Sunday, December 20, 2009

Reason

Ayoko ko na sanang balikan pa ang bahay na 'to. Marami kasing mga bagay na nandito at gusto ko nang ibaon  sa limot. Mga bagay na walang silbi. Mga paratang sa likod ng katotohanan.

Inaamin ko. Nagsinungaling ako noong una. Sinabi kong mawawala ako ng isang tao't kalahati o mas mahigit pa dyan. Gusto ko lang bigyan ng katahimikan ang lahat. Alam kong mahirap ang ginagawa ko pero hindi n'yo ako masisisi. Normal lang to sa lahat ng taong nagmahal at nawalan.

Nagmahal ako at nawalan ng minamahal. Umamin na siyang nagkabalikan na sila ng ex n'ya. Isang taon na daw. Pinilit kong ituwid ang kamaliang hindi sa akin nagsimula. Nagmakaawa ako. Lumuhod at humingi ng isang pagkakataon pero bigo ako. Malakas ang kanyang paninindigan na hindi na niya ako mahal. Ilang taon na rin daw na hindi niya ako kapiling. Ito daw ang dahilan kung bakit niya ito ginawa. Ayaw na niya akong mahalin dahil daw ayaw na niya akong masaktan.

Ano ba ang magagawa ng isang taong inaayawan na? Sa bagay hindi ko naman siya masisisi. Tanggap kong isa akong OFW. And, long distance relationship does not work without cooperation of both parties.

Note: The main reason why I find back my world in the blogosphere is dahil sa request niya. 

Para sa'yo: I respect your decision at hangad ko ang iyong walang kupas na kaligayahan sa piling niya. You know how much I love you. If you decided to come back to me I am very willing  to accept you. Because of you, I got to put my shoes on and start to live my life again.

16 comments:

Xprosaic said...

Weee! ayan bebase uli ako.... jijijijiji...

dahil ako ang una mong dinalaw sa pagbalik mo kaya may 2 akong magkasunod na bebase! jijijijijiji

Xprosaic said...

O eto naman tungkol sa post mo... Dumaan na rin ako sa landas na yan... and worse... nagpakasal pa sila... o ha?! pero di ko na pinahinto ang mundo ko... masakit kung masakit given na yun pero mas pinili kong ayusin ang buhay ko at gawing mas kapakipakinabang para naman sa susunod na magmamahal akong muli... wala nang pagkakataong maisipan pa akong iwanan... o ha! jijijijiji dramahan na to! jijijijiji

Ruel said...

@IamXprosaic,
Thanks sa dalawa mong base..sobra na yon for Christmas..Salamat pare..

And salamat din hindi pala ako nag-iisa..Masakit pero kailangan lumaban..

2ngaw said...

Sabi nga ni John Lloyd sa isang pelikula,

"Hindi lang sayo umiikot ang mundo, at hindi titigil to kahit mawala ka pa!"

Isipin na lang nating itinakda ang lahat na mangyari dahil may mas maganda pang mangyayari para sayo, TULOY ANG BUHAY parekoy! :)

Julianne said...

Basta ano man ang mangyarai your One True Love will come and both of you will live happily ever after.

Merry Christmas.

:)

The Pope said...

If you find yourself in love with a person who does not love you, be gentle with yourself. There is nothing wrong with you. Love just didn't choose to rest in the other person's heart.

Pain is inevitable. Suffering is optional and we have to move on and learn the process of letting go. As we look forward on the coming of Infant Jesus, may forgiveness and peace reigns in our souls and open our hearts to Christ's blessings and love.

Merry Christmas!!!

Ruel said...

@Rej,
Parang fairy tale ah..Merry Christmas too..

@Pope,
I remember my most argued Desiderata. Life is so complicated yet simple..Merry Christmas to you and to your family.

@Lord,
Parekoy, nanonood ka din pala ng "In My Life"..hehe

Well, it's the truth..LIFE goes on and on and on and on and onnnnnn...

poging (ilo)CANO said...

pag-ibig nga naman oo..hehe

iligo mo na lang sa jumeira beach yan..joke!..meri xmas..

Null said...

Awwwww.... Meron talgang mga bagay na nawawala para palitan ng bago... Mas ok at mas magmamahal ng totoo :) cheer up! :)

Ruel said...

@Pogi,
buti pa nga iligo ko na lang..Merry Christmas too, bro..

@Roanne,
Di naman madaling magpalit lalo na pag mahal na mahal mo ang isang bagay..Merry Christmas..

RJ said...

Magpapasko, hanep sa emotions ang post na ito!

Maghanap ka nalang ng bago mong mamahalin, RUph.

Merry Christmas! U

Ruel said...

Doc, I think my Christmas is blue but I can still breathe the freshness of Christmas..

A-Z-3-L said...

u sure ur ok?

cheer up!
it's Christmas!

Jepoy said...

*hay* I hate reading sad stories, but hey that is a part of life. I know it will be so hard for you. Cease the pain and then move on. Ganyan naman move on lang ng move on. Keep your faith up and your expectations low.

Have your self a Merry little Christmas...

My Yellow Bells said...

hi ruph, what a sad story. Hanap ka na ng bagong love para di malamig ang Pasko mo.

Take care.

Anonymous said...

Welcome back!

And merry Christmas to you and your family!