nadadatnan pagka galing ko sa trabaho. Paano kasi nasa bungad ng gate ang flat nila kaya basura ang babati sayo pagpasok mo sa gate.

Hindi naman siguro masama ang ginawa ko. Hindi naman ako nakikialam sa kanila. Kaya lang sobrang tamad talaga nila, mga babae pa naman sana. Akalain niyo, noong nakaraang linggo si Ate Amy ang nagwalis, naglinis at nagtapon ng basura nila. Nitong umaga si Kuya Romy naman ang nagwalis, naglinis at nagtapon. At ngayon, hayun may nakatambak na naman.

Bakit may mga taong ganyan? Hindi ba sila nahihiya na ibang tao ang maglinis sa harapan nila? Bakit di nila makuhang bitbitin ang mga basura nila, eh, ang lapit-lapit lang naman ng basurahan? Naalala ko tuloy ang komento ng isang kasamahan ko. Aniya, “ang mga babaeng nakatira diyan ay sadyang marurumi, siguro hindi rin sila naglalaba ng kanilang mga pan**”.

Payo ko lang sa inyo, mga butihin naming kapitbahay, sana magkaroon naman kayo ng kunting kahihiyan. Pareho lang naman tayong naghahanap buhay. Pareho lang din tayong Filipino. Pareho lang tayong kumakain. Pareho lang din naman tayong gumagamit ng kubeta. Sa medaling salita, pareho tayong tao. Huwag naman sana ninyong abusuhin ang kabaitan ng ibang tao. Kung kaya ninyong tanggalin ang pinaskil ko sa inyong pinto dapat kaya din ninyong itapon ang basura ninyo. At higit sa lahat huwag ninyong ikalat ang inyong mga napk**.

Thursday, June 11, 2009

Friday, May 8, 2009

Si Engineer at ang kanyang Videocam


Kahapon lamang hinikayat ako ng aking mga kaibigan na magpunta sa mall baka daw makabili kami ng mga murang gadgets (mura pero may quality). Sabi ko sa kanila di pa panahon ngayon at malayo pa ang Dubai Shopping Festival – ito ang festivity ng Dubai kung saan ang participating shopping centers ay magbibigay ng mga malalaking diskwento sa mga bilihin. Wala din naman akong ginawa sa bahay kaya nagpasya akong sumama sa kanila at para magkapaglibot na rin.

Tinunton namin ang Dubai Festival Center. Sa aming paglilibot napuna kong may Sale pala ang mga videocam. Gusto ko nang magkaroon ng sariling videocam para may magagamit ako sa panahon ng pangangailangan. Baka kakailanganin ko ito para makapag-post ng video dito sa munti kung tahanan. Isa-isa kong tiningnan ang mga naka-display. Halos lahat ng model magaganda, magagara. Pero may isang model ang nagbigay pansin sa akin na para bang kailangan kong sisiyasating mabuti – isang model na pawang bumubulong sa akin na kailangan ko siyang bilhin. Humingi ako ng paumanhin sa Saleslady para mahawakan at mai-test ito. Nang mahawakan ko ito doon ko lang naalala na minsan na pala akong nagkaroon ng ganitong model.

Mahigit dalawang taon na ang nagdaan. Pinuntahan ako ng aking kaibigang si Jimmy para magsangla ng isang videocam. Kailangan daw ni Engineer ng pera. Hindi ko kilala ang nasabing Engineer. At hindi ko rin kailangan ng videocam. Tinanggihan ko si Jimmy pero nagpumilit siyang maisangla ito kasi hindi daw niya matanggihan si Engineer. Labag man sa kalooban ko at dahil sa hindi ko rin matanggihan si Jimmy (malaki kasi ang naitulong niya sa akin at ng aking kapatid) binayaran ko na ito sa kondisyon na pagkaraan ng dalawang buwan kailangan na niya itong tubusin.

Curios ako kay Engineer. Sa pagkakaalam ko kumikita ng malaki ang mga enhenyero sa Dubai. Bakit kailangan pa niyang magsangla ng mga bagay sa kunting halaga? Diba sapat ang kanyang kinikita? Ito’y mga karaniwang tanong lamang ng munti kong isipan. Kaya kinausap ko si Jimmy na kung maari ipakilala niya ako kay Engineer at nang makilala din niya ang taong may hawak ng kanyang videocam. Dinala ako ni Jimmy sa bahay ni Engineer.

Noon ko nalaman na si Engineer pala ay kumukupkop ng mga visit visa – mga Pilipinong napadpad sa Dubai na hindi siniswerte, hindi pa nakahanap ng trabaho, mga walang pera, walang pambayad sa bahay, at napabayaan na ng mga taong nag-sponsor sa kanilang visit visa. Hindi madali ang ginawa ni Engineer. Sabi niya, sa kasalukuyan daw meron siyang pitong inalagaang visit visa. Kaya daw niya pinasangla kay Jimmy ang kanyang videocam ay para daw maitustos sa isang alaga nitong nag-expire na ang visa at kailangang mag-exit muna ng Kish Island.

Nakakapintig damdamin ang kwento ni Engineer. Ang magkupkop ng mga taong di kaanu-ano, patitirahin mo sila ng libre sa bahay mo na alam mong ang mahal mahal ng renta nito – libreng pagkain at kahit mga personal na gamit ay ipu-provide mo sa kanila.

Dito sa Dubai bihira lang ang mga taong kasing bait ni Engineer. Nagtatrabaho hindi lamang para sa kanyang sarili, hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa mga taong nangangailangan ng tulong. Naway dadami pa ang katulad niya.

Note: This is an entry to PEBA 2009. Follow this link to visit PEBA's main page.

Tuesday, May 5, 2009

BUHAY OFW, MAGKAPAREHO BA?


Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging mapagmahal. Mula pa ng tayo’y isilang sa mundo, hinubog na ang ating mga isipan at pinuno na ang ating mga puso sa pagmamahal sa Dios, sa kapwa at sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating buhay. Dahil sa pagmamahal natuto tayong lumaban, makibaka at magbuwis ng buhay.

Si Ate Myrna nilisan ang Pilipinas dahil sa pagmamahal sa tatlong anak. 14 year-old pa lang siya nang matukso sa pag-ibig. Naging kabiyak sa murang edad. Nagkaroon ng asawang di marunong kumilala ng responsibilidad at umasa lang sa mga magulang. Nagmahal ng todo-todo ngunit sa kanya din pala ang huling hagulhol.

Nagsimula ang labis-labis na kalbaryo ni Ate Myrna noong isilang niya ang tatlo niyang anak. Noon din kasi sa panahong iyon, nagsimulang sa kabilang bahay na umuuwi ang kanyang asawa.

Wala man ang kanyang asawa ngunit itinaguyod ni Ate Myrna ang pagpapalaki ng kanyang mga anak sa sarili niyang diskarte. Kahit anong hirap ng matinong trabaho dinanas niya mabigyan lang ng maayos na buhay ang kanyang tatlong anak.

Nang magka-college na ang mga ito, nakipagsapalaran siya sa Saudi para matustusan ang kanilang pag-aaral. Nasa kolehiyo na kasi at lumalaki na ang mga pangangailangan nila. Limang taon siyang di umuwi sa Pinas. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na sa mga taong iyon, maraming nangyayaring di kaya tanggapin ng inang kulang sa pagmamahal sa anak.

Buntis ang anak niyang babae. Nagsisipag-asawa ang dalawa niyang anak na lalaki. Gumuho ang mundo ni Ate Myrna. Di niya lubos maisip na wala man lang nakapagsabi sa totoong istorya ng mga pangyayari. Kahit ang kanyang ina kung saan niya ipinaubaya ang kanyang tatlong anak ay di man lang nagawan ng paraang sabihin ang totoo. Buong akala niyang ang paghihirap niya sa Saudi ay magbubunga ng kasaganaan sa buhay nila. Makapagtapos ng kolehiyo ang kanyang mga anak, magkaroon ng marangyang trabaho at ng siya’y makapagpahinga na sa pagsisilbi sa mga taong di niya kalahi. Iyon pala’y mga pangarap lang na ang katumbas ay luha.

Duguan man ang kanyang puso ngunit di niya ginawang manumbat sa mga anak niya. Mahal niya ang mga ito’t tinatanggap niyang maluwag sa kanyang puso ang mga pangyayari. Nangyari na ‘yon at wala na siyang magagawa. Alam ng Dios na di siya nagpabaya sa kanila. Alam ng Dios na ginawa niya ang lahat para sa kanila. Suklian man siya ng kalupitan sa mundo di niya ito papansinin dahil ang alam niya’y mahal niya ang kanyang mga anak at lahat kaya niyang gawin para sa kanila.

Pagkalipas ng ilang taon, nilisan na naman ni Ate Myrna ang Pilipinas at tumungo ng Dubai. Dito namamasukan siya bilang isang kasambahay. Mababait ang nagiging amo niya. Ibang lahi man ang mga ito, ngunit may puso namang marunong magpapahalag ng kapwa tao. Sa loob ng dalawang taon, maganda ang buhay ni ate Myrna. Sa kanya pa rin umaasa ang kanyang mga anak kahit may mga pamilya na ang mga ito. Ngunit, para bang mailap sa kanya ang tadhana. Sumama siya sa kanyang kababayang tumakas mula sa amo nila. Walang magandang rason ang pagsama niya sa kanyang kaibigan kundi ang awa. Naawa kasi siya nito dahil nagka-problema ito sa kasamahan din nila sa bahay. Kung iisipin ang pagtakas nila ay hindi dahil sa mga amo nila.

Ngayon, patagong namumuhay si Ate Myrna. Nagpalabas man ng amnesty ang Dubai ngunit hindi siya sumuko. Ayon sa kanya, di pa kasi niya naiaayos ang kanya-kanyang buhay ng tatlo niyang anak. Kung kailan ito mangyayari ay di pa niya alam.

Sa pakipag-usap ko sa kanya, para bang napintig ang aking isipan sa katotohan. Ang isang ina’y kahit anong mangyari ay ina pa rin. At kahit ano mang dagok sa mundo ay kayang harapin para lang sa mga anak. Sana lahat ng mga ina katulad ni Ate Myrna. Sana ang mga anak din ay di aabuso. Kung nasabi ko man ito ay dahil sa nakaka-relate din ako sa istorya ni Ate Myrna. Noong nkaraang buwan, isinulat ko ang artikulong may pamagat na “Buhay OFW sa Dubai” posted on July 6, 2008, kung saan nailathala ito sa GMA. Sa artikulong ito, mababasa natin ang parapong ito:

Minsan nagdu-duda ka sa Pinas. May mga time kasi na tumatawag si Inay. ‘Wag lang daw kayong mag-alala sa kanila at maayos na man daw ang buhay nila. Nakabili na daw siya ng yero para sa bubong na sinalanta ng nagdaang bagyong Frank. Eto naman kasi si Frank ang tindi ng hagupit. At si Junior ang ganda-ganda daw ng grades, palagi daw first honor. Ang kapatid ko namang babae na si Mahinhin 4th year na daw sa college at magtatapos na sa kursong Nursing. Nakakatuwang marinig ang mga balitang ganito. Kahit papaano nagamit pala sa wasto ang perang padala. Pero paano kung ang binabalita sa‘yo ay lahat kasinungalingan? Paano kung ilang taon na pala si Junior sa grade one dahil sa pagiging bulakbol? Paano kung wala palang naipundar ang pera mong pinagkatiwala sa pamilya mo? Paano kung hindi na pala makapagtapos ng college si Mahinhin dahil nabuntis na ng boyfriend niya? Diba parang walang silbi din ang pangingibang bansa mo? Napakasakit isipin lalo na pag nabalitaan mong si mister ay sumakabilang bahay na. At ang perang padala mo ay pinanggastos niya sa kumare mo at ang mga anak mo ay wala man lang makakain.

Di ko inaasahan na naging totoo ang mga sinusulat ko. Ang kapatid kong babae, huminto na sa pag-aaral dahil buntis ng dalawang buwan. 17 year-old pa lang siya at tulad ni Ate Myrna malaki din ang pangarap ko sa kanya. Sadyang ganito ba ang buhay namin sa ibang bansa? Magkatugma? Magkapareho?

P.S.
Paumanhin po sa mga nagbabasa ng post na ito. Copy and paste lang po ito mula sa dati kong blog. Minabuti ko pong 'wag na lang ilagay ang link nito kasi gusto ko pong makalimutan na ito ng tuluyan at mag-concentrate na dito sa blogger. And one more thing, medyo busy pa kasi ako kaya pagtiyagaan lang muna ninyo ang post na ito..hehe

Monday, April 27, 2009

Repost: BUHAY OFW SA DUBAI

Pamilya

It’s an undeniable fact na mahirap talaga ang buhay dito sa Dubai. Kikita ka nga ng medyo malaki pero matataas naman ang mga bilihin dito. Kung hindi lang dahil sa pamilyang naiwan sa Pinas, siguro walang mgtitiyaga dito. Paano nga ba mabubuhay ang pamilyang sa‘yo lang umaasa? Saan kukuha ng pang-tuition si Junior? Saan kukuha ng pera si Inay para pambili ng NFA? Sino ang susuporta kay mister na pitong taon ng naghihirap sa kanyang ubo? Eh, ‘yung pampakasal sa girlfriend mo? Kailangan makapag-ipon para naman medyo grande ‘yung kasal.

Ang daming umaasa sa‘yo. Noon kung hindi ka nilalapitan ng mga kapatid o pinsan mo, ngayon panay ang tawag sa‘yo. Panay ang paramdam. Ang daming dahilan. Kesyo, may sakit daw ang anak. Inaatake daw ng high blood ang bayaw mo at kailangang dalhin sa hospital. Manganganak daw ang hipag mo sa susunod na buwan. Bayaran na daw ng motor na hinuhulugan ng bilas mo at walang pambayad kasi kinulang ‘yung kita sa pamamasada. Sangkatutak na reklamo. Walang katapusang problema. Ngayon ‘pag hindi mo naman pinagbigyan sasabihin sa ‘yong ang takaw-takaw mo. Nakapunta ka lang sa Dubai nakalimot kana sa amin! Ang sarap sakalin, diba? Noong nasa Pinas ka pa, may nagawa ba ang mga taong ito sa ‘yo? Pinahiram ka ba nila ng pera noong papunta ka dito? Kilala mo ba itong si pinsan mo na ngayon lang nagpakilala sa’yo? Ano ka ba, bangko?

Hay naku! Paano mo nga ba mababayaran ‘yong inutang mo sa five six makatuntong ka lang ng Dubai? Buong araw buong gabi Pilipinas ang inisip mo. Tuwing sweldo takbo ka kaagad sa bangko para lang sa Saint Philippines (read: sent to Philippines). Dahil sa Pilipinas di ka man lang nakapag-ipon. Kaya nga gustuhin mo mang magbakasyon pagkatapos ng dalawang taon, hindi pa rin pwede. Pagdating mo pa lang ng airport buong barangay na ang sasalubong sa ‘yo. Pagdating sa bahay magpi-fiesta ka pa. Ang mahal mahal pa ng bilihin sa Pinas. Tiyak na isang lingo pa lang ubos na ang baon mo. Hay, magtiis ka na lang sa lungkot. Siguro habambuhay ka na dito. Magtiis ka na lang di sila (pamilya sa Pinas) makita sa personal.

Minsan nagdu-duda ka sa Pinas. May mga time kasi na tumatawag si Inay. ‘Wag lang daw kayong mag-alala sa kanila at maayos na man daw ang buhay nila. Nakabili na daw siya ng yero para sa bubong na sinalanta ng nagdaang bagyong Frank. Eto naman kasi si Frank ang tindi ng hagupit. At si Junior ang ganda-ganda daw ng grades, palagi daw first honor. Ang kapatid ko namang babae na si Mahinhin 4th year na daw sa college at magtatapos na sa kursong Nursing. Nakakatuwang marinig ang mga balitang ganito. Kahit papaano nagamit pala sa wasto ang perang padala. Pero paano kung ang binabalita sa‘yo ay lahat kasinungalingan? Paano kung ilang taon na pala si Junior sa grade one dahil sa pagiging bulakbol? Paano kung wala palang naipundar ang pera mong pinagkatiwala sa pamilya mo? Paano kung hindi na pala makapagtapos ng college si Mahinhin dahil nabuntis na ng boyfriend niya? Diba parang walang silbi din ang pangingibang bansa mo? Napakasakit isipin lalo na pag nabalitaan mong si mister ay sumakabilang bahay na. At ang perang padala mo ay pinanggastos niya sa kumare mo at ang mga anak mo ay wala man lang makakain.

Syota

Ito naman si Girlfriend grabe kung magselos. Diba niya alam na ang lungkot dito sa Dubai? Sabi nga ng mga beterano na dito may espiritu daw na gumagala dito. At ang espitung ito ay ang espiritu ng kalungkutan. Kaya pala may reason si Gilfriend na magalit kay boyfriend. Nasapian pala ito ng masamang espiritu at nakalimot na magtext kay Girlfriend at kung magtext man “wrong send” pa. Para pala sana kay girlfriend no. 2 ‘yon. Paliwanag naman ni boyfriend, inaasawa lng niya si Girlfriend no. 2 dito. Hanggang dito lang naman daw ‘to sa Dubai. Pag-uwi daw niya sa Pinas siya naman daw ang pakakasalan. ‘Yan naman pala. Hayaan mo na lang Girlfriend no. 1 si boyfriend mo. Nalulungkot lang siya dito. Kaya lang niya inaasawa si Girlfriend no. 2 para may mag-alaga sa kanya. May tagalaba. May tagaluto. Pero paano kung gagawin din ni Girlfriend ang ginagawa ni boyfriend? Paano kung nakikipagdate na rin si Girlfriend no. 1 sa best friend ni boyfriend? Ano ang tawag nito, pasensyahan? Sino nga ba ang dapat masisisi? Si boyfriend na nasalinan lang ng masamang espiritu o si girlfriend na gusto ding makalimot kay boyfriend?

Multiple partners

Uso kaya ang tawag nito? Sabi ng asawa mo may amnesya ka na daw kasi nakalimutan mo na siya. Ang lambing-lambing mo pa daw noong bago ka pa dito. Bawat lingo ka daw tumatawag sa kanya. Pero ano nga ba ang nangyari sa’yo ngayon? Bakit ba kung tuwing tumatawag ka sa kanya palagi kang galit? Minumura mo pa siya. Sinabihan mo pa s’yang mukhang pera. Bakit mo sinabi ‘yon? Totoo nga bang may amnesya ka o dahil lang yan sa bago mong asawa dito? Normal lang na makalimutan mo ang isang taong di mo palaging nakikita at nakakausap lalung-lalo na kung may kinahihibangan ka nang iba. Mapalalaki man o mapababae kung gusto mong mag-asawa dito simpleng simple lang. Kadalasan (sana hindi lahat) pag tinatanong mo si babae o si lalaki sa marital status niya sasabihin lang sa ‘yong hiwalay na, single parent or di kaya patay na ang asawa. Eh, sino ba naman ang dapat maging partner ni widow diba si widower? Basta’t magkaintindihan lang sila kahit walang pag-ibig at manunumpang magtanaw ng responsibilidad sa bawat isa, hala bira! Ayaw mo pa makaka-save ka ng upa sa bahay. Dalawa na kayong magbayad sa upa mong AED 500/- na single bed. O di kaya aakuhin na ni lalaki ang bayad. May purpose din diba? Pero kawawa naman ang mga asawa sa Pinas. Eh, paliwanag naman ng iba, kailangan pa ba daw uuwi sa Pinas para lang umihi? Hayan na. Gusto lang palang umihi. Kaya pala halos tatlo ang asawa sa Dubai. Ang tanong sino nga ba ang original pag tatlo ang asawa mo? Tiyak na silang tatlo ang magki-claim na orginal. Kung sino ang may hawak ng marriage contract (authenticated) siya ‘yong may karapatang magsabi na original. Ito naman si lalaki para lang nagpapalit ng brief kung magpapalit ng asawa.

Original post:
Buhay OFW sa Dubai

Monday, March 30, 2009

CHIP TSAO Discriminating Filipinos


I did not regret myself for being a Filipino or I condemned my fellows for being loyal to their foreign masters when they work abroad. At least it shows that Filipinos are more human than this Hong Kong Chinese writer whose behavior and writings are inhuman.

I am posting the whole article of Mr. Tsao so you can see for yourself and be the judge:

The War At Home
by: Chip Tsao

The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Dioy Island.That’s no big problem we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.

But hold on even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.

As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China.

Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings.

Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout China, Madam/Sir loudly whenever they hear the word Spratly. They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, Long live Chairman Mao! at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. Im not sure if thats going a bit too far, at least for the time being.


“Chip Tsao is a best-selling author and columnist. A former reporter for the BBC, his columns have also appeared in Apple Daily, Next Magazine and CUP Magazine, among others.”

To you Mr. Tsao, have you ever considered yourself human enough to do this inhuman act? Why are you belittling the Filipinos? Why are you starting this turmoil? Should I say you are an old writer and all your good ideas have faded away and you need to write a viable issue so that you can have a penny to pay for your International Politic servant? Well, I hope you paid your Filipina servant.

Monday, March 23, 2009

Kahit sa Dubai may ganito?

Sa lahat ng mga bumabasa sa post na 'to, gusto ko lang pong ipaalam na ang larawang nasa ibaba ay hindi po pagmamay-ari ng inyong lingkod. Ito'y hiram ko lang po sa pinaka paborito kong newspaper sa Dubai - ang 7Days.

Marahil ngtataka kayo kung bakit ko pina-plaster ang larawan na 'to. Ito'y hindi lang po basta larawan. Ito'y isang kahihiyan nating mga OFWs. Ito ang headline ng 7Days sa araw ito. Isang Pilipino na sakim sa laman. Nakakahiya ang Pilipinong 'to na kahit ang kanyang pamangkin ay pinagsasamantalahan. Sa kabuuang kwento sundan n'yo lang po ang link sa ibaba ng larawan.


CLICK HERE TO READ THE FULL STORY..

FILIPINOS WORLDWIDE

Let me quote these lines I read from a local newspaper in Dubai, “We call ourselves OFWs. We are Filipinos who permanently or temporarily reside outside the Philippines for work and greener pasture. We are the heroes of our country in the recent times. We are the Filipinos who give blood to our nation. Without us, our beloved Philippines is nothing but the poorest country in the whole world.”Melba Mendez

I agree with Melba. A couple of weeks ago, the book “World Fact” which I bought from City Center describes Philippines as one of the poorest countries in the world. Its geographical situation and wars between its people make the country poor. It depends its earnings from the remittance of Filipinos working abroad.

It’s with my great pride to be one of the OFWs – earning not just for our families but for the country as well. But I am worried. Many Filipinos lost their jobs because of recession and they have to return home – hopeless. How will the government of the Philippines help in return to these people often acclaimed by President Arroyo as heroes of the nation? I doubt. Forget about the OWWA. Forget about the programs, the loans to OFWs. They are not substantial.

OFWs are everywhere. According to the statistics, there are around 11 million Filipinos abroad. The table below shows the significant population of OFWs around the world.

• United States 4,000,000
• Saudi Arabia 2,000,000
• Malaysia 636,544
• Canada 437,940
• UAE 450,000
• Japan 258,977
• United Kingdom 200,000
• Italy 200,000
• Mexico 200,000
• Qatar 200,000
• Taiwan 158,116
• Singapore 150,000
• Kuwait 144,955
• Hong Kong 130,810
• Australia 129,400
• South Korea 70,000
• Germany 65,000
• France 65,000
• Guam 45,600
• Greece 40,000
• Israel 37,155
• Bahrain 36,718
• Lebanon 30,000
• Spain 26,505
• Norway 19,291
• Netherlands 18,456
• Macau 18,447
• Sweden 17,343
• New Zealand 16,938
• Ireland 11,000
• Thailand 5,000

Tuesday, January 27, 2009

How to convince people to believe in you?

Put yourself in the situation where you are in the middle of the crowd convincing the people to buy your ideas. You have done your best. You’ve shown your last weapon. The people looked convinced. But, none of them was a prospect buyer.

I envied to those people who can sell their ideas at the instant. People in the real estate industry are not just trained agents. They are like prophets in the bible. People believe exactly on what they say. Their tongues are powerful that even a single piece of an old and worthless pen can be sold at a million dollar.

Well, maybe real estate is not my field. I basically know the standard tactics and strategies of selling but I have no power to make those people believe in me. That feels so disappointing. But what it hurts most is when you said something to your love ones and they didn’t believe in you. You did explain everything and they seemed to understand but along the way, you did not expect that they have doubts in their minds. Say for example, most Filipinos are text-addicts. I am not saying that we are not doing other things in our whole life. We rely on texting because it’s not expensive and we love the art of it. Okay, the situation is like this. You informed to your love ones that for these few days you can’t text them because of your “so and so” reasons. You thought they’re with you. But you’ve found out that since you did not text them they also did the same. Have you remembered you said that they need not to text you? The information is very clear. Should you say this way, “Please text me even if I can’t text you in a few days” so that they can understand? You were not giving instructions to kids, were you? This is a problem we often encounter if the one being informed had not fully understood or had lost your credibility.