Sunday, March 28, 2010

Electrified Parameter

Gabi na. Tahimik na ang buong bahay. Wala na akong ibang naririnig kundi ang ingay ng aircon naming mahigit dalawang taon ng hindi nalilinis. Gusto ko nang magpahinga ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Marami akong naiisip. Marami akong naalala. Things of the past na dapat lang kalimutan.

Ilang beses ko nang tinatanong sa sarili ko kung bakit kailangan ko pang iisipin ang taong minsan ko nang minahal. Naglaho ngunit nagpakitang muli. Sa kanyang muling paglitaw baon ang bagong pag-asa - na dugtungan ang naudlot naming relasyon. Subalit, paano pa ako maniniwala na siya'y tuluyan ng nagbago? Paano niya maitutuwid ang mga pagkakamaling siya ang may akda? Paano ko malalaman na ang lahat ng mga sinasabi niya'y totoo?

Mahirap na'ng magtiwalang muli lalo na't minsan na akong nasaktan, nawasak, lumuha. Minahal ko siya noon ngunit hindi ko siya kayang mahalin ngayon. Hindi ibig sabihin na hindi ko siya pinatawad. Ayaw ko lang siyang mahaling muli dahil ayaw kong masaktan sa pangalawang pagkakataon.

Ngunit hanggang kailan kaya siya mawawala sa aking isipan kung hanggang ngayon siya pa rin ang laman nito?

Related Posts:

  • THANK YOU, THE POPE, OF PALIPASAN!I thank “The Pope” of Palipasan for passing this award to me. It’s my great honor to receive such wonderful award from a wonderful friend. This is my second award from him - flattering yet compelling. For those who will re… Read More
  • Let's SUDOKU!Before I was addicted to blogging, I was fond of solving SUDOKU. For those who have no idea about it, Sudoku is a number puzzle consisting, in its classic form, of a square divided into nine squares, with each smaller square… Read More
  • Nalulungkot ako para kay Ate PMNitong madaling araw, nagising ako sa isang hagulhol ng pangungulila ni Ate PM. Si Ate PM at si Ate Myrna ay iisa. 'Yon kasi ang bansag sa kanya ni Jimmy - Ate PM, meaning "Princess Myrna". By the way, si Jimmy ay isang mabut… Read More
  • Beware of Illegal RecruitersEarlier this April, news about the 137 Filipino drivers circulated throughout the Emirates. These were the Filipinos who were victims of illegal recruitment agency, the CYM with its counterpart in Dubai. It was reported that … Read More
  • YOUR FUNERALI have been thinking a lot of things today. Being alone in my not-so-nice flat flooded by waste water (the drainage outside once again was blocked and the maintenance could not think of a possible solution) many strange thoug… Read More

3 comments:

Xprosaic said...

Naku lilipas lang din yan... kala ko nga di ako nakamove on noon pero nung muli kaming nagkita... matagal na palang nawala yung nararamdaman ko...

Ruel said...

@Xp,
Sana nga..I want to be free..hehe

A-Z-3-L said...

mawawala lamang sya... kung gugustuhin mo. pero hangga't palagi mo syang patitirahin sa iyong isipan, hindi ka makakalimot kailanman!

humakbang ka... wag kag matakot humakbang. kaya mo yan kuya:)