Monday, April 5, 2010

Tanong

Habang nakatingin ako sa  monitor, meron akong naisip itanong sa sarili ko, sa kapwa ko at sa Diyos. Ito ang mga sumusunod:

Sa sarili

Bakit hanggang ngayon, walong taon na ang nakaraan, dama ko pa rin ang pangungulila ko sa aking ama? Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. Ano kaya ang kanyang mensahe para sa akin, para sa pamilya ko? Bakit sa tuwing magpapakita siya sa akin, meron akong matatanggap na di kanai-nais na balita mula sa pamilya ko? Problema na hindi nila pinapaalam sa akin. Problema na saka ko na lang malalaman sa ibang tao. Di naman ako naging masamang anak at sinunod ko naman lahat ng pangaral niya no'ng kasama pa namin siya. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa ba itong paalala na malapit na rin akong lumisan sa mundong 'to? Ang aga naman! Bata pa ako. Di kaya meron siyang pamana sa akin na di niya naibigay noon? Kayamanan o anting-anting?

Sa kapwa

Bakit merong mga taong mas gustong mabuhay sa kasamaan, sa kasinungalingan at sa panlilinlang? Ano ang kanilang makukuha kung sa buong buhay nila, ayaw nilang subukang bumait? Ano ang motibo nila para gawin yon sa kapwa nila? Bakit kaya nilang ipamukha sa buong mundo kung ano at sino ka? Bakit kahit anong gawin mong pagbabago sa kanila hindi pa rin sila titino? Likas kayang masama sila? Di ba dapat namumuhay tayo ayon sa gusto Niya at hindi sa gusto natin? Ikaw! Oo ikaw. Bakit mo pinuno ng paninira ang  fb wall ko? Ano ba ang nagawa ko sayo na siraan mo ako ng ganito? At hindi ka pa nakontento pati ba naman blog ko? Wala naman akong atraso sayo, diba?

Sa Diyos

Hindi ko po kino-question  ang iyong kabanalan. Hayaan po ninyo sana akong itanong man lang ang mga bagay-bagay na nasa aking isipan. Lahat ng tao sa mundong ibabaw ay likha po ng inyong banal. You created us in your image and likeness. Your love is unconditional. Pero bakit po hindi magkatulad ang mga tao? Bakit merong mga taong hindi nakahandang tanggapin ang kanyang kapwa kung ano at sino man siya? Patawad po. Isa po ako sa kanila.

10 comments:

Sardonyx said...

tamang tama pala ang blog mo sa hula ko ngayon e hehehe, ako rin maraming tanong e pero yun sayo mas mahirap sagutin kaya huhulaan ko na lang yun isa, malamang may anting Tatay mo hehehe kasi pareho tayo, lagi ko namang napapanaginipan ang namatay kong Nanay, baka gustong isalin sayo ang anting anting ng Tatay mo hehehe. Pero kidding aside naitanong ko rin sa sarili yan tanong mo (2 days ago lang) "baka ako na ang kasunod" hehe, pero sana wag naman. Uy wag kang masyadong mag-isip dyan, take it easy! tatanda ka kagad niyan hehehe

Ruel said...

@Sads,
Pareho pala tayo..sige na nga dapat di ko isipin to kasi ayaw kung tumanda..hehe bata pa ako..bata pa ako..hehe

mr.nightcrawler said...

hmmm... andaming mga tanong parekoy... ang hirap sagutin... i really don't know what to say except that if you want to talk, nightcrawler is here. a'ayt?

Ruel said...

@MR.NC,
Thanks man..cge ha mag PM ako sayo..kailangan mong sagutin mga tanong ko..promise mo yan..

Unknown said...

this is life.. kahit nga sa pulitika dami akong tanong.. at yung ang buhay ika nga..

Anonymous said...

Maganda ang pagtatanong dahil dito nasusumpungan ang mga kasagutan. In this life, most of our questions will remain unanswered -- better left unanswered...

Pero dun sa mga questions mo, I think most are answerable by you.

1/ You dream of your dad because you missed out one act which still bothers you up until now. Guilt ba sya? Siguro.

2/ Ito ang tandaan mo: people can only do you harm if you let them.

3/ We can't all be the same. Otherwise, it will all be a bore! God created us in His own image kaya lang, we don't let that image shine out. We envelope ourselves of various negative emotions. We should live as how God wants us to, pero hindi natin ginagawa. (Isa rin po ako sa kanila. And I can only pray that God will change me for the better).

Godbless.

Ruel said...

@Nebz,
Salamat sa maganda mong advice..with regards to my dad..tama ka..guilty ako sa isang bagay..ito nga siguro ang dahilan kung bakit palagi ko siyang napanaginipan..


@Tim,
thanks for dropping by buddy..i agree with you this is life..

kikilabotz said...

napadaan

may mga tanong sa buhay natin na mahirap sagtin.

at hidi naman lahat ng tanong dapat sagutin

parang basketball, huwag m n itanong bkit b kailangan ishoot ang bola, just enjoy the game

Jepoy said...

May mga tanong na hindi na kailangan ng kasagutan. Kasi kapag lahat ng bagay ginamitan natin ng logic eh ma babaliw tayo. for example, may isang tao na hindi makapag move on, hindi mo naman pwede sabihin sa kanya na move on ka na bukas kasi sya yung nakakaramdam hindi naman tayo. Hindi mo sya pwedeng pukpukin ng tanong baket hindi sya makapag move on kasi isa lang maisasagot nya, "Hindi ko pa kaya"

para naman dun sa na ninira sa'yo eh wag mo ng pansinin yan kasi mga pathetic lang gumagawa ng ganyan. Im sure hindi naman maniniwala ang mga family and friends mo.

God Bless!

Life Moto said...

ok lang na magtanong ka bro. ang masama ay mag judge ka. tao lang tayo at nangangailangan ng mga kasagutan sa buhay. nagpapatunay lang na meron tayong paki sa mundo.