Saturday, August 29, 2009

Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (pagwawakas)

"_ m going thru sm prsnal pain due to my dscontntmnt of myclf.I wd lyk to hv 3days of dsconction of wtever comu frm evrybdy.Pls rspct my rqst.Ul knw d rson aftr"

Natanggap mo ang text na ito isang araw mula sa asawa mo. Ilang beses mo itong binasa. Gusto mong sabihin na wrong send na naman ito. Ngunit, ang puso mo'y nagsasabi ng totoo. Para talaga sayo ang text na 'to.

Nanahimik ka. Hindi mo alam kung ano ang gagawin.Totoo ba 'tong text na 'to or joke lang? Marami kang tanong ngayon sa sarili mo. Kamakailan lang masaya kayong nagcha-chat ng asawa mo. Wala kang maala-alang dahilan kung bakit nagtext ng ganon ang iyong asawa. May kasalanan ka ba? Kasalanan ba kung tanungin mo siya ng isang sensitibong tanong? Iyon kaya ang rason kung bakit nakikipag-cool-off siya?

Naalala mo minsan binuksan mo ang Yahoo mail ng asawa mo. May bigla na lang nagpa-pop-up na mga IM mula kay Mr. XXX. Si Mr. XXX, ayon sa kwento ng asawa mo ay isang virtual friend niya. Cyber BF daw niya noong araw. Isang OFW na nakabase sa USA. Ni minsan daw di pa sila nagkita. Pero marami na daw silang pinagsasamahan. Inamin niya sayo na mahal na mahal niya ito. Pero noon 'yon. Hindi na ngayon.

Sinasagot mo ang mga IM ni Mr. XXX. Sabi ni Mr. XXX pauwi daw siya nitong darating na Enero para magbakasyon. Kailangan niyang malaman ang eksaktong lugar ng asawa mo para makapag-book siya in advance sa isang hotel na malapit sa asawa mo.

Naks! Mag-a-eyeball sila ng asawa mo? For what? Di ba break na sila? Ano ang gagawin mo ngayon? Haharangan mo sila? Bad image diba? Para kang kontrabida sa teleserye. Umuwi ka na lang kaya sa January para hindi sila mabigyan ng chance ng magkita. Ang weird. Alam kaya ni Mr. XXX na may asawa na ang ka-chat niya noon?

Isang araw, habang nagcha-chat kayo ng asawa mo, sinabihan mo siya tungkol kay Mr. XXX. Tinanong mo siya kung makipagkita ba siya ni Mr. XXX kung totoong pupunta ito sa inyong lugar. Walang pag-aatubiling sinabi niyang makipagkita siya. Nag-a-argue kayo ngayon. Di mo inakalang 'yon ang isasagot ng asawa mo. Bakit pa siya makipagkita nito? Diba may responsibilidad na siya? Di ba mag-asawa na kayo? Anupa't makipad-date siya sa iba? Sabi ng asawa mo, makipagkita lang daw siya ni Mr. XXX. Hindi naman daw ibig sabihin na dahil magkikita sila ay magsi-sex na sila.

Pwede ba 'yon? Bakit makipagkita ang asawa mo kay Mr. XXX kung wala na silang ugnayan? Ano ang gagawin nila pag nagkita sila? Saan sila magkikita? Paano kung main-love ulit ang asawa mo sa kanya? Iiwan ka ba niya?

Iyon ba ang dahilan kung bakit nakipag-cool-off sayo ang asawa mo? Ayaw na niya sayo? Hindi ka na niya mahal? Bakit ganon? Bakit kailangang mangyari 'yon? Bakit kailangan maghihiwalay kayo? Wala ka nang magagawa. Hindi mo na mapipilit ang asawa mo kung ayaw na niya sayo. Meron siyang sariling desisyon sa buhay. Kung mahal mo siya, irespeto mo ang kanyang desisyon. Kung mahal mo siya, ayaw mo siyang makitang nahihirapan na sa inyong pagsasama. Kung mahal mo siya, pakawalan mo. Di bale ng ikaw ang masaktan. Di bale nang maging isang sawi makita mo lang masaya siya.

--------------------------------------------------------------------------------------
Sa aking mga masusugid na mambabasa, ito po ay isang totoong kwento. Kayo na po ang magbigay ng conclusion kung ano ang nangyari after 3 days. Natapos po ang tatlong araw na hiningi ng asawa noong Lunes, Aug. 24, 2009.
--------------------------------------------------------------------------------------
Reactions:

11 comments:

Lord CM said...

Ang sakit no? wala ka nang magagawa kahit gusto mo pang may gawin, kasi kahit anong gawin mo hindi na mababalik ung dati, ung dating kayo...at kung mabalik man, sigurado hindi na mawawala ang nakaraan..

Nebz said...

Masalimuot ang kwento.

Di ko alam pero parang gusto kong batukan ung lalaki.

The worst thing a person can do in his life is to marry an unfaithful.

Masakit kung agawin ng iba ang mahal mo. Pinakamasakit kung pumayag ang mahal mo na magpa-agaw sa iba. That, for me, is unfaithful.

Ano'ng nangyari after 3 days? Nakakita ng ibang mahal ung lalaki. Ung babae, nakakita ng ibang ka-chat. Tama ba ako? (Hirap manghula...).

john said...

grabe pare heartbreaking naman to sana next time masaya naman, pero this is a very very familiar story im sure maraming OFW's na makakarelate dito I work in a Family Court and i have heard so many sroties like this one

Ruel said...

@LordCM,
May gap sa inyong dalawa kung magbabalikan kayo..

@Nebz,
What happened after 3days? There was the so-called total eclipse..

Kablogie said...

Ouch ang ending..pede i-reveal kung sino sila? ^_^ pero kundi pede okei lang hayaan mo na lang mag isip ako ng buong taon jung sino sila! lols..

Jez said...

owwww...ang hapdi naman nyan.. hayyyzzz.. at my request pa talga ah..

dibah, you will always find someone better sa wife/husband or gf/bf mo...so the challenge is how to keep the fire burning?

sabi nila kapag ang babae ay nakipag ugnayan sa ibang lalaki maliban sa kanyang karelasyon, hindi lang physical ang binibigay pati puso daw

Mr. Thoughtskoto said...

Jess of Lifemoto directed me here about your story.

maganda daw. reading this final entry I can say maganda nga.

Umpisahan ko muna sa una. Magmamake-up ako. hehehe, nabusy lately.

A-Z-E-L said...

aw! sana lang mahanap ng babae ang kaligayahan na hindi nya natagpuan sa asawa nya... dahil kung hindi, kulang ang isang drum na luha para sa pagsisisi...

sana naisip nya na hindi dahil masaya sya sa iba.. mahal na nya iyon!

sana maisip nya na ang pagtitiis at pagpaparaya na ipinapakita ng asawa nya ay isang halimbawa ng wagas na pag-ibig... mahirap humanap ng lalaking ganon...

nawa'y maging maligaya sila sa kung anong desisyon ang ginawa nila... sana...

BlogusVox said...

Mahirap kung meron silang mga anak. Mas komplekado at masakit para sa mga bata. Pero kung wala, aanhin mo ang isang babaeng talipandas? Marami pang iba.

AJ said...

hi ruph. sori ang dami kong nilabhan nong friday..iprint ko to para mabasa ko sa aking ayaw matulog na mga gabi, hehe..sana makagawa ka ng pocketbook. syang ang talent mo sa paglikha ng nobela.

Ruel said...

@John,
Totoo yan bro..Mahapdi..Masalimuot ang buhay pag-ibig ng isang OFW..Sana mapupulutan ito ng leksyon..

@Kablogie,
Nasasaktan ka rin pala..hehe Huwag mo na kasing itanong kung sino sila..I can't reveal them for privacy reason..hehe Pero kilala mo siya..that's the clue!

@Jez,
Ows...ang sakit din ng sinasabi mo..Totoo ba talaga ang sinabi mo na kung makikipag-ugnayan ang babae sa iba hindi lang katawan ang binibigay kundi pati puso niya?

@Mr. Thoughtskoto,
Talaga nagagandahan ka? Sige ha basahin mo mula part 1 at balik ka dito ulit para magcomment..hehe inutusan ba naman..lolz

@Azel,
Parang nakarelate ka sa story ah..hehe Sana nga matumbasan ng lalaki ang pagmamahal na buong pusong binibigay ng kanyang asawa sa kanya..sana..

@Blogusvox,
Wala pa silang anak..Tama ka..Aanhin pa nga ba siya..Hindi lang siya bilyas kundi isa siyang ssssssssss......

@AJ,
Naks..gagawin mo pa akong novelist..hehe hindi ko na nga kayang magsulat sa blog ko kasi deteriorating na ang isip ko..May mabibili ba tayong bytes for dagdag memory?hehe Teka, punta ka sa bahay ni Chiko..May maganda siyang kwento..Nakakaawa naman pala si Chiko..