Monday, April 5, 2010

Tanong

Habang nakatingin ako sa  monitor, meron akong naisip itanong sa sarili ko, sa kapwa ko at sa Diyos. Ito ang mga sumusunod:

Sa sarili

Bakit hanggang ngayon, walong taon na ang nakaraan, dama ko pa rin ang pangungulila ko sa aking ama? Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. Ano kaya ang kanyang mensahe para sa akin, para sa pamilya ko? Bakit sa tuwing magpapakita siya sa akin, meron akong matatanggap na di kanai-nais na balita mula sa pamilya ko? Problema na hindi nila pinapaalam sa akin. Problema na saka ko na lang malalaman sa ibang tao. Di naman ako naging masamang anak at sinunod ko naman lahat ng pangaral niya no'ng kasama pa namin siya. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa ba itong paalala na malapit na rin akong lumisan sa mundong 'to? Ang aga naman! Bata pa ako. Di kaya meron siyang pamana sa akin na di niya naibigay noon? Kayamanan o anting-anting?

Sa kapwa

Bakit merong mga taong mas gustong mabuhay sa kasamaan, sa kasinungalingan at sa panlilinlang? Ano ang kanilang makukuha kung sa buong buhay nila, ayaw nilang subukang bumait? Ano ang motibo nila para gawin yon sa kapwa nila? Bakit kaya nilang ipamukha sa buong mundo kung ano at sino ka? Bakit kahit anong gawin mong pagbabago sa kanila hindi pa rin sila titino? Likas kayang masama sila? Di ba dapat namumuhay tayo ayon sa gusto Niya at hindi sa gusto natin? Ikaw! Oo ikaw. Bakit mo pinuno ng paninira ang  fb wall ko? Ano ba ang nagawa ko sayo na siraan mo ako ng ganito? At hindi ka pa nakontento pati ba naman blog ko? Wala naman akong atraso sayo, diba?

Sa Diyos

Hindi ko po kino-question  ang iyong kabanalan. Hayaan po ninyo sana akong itanong man lang ang mga bagay-bagay na nasa aking isipan. Lahat ng tao sa mundong ibabaw ay likha po ng inyong banal. You created us in your image and likeness. Your love is unconditional. Pero bakit po hindi magkatulad ang mga tao? Bakit merong mga taong hindi nakahandang tanggapin ang kanyang kapwa kung ano at sino man siya? Patawad po. Isa po ako sa kanila.

Thursday, April 1, 2010

Online Radio

Right now, from my laptop, I am listening to one of my favorite FM radio stations in the Philippines. Yes, you got it right! From the Philippines. I discovered this site two days ago. This is the only site, so far, wherein you can tune in, from various selections, best radio stations all over the world. And the good news is, it's absolutely Free. Try it now!

Monday, March 29, 2010

Ulcer or Baby?

This is the headline of today's news. A Dubai air stewardess gave birth to her baby in a hotel room during a 24-hour layover in South Africa had no idea she was pregnant.  She had thought she was just suffering from a stomach ulcer. 

How true?

Mahal na Araw

Tumawag ang kapatid ko noong isang araw nagtanong kung kailan ko daw ipapadala ang sustento nila. Sarado na daw kasi ang lahat ng bangko sa Miyerkules. Eh bakit ba sila magsasara, tanong ko. Mahal na Araw na kasi, sabi niya. Natahimik ako.

Oo nga, Mahal na Araw na pala. Pero bakit parang hindi ko man lang naramdaman? Noong nasa Pinas ako, tuwing mahal na araw madalas naming nilalakad ang buong isla ng Camiguin. 

There are many ways to show one's faith lalo na pag Mahal na Araw. Merong nagpapako sa Krus na tila ba gustong sundan ang yapak ni Hesus. Merong nagpo-procesyon na nakapaa lang. Ang iba hilang-hila ang napakalaking Krus. Ito daw ang kanilang paraan ng pagsasakripisyo at pagpapadama sa Kanya na sila'y nagsisisi na sa kanilang mga kasalanan.

Sa amin, iba naman ang aming pamamaraan ng pagsakripisyo. We call it Panaad. Panaad literally means "promise, is a term used by Camiguingnons to refer to a Lenten activity kung saan karamihan sa mga tao from Camiguin or from nearby places flock to the island to somehow fulfill their promises for something in return. Pwedeng bilang pasasalamat dahil sa kaligtasan or dahil sa nakamit nitong karangyaan sa buhay. 

Sa makatuwid, masaya kung Mahal na Araw sa amin. Parang palaging may procesyon. Lahat ng tao gustong ikutin ang buong isla at akyatin ang walkway stations of the cross. Ito na marahil ang nami-miss ko sa lahat na hindi ko pwedeng gawin dito sa Dubai. 

Pero kahit saan mang dako tayo naroroon, at kahit wala man tayong gawing sakripisyo basta ang importante hindi tayo makalimot na may isang Hesus na nagpapako sa Krus.

Sunday, March 28, 2010

Electrified Parameter

Gabi na. Tahimik na ang buong bahay. Wala na akong ibang naririnig kundi ang ingay ng aircon naming mahigit dalawang taon ng hindi nalilinis. Gusto ko nang magpahinga ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Marami akong naiisip. Marami akong naalala. Things of the past na dapat lang kalimutan.

Ilang beses ko nang tinatanong sa sarili ko kung bakit kailangan ko pang iisipin ang taong minsan ko nang minahal. Naglaho ngunit nagpakitang muli. Sa kanyang muling paglitaw baon ang bagong pag-asa - na dugtungan ang naudlot naming relasyon. Subalit, paano pa ako maniniwala na siya'y tuluyan ng nagbago? Paano niya maitutuwid ang mga pagkakamaling siya ang may akda? Paano ko malalaman na ang lahat ng mga sinasabi niya'y totoo?

Mahirap na'ng magtiwalang muli lalo na't minsan na akong nasaktan, nawasak, lumuha. Minahal ko siya noon ngunit hindi ko siya kayang mahalin ngayon. Hindi ibig sabihin na hindi ko siya pinatawad. Ayaw ko lang siyang mahaling muli dahil ayaw kong masaktan sa pangalawang pagkakataon.

Ngunit hanggang kailan kaya siya mawawala sa aking isipan kung hanggang ngayon siya pa rin ang laman nito?

Saturday, March 27, 2010

Finally, I'm back!

In my last post sabi ko busy ako kaya medyo mawawala muna ako sa mundo ng blogosperyo. Noong una akala ko ayoko nang balikan ang bisyong ito. Tama ba ako? Bisyo nga ba ang pagba-blogging? Siguro. Marahil. Hindi ko kasi maiwasang balikan ang isang bagay na nakapagpasaya sa akin. Dito lang ako masaya. Siguro nga writing is my passion. Hindi naman ako magaling na writer. At di ko naman binalak na maging isang John Grisham. Gusto ko lang magkwento. Mga kwentong kahit walang puwang sa puso ng mga mambabasa pero may kabuluhan sa akin.

Nami-miss ko na rin kayong lahat. Nami-miss ko ang aking mga kaibigan dito sa blogosperyo (see those links?) na naging bahagi na ng aking buhay. Sana muli ako'y inyong tanggapin at papasukin sa inyong mga tahanan.

See you guys!

Wednesday, January 20, 2010