Kaskas dito, kaskas doon. Pindot dito, pindot doon. Bili dito, bili doon. Ito ba madalas mong ginagawa noong unang tanggap mo ng credit card? Marahil, ito nga, kasi gawain ko din 'to.
Nakakatawa noong unang tanggap ko ng crdit card. Tawag agad ako sa customer service para ma-activate ito. Tatlong minuto lang activated na ang card ko. Punta agad ako sa ATM at sinubukan kong mag-cash advance. Ang bilis. Ang bilis maglabas ng pera ang ATM. Pagkatapos sinubukan ko namang bumili sa department store. Ang bilis din. Hindi tumatanggi ang cashier. Feeling ko dali-dali ng pera. Feeling ko lang 'yon. Medyo nabulag kasi ako sa katotohanan na ang credit card ay utang pa rin. At dahil ito ay utang, kailangan nating bayaran sa ayaw at sa gusto natin.
Sa Dubai, hindi mahirap kumuha ng credit card. Sa sobrang dami ng bangko dito, di mo na alam kung saan ka uutang. Lahat ng bangko ay nagpapautang - personal loans, car loans, overdraft facility, credit cards at iba pang loan. Simple lang ang collateral ng pautang dito - kung meron ka lang labor contract and your salary is within their specified bracket, pwedeng-pwede kang umutang.
Dahil dito, sobrang dami ng mga expats ang nalolong sa utang. Ang mga kababayan natin, kaliwa't kanan ang utang. Umaabot hanggang sampu ang credit card. Maliban sa credit card, meron rin silang personal loans. Kagaya ko, may personal loan at credit card ako sa citibank at may credit card din ako sa First Gulf Bank.
Maganda ang magkakaroon ng credit card. Sa panahon ng emergency pwede mo itong gamitin. Malayang-malaya kang makabili ng gusto mo.Pero sa kalaunan di mo alam na unti-unti ka na palang kinain ng credit card mo. Marami sa mga kababayan natin ang nagkaroon ng problema dito sa Dubai dahil sa credit card. Tulad halimbawa ni Ashley (nagbabasa siya ng blog ko kaya hindi ko inilathala ang totoo niyang pangalan). Walo ang credit card niya mula sa iba't ibang bangko. Apat na beses na siyang nakulong dahil hindi siya nakabayad. Paano nga ba siya makakabayad kung ang sahod niya ay hindi sapat? Kaya tiis-tiis lang muna sa jail.
--------------------------------------------------------------------------------
Kamakailan lang pumunta ako sa Esprit sa may Dubai Festival Center. Binalak kung bumili ng longsleeve. Sa kasamaang palad hindi ko nabili ang gusto ko kasi hindi gumana ang card printer ng Esprit. Tatlong beses na ikinaskas ng cashier ang credit card ko pero hindi ito nagpi-print. Hindi naman daw decline ang response ng bank, hindi nga lang daw nagprint ang machine at dahil hindi ngprint hindi approved ang transaction ko. Tama ba ang narinig ko?
Nang tiningnan ko online ang statement ko after 2 weeks, nagri-reflect ang transactions ko sa Esprit. Tinawagan ko ang bangko at ang sabi nito nabayaran na daw nila ang Esprit. Sinabi kong hindi approved ang transactions na yon at paano nila binayaran ang Esprit eh wala akong perma sa cardslip. Binigyan nila ako ng approval number at sinabing kausapin ko daw ang Esprit. Pinuntahan ko ang Esprit at ang sabi nito hindi daw nila natanggap ang bayad ng bangko at nai-reversed na daw nila ang transactions na yon. Paano nila nasabing nai-reversed na eh hindi naireflect sa statement ko ang reversal entries nito?
First time ko lang maranasan ang ganitong fraud. Hindi naman masyadong malaki ang amount kaya lang, nakakairita kasi nagbabayad ka sa hindi mo nakukuhang produkto. Kaya ngayon ayoko nang gumamit ng credit card.
20 comments:
nakibasa ditoh... galing sa pahina ni Jepoy.... yeah careful tlgah w/ credit cards... pero nung una naaliw den akoh sobrah dyan... so anong nangyari.. sa sobrang aliw eh aliw den ang amount nang utang... so 'unz.. laterz.. Godbless! -di
nakakaaliw at nakakaenganyo ang credit card...
pero wala ako niyan!
wala rin akong balak kumuha kahit isa...
nakaka survive naman ako...
nakakapagpadala ako sa pinas...
nabibili ko ang mga gusto ko pero limited lang tlga dahil yun nalang ang budget ko...pero mas gusto ko yun atleast wala akong utang :)
mas masarap pag walang credit card. walang iniisip na utang at walang iisipin na makukulong ka sa mga darating na araw.
mahirap din kaseng sabihin na for emergency lang ito...hindi maiiwasan na mag kaskas lalo na pag may nagustuhang damit o bagay...kaya ako, ok na ng walang credit card! hahaha!!
Basta alalay lang sa paggamit ng credit card. the end of the day utang pa rin yan. na may interest. check and balance mo rin and sahod mo at expenses, baka puro liability at negative pa :)
dapat kasi ang credit card pang emergency purpose lang hindi pang luho...
Ok naman ako sa credit cards... basta lang ba alam mo kung paano gamitin... nangyari na rin yan sa akin ang masama lang matagal talaga bago mareverse o maibalik ang "supossedly payment"... Pero ang ginagawa ko naghihingi ako ng transaction numbers nila at kung may number man yung sinasabi nilang reversal ay hihingiin ko din para may proof ako... So far ok naman lahat... matagal sa matagal pero naibabalik naman... jejejejejeje
Haay, the woes of owning a credit card are endless!!!
Wala akong credit card. Dati gusto kong magkaroon. Ung material-side of Nebz, gustong kumuha ng credit card. Kahapon lang pagpunta ko sa bangko to report the loss of my debit card, binigyan kaagad ako ng application for a credit card. Free daw ang fee for the 1st year. Sabi ko dun na lang ako sa debit card ko. At least I will not spend what I don't have.
Pero sa katotohanan naman wala sa credit yan, nasa tao. I know someone who has a credit card pero hindi nya ginamit ever. Ikinansel na rin nya dahil he ended up paying the annual fee without even using the service.
@Dhianz,
tnx for coming at PS..tama ka..nakakaaliw ang credit card at nakakadagdag gastos..
@Jee,
mabuti ka pa..from time to time wala kang worries..wala ka kasing utang..yan ang dapat..
@lifemoto,
good advice..tnx bro..
@kablogie,
another good point from you bro..dapat pang-emergency lang..pero as I said, temptation is there always..
@I am Xprosaic,
may bad experience ka din pala..i hope ma-reverse na rin yong claim ko..
@Nebz,
good decision ang di mo pagkaroon ng credit card..tama ka..sa debit card, you can only spend what you have..meron din akong kasama sa haus, di niya ginamit ang credit card hanggang nang-expire ito..
mas okay gumamit ng credit card sa pinas kasi dito sa dubai, kasi dito mahigpit at may bilanguan talaga ang bagsak mo pag di ka nakabayad. kaya ako walang cc dito sa dubai, puro cash! yaman! heheh
sa pinas dati, siguro 5 yung active kong card, pero may disiplina ko sa paggamit, actually big help sa pinas ang meron cc. kasi imagine mo, pwede na bumili ng gamit na utang via CC tapos bayaran mo rin before dure date, wla kang interst o charges na babayaran, nasa tamang pag gamit lang yan.
tama wag abusuhin lalo na pag alam mong di sapat ang kita mong pangbayad sa luho.
wala din akong credit card... di kaya ng sahod ko ang minimum requirement nila eh :D
i can PERFECTly relate, hehe..
dami kong bad memory dyan eh. hayan, kagugupit ko lang yesterday ng mashreq ko. last year, nacensor ko rin ung first gulf, and standard.., nakatikim din ng gunting ko ung RAK at citibank..etc etc..dami ko na sigurong ipon sa interst p lang na pinatong sakin hehe..
cc is a source of many evil.!
.
- esp in this country.
.
ps: sori nagtotootbrush me kanina..@ syempre ibinoto kita sa PEBA. :)
haha.
may negatibo at positibong epekto ang credit card.
pero para sa akin, disiplina pa rin sa sarili yan... aaaaaat! wag kalilimutan, wag ipapahiram o ipapagamit ang credit card sa hindi marunong magbayad.
buti na lang wala akong cc..
debit card lang ako meron..hehehe
There is nothing wrong having credit cards, just like having cold cash in hands.
What counts is how you manage your resources, spend wisely and try to avoid loans and credit facilities unless it is really an EMERGENCY.
Thank you for sharing. God bless.
WOW! u mean to say...kailangan mo talagang bayaran ang Esprit na iyon kahit di naman napa sa kamay ang items. kakatakot...meron palang ganoon. parang dimo malaman tuloy kung kanino ang me problema sa Bank or sa Shop.
Credit Card dati meron din ako sobrang kakuriputan ko nga halos diko nagamit yan...kaso nagka emergency na walan ako ng trabaho pati na ang mr ko. sa kasamaang palad sa liit lang naman ng inutang namin dipa namin na bayaran dahil nag BOOM CRISIS talaga ang japan hirap humanap ng trabaho at hirap mangutang sa ibang tao halos wlang nagpapautang.sa pagkain lang yung inutang namin sa credit cguro wala pang 10k pesos hayyy...kakainis sa konting halaga nasira ang pangalan ko.halos mag isang taon din kasi kaming nawalan ng trabaho.
para sa akin maganda talaga ang me credit kasi pang emergency sya...sa ngaon binabayaran ko ng paunti unti lumaki kasi ang tubo sa tagal ng hindi pagkakabayad.kakatakot pala dyan me nakukulong dito kaya sa japan...wala pa naman akong nababalitaan na nakulong dahil sa utang sa credit.
@Chico,
Tama ka..mahirap gumamit ng cc dito sa dubai, mahirap kong hindi mo ito mabayaran agad. Malalki ang interest, late payment charges at higit sa lahat may kulungan na nakaabang sayo kung hindi ka makapagbayad..It's a good choice na hindi ka kumuha ng cc dito..Bakit mo pa nga ba kailangan yon kung may sapat kang pera diba?
@Azel,
Hmmm...kunwari ka lang..ayaw mo lang talagang kumuha kasi di mo kailangan..kung alam mo lang na alam kong 5 digits ang sahod mo..
@AJ,
Salamat sa boto bro kahit na napilitan ka lang..hehe with regards to CC..may bad experience ka din pala..mabuti at ginunting mo na..hanga ako sayo..ayaw mo na talagang magkautang..Anyways,
tinawagan kita kahapon dahil kay Jee. Gusto ka kasing makausap niya. She asked me kung meron akong number sayo..Pero okay na pala. Nagkausap na pala kayo..Mabuhay ang Ka-blogs!
@Kosa,
Tumpak!Lunod ka talaga sa utang kung pinapahiram mo ang cc sa iba na hindi naman nagbabayad..
@Pogi,
Ang yaman mo pogi..pahiram ng debit card mo..hehe
@The Pope,
Credit card for emergency..I am with you Pope..
@Akbel,
Thanks for your comment..nakakatakot nga dito..buti pa dyan sa dubai..Nailink na kita..Thanks sa pagbisita mo ha and gud luck sa life mo diyan sa Japan..
Yup nareverse naman... but i don't blame the credit card company but the airline ticket which i purchase the ticket kasi sila yung matagal like 60-90 days daw ang processing nila sa cancellation of booking tapos sa credit card naman about 30-45 days... jijijijijiji... pero di naman talaga ako nagworry because may hawak akong mga documents if in case wala talagang maibalik sa akin... jijijijiji
Wala akong credit card at wala akong balak magkaroon dahil sa isang karanasan ng kasama ko sa trabaho. Sa dami ng luho nya at ng kanyang pamilya, nagkaluboglubog sa utang sa credit card at loan sa banko. Umabot ng SR100,000 ata. Nakakatakot pahiramin kahit matagal mo na syang kakilala.
halooo, english please.....
Post a Comment