Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts

Saturday, December 26, 2009

Saluting Sheryll

Perfect Square would like to congratulate Sheryl Mariano Juan - the first ever and the only passer of special CPA examinations held in Abu Dhabi on December 2,3 and 4, 2009.

The examination was conducted by representatives of the Professional Regulation Commission (PRC) of the Philippines, an agency responsible for regulating and supervising the practice of professional individuals according to knowledge base and practice, who were in the region to carry out board examinations for Filipino professionals at Saudi Arabia and Qatar.

Sheryll was one of the 97 examinees in the Middle East, of which, 44 were from the UAE. She last took the CPA examinations in the year 2006 when she was still in the Philippines but was not able to make it.

To Sheryll, CONGRATULATIONS! 

Note: This special examination gives hopes to OFW's who are aspiring to become Certified Public Accountants. Hindi na po kailangang umuwi pa sa Pinas para kumuha ng board exams. Maraming salamat kay Pangulong Arroyo sa programang ito!

Thursday, December 24, 2009

Merry Christmas..

Sa lahat ng Kristiyanos


Sa lahat ng naniniwala kay Hesus


Sa lahat ng nagmamahal


Sa lahat ng mga asawa


Sa lahat ng mga ama


Sa lahat ng mga anak


Sa lahat ng mga bloggers


Sa lahat ng mga Kablogs


Sa lahat ng mga PEBA nominees


Sa mga pamilya ng mga OFW

Sa mga luhaan at malamig ang pasko, katulad ko..



Isang Maligayang Pasko mula sa Perfect Square.



Sunday, December 20, 2009

Reason

Ayoko ko na sanang balikan pa ang bahay na 'to. Marami kasing mga bagay na nandito at gusto ko nang ibaon  sa limot. Mga bagay na walang silbi. Mga paratang sa likod ng katotohanan.

Inaamin ko. Nagsinungaling ako noong una. Sinabi kong mawawala ako ng isang tao't kalahati o mas mahigit pa dyan. Gusto ko lang bigyan ng katahimikan ang lahat. Alam kong mahirap ang ginagawa ko pero hindi n'yo ako masisisi. Normal lang to sa lahat ng taong nagmahal at nawalan.

Nagmahal ako at nawalan ng minamahal. Umamin na siyang nagkabalikan na sila ng ex n'ya. Isang taon na daw. Pinilit kong ituwid ang kamaliang hindi sa akin nagsimula. Nagmakaawa ako. Lumuhod at humingi ng isang pagkakataon pero bigo ako. Malakas ang kanyang paninindigan na hindi na niya ako mahal. Ilang taon na rin daw na hindi niya ako kapiling. Ito daw ang dahilan kung bakit niya ito ginawa. Ayaw na niya akong mahalin dahil daw ayaw na niya akong masaktan.

Ano ba ang magagawa ng isang taong inaayawan na? Sa bagay hindi ko naman siya masisisi. Tanggap kong isa akong OFW. And, long distance relationship does not work without cooperation of both parties.

Note: The main reason why I find back my world in the blogosphere is dahil sa request niya. 

Para sa'yo: I respect your decision at hangad ko ang iyong walang kupas na kaligayahan sa piling niya. You know how much I love you. If you decided to come back to me I am very willing  to accept you. Because of you, I got to put my shoes on and start to live my life again.

Saturday, October 3, 2009

Devils Convention


The following is the full text of the statement of Satan addressed before his angels  during the recent Devils Convention held  on 30th of September 2009 at the Hell Convention Center.

Sa aking mga alagad, salamat sa pagdating sa taonang convention na ‘to. Lubos kong kinagagalak ang inyong pagdating. Nais kong magpasalamat sa lahat ng inyong suporta para sa ating adhikain. Natutuwa ako sa tagumpay na ating natamo sa taong ito.  

Napalubog ko ang isang barko sa Indonesia noong January 11, 2009 lulan ang 246 na tao. Hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang kanilang katawan.  Sa Australia, 170 ka tao ang patay nung sinunog ko ang kanilang kakahoyan noong Febuary 11, 2009. Patay din ang 50 ka tao noong February 15, 2009 nang pinasabog ko ang isang eroplano sa New York.  Noong March 6, 2009, pinatay ko ang butihing maybahay ng Prime Minister ng Zimbabwe. Pinalabas kong car accident lang ito. Noong April 5, 2009, isang malakas na lindol ang pinakawalan ko sa Italy na pumatay ng 300 ka tao.

Una kong pinalaganap sa Mexico ang Swine Flu noong April 2, 2009. Marami na ang namatay.  Hanggang ngayon laganap pa rin ito sa buong mundo kahit sa maiinit na lugar ng Middle East.  Binisita ko ulit ang Indonesia  noong May 19, 2009, at pinasabog ko ang isang military plane na pumatay ng kulang isang daang tao. Sa Brazil, pinasabog ko din ang Air France lulan ang 228 katao. Walang nailigtas kahit isa. Noong June 29, 2009, nagtagumpay akong pasabugin ang isang Yemini plane lulan ang 154 katao.

September 2, 2009, muli kong nilindol ang Indonesia, 34 ka tao, patay.  September 26, 2009 isang malakas na bagyong Ondoy ang aking ginawa para lubugin ang Maynila at ang mga karatig probinsiya nito. Maraming namatay. Maraming nawalan ng tahanan. Maraming nagutom. Hanggang sa araw na ito patuloy pa rin ang retrieval operation.

Gusto kong mag-away ang mga tao nang sa ganun isa-isa silang masira at magtanim ng poot sa kanilang kapwa. Tingnan ninyo ang ginawa ko sa mga OFW. Pinagawa ko ng artikulo si Arvin upang siraan sila. Tingnan niyo naman kung ano ang nangyari.  Halos padalhan na ng Bazooka ng mga kablogs si Arvin. Inatasan ko rin si Leo na siraan at gawing miserable ang buhay ni Chico. Isang magaling na hacker si leo kaya matagumpay niyang nagawa ang mga utos ko. Malaki ang naitutulong niya sa akin kaya balang araw bibigyan ko siya ng magandang posisyon sa aking kaharian.

Subalit hindi pa ako lubusang nagtagumpay.

Kahit anong trahedya ang ginawa ko sa mundo, nanatili pa ring matatag ang mga tao. Malakas ang kanilang pananampalataya sa aking kaaway. Lalong tumitingkad ang kanilang pagmamahalan. Akala ko nagtagumpay na ako nung binagyo ko ang Pinas. Pero tingnan nyo kung ano ang ginawa ng mga tao. Ang buong mundo ay nakikiramay, nagbigigay ng mga tulong pinansyal. Muli na namang babangon ang Pilipinas. Hindi ko matatanggap na matalo. Ako ang dapat kilalanin na makapangyarihan at hindi ang Dios. 

Kailangan kong ilayo ang mga tao sa Dios nang sa ganun mawala ang kanyang mga kakampi. Sa ganitong paraan madali ko siyang matatalo. Pero paano ko ito gagawin? Sa tuwing gumagawa ako ng mga trahedya, hindi ako ang hinihingan ng tulong ng mga tao kundi ang Dios. Dumadami ang mga taong pumupunta sa simbahan tuwing may sakuna, patayan, at problema. Hindi ko maaring diktahan ang mga tao habambuhay. Kaya isang magandang taktika ang aking naisip.

Gawin ninyong sobrang busy ang mga tao nang sa ganun mawalan sila ng panahon para sa Dios. Lumikha kayo ng mga magagandang musiko na kahihiligan ng mga tao. Mga musikong maging parte ng kanilang buhay. Patugtugin nila ito kahit saan sila magpunta, kahit nasa gitna ng trapiko, kahit nagbibiyahe, kahit sa kubeta. Sa ganitong paraan hindi nila maiisip ang kanilang Panginoon.

Huwag ninyong hayaang mainip ang mga tao. Bigyan ninyo sila ng mapaglibangan. Gawin ninyong masaya ang bawat araw nila nang sa ganun hindi nila maaalala ang kanilang Panginoon.

Palaguin ninyo ang mga kompanya nang sa ganun hindi maghihirap ang mga empleyado. Hikayatin ninyong bigyan ng mga amo ang kanilang mga empleyado ng  bakasyon, uminto sa sahod, bonus at iba pang mga benefits nang sa ganun hindi sila maghihirap. Sa ganitong paraan hindi nila maalala ang Dios.

Hayaan ninyong magmahalan ang bawat miyembro ng pamilya. Busugin ng mga magulang sa pagmamahal ang kanilang mga anak. Ibigay ang kanilang mga luho. Hayaan ninyong matatag ang samahan ng mag-asawa. Sa ganitong paraan maging matahimik ang kanilang buhay at laging masaya. Hindi naiisip ng mga tao ang Dios kung sila ay masaya.

Maraming Salamat.


Paalala: Ito'y isang kathang isip lamang ng inyong lingkod.


Tungkol sa larawan: Hiniram ko lang po ito mula kay Rob Nye.

Friday, September 18, 2009

Chat tayo!

Naalala ko noong una kong punta sa isang internet café dito sa Dubai. Noong bago pa lang ako dito. Kasama ko ang kapatid ko noon. Maaga pa yon. Alas otso pa ng umaga. Kunti pa lang ang tao sa internet café.

May isang Pinoy na agaw pansin. Ang laki ng boses. Nakikipag-chat sa asawa niya. Parang pagmamay-ari niya ang café. Dinig na dinig namin ang usapan nilang mag-asawa. Si kabayan parang walang pakialam. Akala siguro niya hindi kami mga bisaya kaya hayon walang preno-preno ang bibig.

Ito ang usapan nila. Pasensya na, Bisaya ito pero subukan kung i-translate sa Tagalog.

Lalake : Unsa na? Nadawat na nimo ang kwarta?
(Kumusta na? Natanggap mo na ba ang pera?)

Babae : Oo uy. Unsa man to imong gipadala nga gamay raman kaayo?
(Opo. Bakit ang liit ng padala mo?)

Lalake : Kabalo ka bitaw nga gamay ra kaayo ko ug sweldo dre. Magbayad pa god ko sa balay. Librehon naman lang gani ko ug pagkaon ni Pareng Oscar.
(Alam mo naman ang liit ng sahod ko. Nagbabayad pa ako sa bahay. Nililibre na nga lang ako ni Pareng Oscar sa pagkain.)

Babae : Kinsa ba na si Oscar?
(Sino ba yan si Oscar?)

Lalake : Bag-o nako nga kaila. Taga Cebu gihapon. Taga Carcar.
(Bago kong kakilala. Taga Cebu din. Taga Carcar)

Babae : Daghan na diay kag amigo diha. Maau para dili ka kaayo ma-homesick.
(Marami kana palang kaibigan diyan. Mabuti para hindi ka masyadong ma-homesick.)

Lalake : Mao pud lage. Buotan man si Pareng Oscar.
(Oo nga. Mabait si Pareng Oscar.)

Babae : Taympa, unsa manang niturok sa imong ngabil?
(Teka, ano yang nasa labi mo?)

Lalake : Hain god?
(Alin dito?)

Babae : Kana gong nibotoy?
(Yang tumubo.)

Lalake : Ambot oi ug unsa ni.
(Ewan ko kung ano to.)

Babae : Pagtog-an ra god sa tinuod Perio! Namabae ka diha ba? STD na!
(Magsabi ka nang totoo Perio! Nambabae ka dyan? STD yan!)

Lalake : Paghilom ra god diha! Nitokar napud nang imong pagkaselosan da!
(Tumigil ka nga! Umandar na naman yang pagkaselosa mo!)

Babae : Kay ngano dokerok ka baya!
(Bakit? Di ka naman mapagkatiwalaan diba?)

Lalake : Kaw no wala ka gyod gasalig nako. Wala na man gani koy kwarta unya mamabae pa ko?
(Alam mo wala ka talagang tiwala sa akin. Wala na nga akong pera dito mambabae pa kaya?)

Babae : Nakadungog ra ba ko nga uso kaayo na diha sa Dubai.
(Naririnig ko usung-uso yan diyan.)

Lalake : Naunsa kana man tawon Bebe oy. Kabalo ka ba nga mag-rosaryo ko tulo sa isa ka adlaw para lang dili matental dire?
(Ano bang nangyari sayo Bebe? Alam mo bang nagro-rosaryo ako tatlong beses isang araw para lang hindi ako matukso dito?)

Babae : Ayaw god pagsinggit diha. Pakaulaw ka raman diha sa mga tao.
(Huwag ka ngang sumigaw. Mahiya ka naman sa mga tao diyan.)

Lalake : Wala na silay labot. Dili bitaw na sila makasabot ug bisaya.
(Wala silang pakialam. Di naman sila nakakaintindi ng bisaya.)

-end-

Saludo ako sa pananalig ni kabayan. Sana hanggang ngayon patuloy pa rin siya sa kanyang pag-rosaryo. Ikaw, ano ang ginagawa mo para maiwasan ang tukso?

“You may be deceived if you trust too much, but you will live in torment if you don’t trust enough” Frank Crane

Thursday, September 10, 2009

Panalangin Para Sayo, Maricris..

Maricris, ang Perfect Square ay taus-pusong nananalangin para sa iyong kagalingan. Nawa'y dugtungan pa ng Maykapal ang iyong buhay. Manalig ka sa Kanya. Ipaubaya mo sa Kanya ang lahat. Walang imposible kung ikaw ay may paniniwala sa Poong Maykapal. Mahal ka ng Diyos! Mahal ka namin. Mahal ka ng pamilya mo. Kailangan mong mabuhay para sa mga mahal mo. Lumaban ka!

To know more about Maricris, please follow this link.

Monday, August 31, 2009

Sa Ugoy ng Duyan

Kahapon naisipan kong gumagala sa Mall of Emirates. Dahil gusto kong magpalamig at mabigyan ang aking sarili ng kunting break matapos ang mga "pinagdaanan" ko nitong mga nakaraang araw nakapagpasya akong ibahin muna kahit sandali ang aking kapaligiran. Walang masyadong tao ang mall. Ramadan kasi kaya hindi masyadong matao ang lugar. Hindi nagsisilabasan ang karamihan.

Paiikut-ikot ako sa mga stores. Kunwari bumibili, hindi naman. Ito ang naging drama ko. Palibhasa walang perang nakalaan para sa malling na 'yon.

Nakakaboring din pala ang mag-window shopping lalo na't marami kang gustong bilhin pero nagtitimpi ka dahil natatakot kang ma-over budget. Punta doon, punta dito. Naiikot ko na ata halos buong mall. Pero parang hindi pa rin yata ako nalibang.

Sa aking pag-iikot dinala ako ng aking mga paa sa Magic Planet. "Wow, mga palaruan!", sabi ko sa sarili ko. Ang daming palaro - may deal or no deal pa. Kakaiba ang kulay ng mga ilaw. Ang ganda-ganda. Ano kayang laro ang lalaruin ko? Subukan ko kaya ang car bumping. Kaya lang wala akong kalaro, nag-iisa ako.Sino ang babanggain ko? Mga naglalarong hindi ko kilala? Wag na lang, ayokong masuntok.

Ilang minuto din akong nagmasid at namili, hanggang sa niisip kong sumakay ng ride. Kaya lang, ano bang klaseng ride ang pipiliin ko? Nakakalito din. Meron kasing mahigit sampung klase ng ride ang pwede mong sakyan.

At last, nakapili na rin ako. Sinubukan ko ang Equinox. Lintik! Akala ko sa simula simpleng ride lang ito at katulad lang ng merry-go-round ang movement nito. Malay ko ba kung matindi pa pala ito sa roller coaster, eh, wala kasi ito sa probinsiya namin. Pataas, pababa, paikot, pabagsak. Naku po..Hinihimitay ako. Parang lalabas lahat ang mga lamang loob ko. Hindi ko mapigil ang mapahiyaw sa takot kaya pumikit na lang ako at hinayaang matapos ang limang minutong hampas doon, hampas dito. Lahat ata ng masamang ispiritung sumapi sa akin nalaglag dahil sa tindi ng takot sa duyan ng equinox.

Nakakatakot man ito pero sa aking pagsakay natutunan ko ang isang bagay na siguro hindi ko makakalimutan habambuhay. Kung ano man ito 'wag na lang ninyong itanong..lolz

Sunday, August 30, 2009

Nasaan ang Palakang pang-Guinness?

Nasaan nga ba ang palakang sinasabi ni Arvin? Akala ko nabigyan na ng tuldok ang gulo dito sa blogosperyo pagkatapos nagpalitan ng sorry si LordCM at Arvin dahil sa “paninirang” artikulo ni Arvin tungkol sa mga OFW. Hanggang sa oras na ito patuloy parin pala ang palitan ng mga artikulo ng magkabilang panig (LordCM and Kablogs against Arvin).

Bakit sa panahong ito laging nasa hot seat ang mga OFW? Bakit paninira ang ginagawa ng mga ibang writers katulad ni Chip Tsao, Mike Avenue at Arvin? Di ba nila alam kung anong sakripisyo meron ang mga OFW para sa pamilya at sa bayan? Ano ang motibo ng mga manunulat na ito upang siraan ang mga taong nagbibigay pag-asa sa bansang timawa? Sadya nga lang bang ginagawa nila ito para sumikat? Para pag-uusapan sila? Para magkakaroon ng mga kakampi o kaibigan? O para dadami ang kanilang traffic at magkaroon ng sangkatutak na income mula sa AdSense?

Kung ang layunin nila ay maghatid ng balita sa kanilang mambabasa sana totoo lahat ang kanilang isusulat at hindi lamang puro paninira. Huwag sana nilang abusuhin ang kalayaan ng pamamahayag – ‘yon kung lubos nilang naintindihan ang code of ethics in blogging.

Si Mike Avenue, isang mahusay na manunulat, mabait na kablogs at kaibigan sa mundo ng blogosperyo. Hanga ako sa kanyang galing at sa mga artikulong kanyang nilikha, maliban na lang sa kanyang mga panulat laban sa mga OFW. Dahil sa kanyang “tsokolate” nagkampihan ang mga OFW bloggers para turuan siya ng leksyon. Dahil sa kanyang panulat lalong sumikat si Mike. Sino nga ba daw si Mike Avenue? ‘Yon ang kadalasang tanong ng mga taong nakabasa ng OFW bloggers Manifesto na pini-post ng halos lahat ng mga OFW blogsites.

Nawala si Mike ng ilang buwan. Nanahimik. Hindi namin ma-access ang kanyang blog. Hanggang sa dumating ang isang araw, lumitaw si Mike. Isang Mike na puno ng pagsisisi. Humingi ng sorry sa halos lahat ng OFW bloggers. Tao lamang kaming mga OFW at may mabuting kalooban kaya ang sagot namin sa kanya “Welcome back Mike!”

Ngunit hindi ko inaasahan na sa kanyang paglitaw ay siya ding paglitaw ni Arvin dala ang kanyang artikulong paninira na naman sa amin. Nagkagulo na naman ang mundo ng mga OFW bloggers.

Hindi pinalagpas ng mga OFW ang kanyang paninira. Batikos ang kanyang napala sa kanyang artikulong nagsasabing mukhang pera daw ang mga OFW. Mukhang pera nga ba kami? Baka ang pera mukhang OFW! Akala ko tuluyan ng nanahimik si Arvin. In my personal observation, parang ayaw pa niyang tumigil sa laban.

Bumisita si Arvin sa bahay ko. Nag-iwan ng mensahe sa aking chatbox. Nakapost na daw sa site niya ang pinkamalaking palaka na natagpuan sa kanilang lugar at pang-guinness book of record daw ang laki. Naintriga ako sa message niya. Nasasabik akong makita ang pinakamalaking palaka. Mahilig kasi ako sa world trivia. Dali-dali kong pumunta sa kanyang site para masilip ang pinakamalaking palaka. Nakita ko ang picture ng palaka. Hindi naman pala totoong malaki. Ordinaryong palaka lang pala na kadalasang makikita sa palayan.

Nang binasa ko ang kanyang artikulo doon ko lang nalaman kung ano ang ipinahihiwatig niya – kung sino ang tinutukoy niyang palaka at kung sino ang taong sa tuwing pag-ingay ng palaka ay warak ang dibdib at wala ng puso.

Para sayo Arvin, ito’y payong kaibigan lang. Sana sa susunod mong artikulo siguraduhin mong wala kang masasagasaang tao. Hindi masamang gumawa ng isang artikulo lalo na’t you have the passion to write kaya lang huwag naman sana ‘yong mga paninira. Huwag mo sanang kalimutan na gabi-gabi mong maririnig ang “KOKAK NG KAMATAYAN” kung ayaw mong tuluyang bigyan ng tuldok at tanggapin ng buong puso ang iyong kamalian.

Saturday, August 29, 2009

Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (pagwawakas)

"_ m going thru sm prsnal pain due to my dscontntmnt of myclf.I wd lyk to hv 3days of dsconction of wtever comu frm evrybdy.Pls rspct my rqst.Ul knw d rson aftr"

Natanggap mo ang text na ito isang araw mula sa asawa mo. Ilang beses mo itong binasa. Gusto mong sabihin na wrong send na naman ito. Ngunit, ang puso mo'y nagsasabi ng totoo. Para talaga sayo ang text na 'to.

Nanahimik ka. Hindi mo alam kung ano ang gagawin.Totoo ba 'tong text na 'to or joke lang? Marami kang tanong ngayon sa sarili mo. Kamakailan lang masaya kayong nagcha-chat ng asawa mo. Wala kang maala-alang dahilan kung bakit nagtext ng ganon ang iyong asawa. May kasalanan ka ba? Kasalanan ba kung tanungin mo siya ng isang sensitibong tanong? Iyon kaya ang rason kung bakit nakikipag-cool-off siya?

Naalala mo minsan binuksan mo ang Yahoo mail ng asawa mo. May bigla na lang nagpa-pop-up na mga IM mula kay Mr. XXX. Si Mr. XXX, ayon sa kwento ng asawa mo ay isang virtual friend niya. Cyber BF daw niya noong araw. Isang OFW na nakabase sa USA. Ni minsan daw di pa sila nagkita. Pero marami na daw silang pinagsasamahan. Inamin niya sayo na mahal na mahal niya ito. Pero noon 'yon. Hindi na ngayon.

Sinasagot mo ang mga IM ni Mr. XXX. Sabi ni Mr. XXX pauwi daw siya nitong darating na Enero para magbakasyon. Kailangan niyang malaman ang eksaktong lugar ng asawa mo para makapag-book siya in advance sa isang hotel na malapit sa asawa mo.

Naks! Mag-a-eyeball sila ng asawa mo? For what? Di ba break na sila? Ano ang gagawin mo ngayon? Haharangan mo sila? Bad image diba? Para kang kontrabida sa teleserye. Umuwi ka na lang kaya sa January para hindi sila mabigyan ng chance ng magkita. Ang weird. Alam kaya ni Mr. XXX na may asawa na ang ka-chat niya noon?

Isang araw, habang nagcha-chat kayo ng asawa mo, sinabihan mo siya tungkol kay Mr. XXX. Tinanong mo siya kung makipagkita ba siya ni Mr. XXX kung totoong pupunta ito sa inyong lugar. Walang pag-aatubiling sinabi niyang makipagkita siya. Nag-a-argue kayo ngayon. Di mo inakalang 'yon ang isasagot ng asawa mo. Bakit pa siya makipagkita nito? Diba may responsibilidad na siya? Di ba mag-asawa na kayo? Anupa't makipad-date siya sa iba? Sabi ng asawa mo, makipagkita lang daw siya ni Mr. XXX. Hindi naman daw ibig sabihin na dahil magkikita sila ay magsi-sex na sila.

Pwede ba 'yon? Bakit makipagkita ang asawa mo kay Mr. XXX kung wala na silang ugnayan? Ano ang gagawin nila pag nagkita sila? Saan sila magkikita? Paano kung main-love ulit ang asawa mo sa kanya? Iiwan ka ba niya?

Iyon ba ang dahilan kung bakit nakipag-cool-off sayo ang asawa mo? Ayaw na niya sayo? Hindi ka na niya mahal? Bakit ganon? Bakit kailangang mangyari 'yon? Bakit kailangan maghihiwalay kayo? Wala ka nang magagawa. Hindi mo na mapipilit ang asawa mo kung ayaw na niya sayo. Meron siyang sariling desisyon sa buhay. Kung mahal mo siya, irespeto mo ang kanyang desisyon. Kung mahal mo siya, ayaw mo siyang makitang nahihirapan na sa inyong pagsasama. Kung mahal mo siya, pakawalan mo. Di bale ng ikaw ang masaktan. Di bale nang maging isang sawi makita mo lang masaya siya.

--------------------------------------------------------------------------------------
Sa aking mga masusugid na mambabasa, ito po ay isang totoong kwento. Kayo na po ang magbigay ng conclusion kung ano ang nangyari after 3 days. Natapos po ang tatlong araw na hiningi ng asawa noong Lunes, Aug. 24, 2009.
--------------------------------------------------------------------------------------

Wednesday, August 26, 2009

Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (Part 3)

Sabi nila ang pagseselos ay hindi nagbubunga ng mabuti kundi kasiraan ng relasyon. Pero bakit nga ba ang tao ay nagseselos? Ibig sabihin ba nito’y wala siyang tiwala at pagmamahal? Ayon sa iba insecured lang daw ang nagseselos. Para naman sa iilan, natural na emosyon lang daw ang pagseselos. Nagseselos ka kasi nagmamahal ka. Alin ba ang tama? Magulo diba?

Okay. Balik tayo sa asawa mo. Dahil mahal mo siya at hindi mo siya kayang makitang masaktan dahil sa pagseselos mo nangako kang hindi na magseselos muli. Hindi mo na papansinin pa ang mga bali-balita at mga maling text na darating sayo. Ayaw mo na siyang makitang magdamdam. Pinili mong ikaw na lang ang masaktan. Dahil dito naging okay na ang lahat. Masaya na naman kayo. Hanggang isang araw habang kayo’y nag-uusap may sinabi siya sayo.

What if daw pagdating ng panahon hihingi siya ng freedom? Papayag ka ba daw. Ano daw ang gagawin mo? Nabigla ka diba? Dahil sa ‘yong pagkabigla hindi mo rin alam kung ano ang wastong isasagot. Nakapagbitaw ka ng masasamang salita. Sinigawan mo siya ng ganito:

“Bakit di mo na ako mahal? Kung ganun hindi na ako uuwi sa Pinas kahit kalian! Ayoko nang makita ka kahit anino mo! Isa kang taksil! Wala kang puso! Wala kang kaluluwa! Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba habambuhay tayong magsasama! Akala ko ba hindi ka padadala sa mga tukso! Akala ko ba faithful ka sa akin! Niloloko mo lang ako! Sino ang ipinagmamalaki mo?!”

Sa tingin mo ba hindi siya nasasaktan sa sinabi mo? Umiyak siya. Nagpaliwanag. Hindi ka naman daw niya iiwan. Ikaw daw ang buhay niya. Tanong lang daw ‘yon at hindi niya gagawin.

Sa palagay mo ano ba ang dahilan kung bakit naisip niyang itanong sayo ‘yon? Siguro may nakikita na siyang kapalit sayo. May iba na kayang tinitibok ang kanyang puso? Siguro sawa na siya sayo. Sawa na sa pagseselos mo. Sawa na sa pagmumukha mo.Nag-aalinlangan na siya sa relasyon ninyo. Baka iniisip niya na hindi ka matino dito sa Dubai.

Ano ba ang kadalasang dahilan kung bakit hihingi ng freedom ang isang tao? Nalilito ka na ngayon. Parang may masamang balak ang asawa mo. Hindi siya dating ganun. Kilala mo siyang isang mabait, malambing at mapagmahal na asawa. Isang asawang habambuhay kang mamahalin kahit anong mangyari.

Makalipas ang ilang buwan nabigla ka na lang sa isang mensahe.

Itutuloy..

Monday, August 24, 2009

Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (Part 2)

Ano'ng pakiramdam mo sa balitang ‘yon? Ang asawa mo nakipagbalikan na daw sa ex niya. Pinilit mong itago ang balita dahil ayaw mong lumaki ang isyu at dahil na rin sa pakikiusap ng taong nagbalita sayo. Ngunit, hindi mo kinaya. May mga gabing binabagabag ka ng masamang paniginip. Tinawagan mo siya. Ipinasa mo ang mga text na natanggap mo mula sa taong nagmamalasakit sayo. Nag-aaway kayo. Hindi daw totoo ang balita. Paninira lang daw ‘yon.

Ang taong nagti-text sayo ay close friend niya na may gusto daw sa kanya. Nagpahiwatig daw ito ng kanyang pag-ibig nang maraming bisis pero ito’y kanyang tinanggihan. Hindi daw niya alam na pilit pala nitong kinuha ang number mo at sinisiraan siya. Maniniwala ka ba? Sino kaya ang nagsasabi ng totoo? Sino sa kanila ang paniniwalaan mo? Ang asawa mo o ang taong hindi mo kilala? Siyempre, asawa mo. Di mo naman kayang tanggapin kung pagsasabihan ka niyang wala kang kwentang tao at nagpapaniwala lang sa mga paninira. Kailangan mong ipakita sa kanya na may trust ka sa kanya. Hindi ka naman siguro magdu-duda sa asawa mo kasi itong si kumag na nagbalita sayo ay humingi ng tawad matapos kayong mag-away ng asawa mo, matapos ang away nyong muntikan ng humantong sa hiwalayan. Galit lang daw si kumag sa asawa mo kaya niya nagawa 'yon. Nang tanungin mo kung bakit, ayaw niyang magpaliwanag. Ano kaya ang ginawa ng asawa mo't napilitang humingi ng tawad si kumag?

Sige na nga! Isara mo na ang isipan mo at huwag mo nang intindihin ang mga bali-balita. Think positive. Isipin mo na lang na mahal ka niya, may respeto siya sayo, at hindi ka niya kayang ipagpalit sa iba. Eh, paano kung pagkalipas ng ilang buwan ay may unos na namang dumating?

Isang araw nakatanggap ka na naman ng maling mensahe. Uminit na naman ang ulo mo. Anong paliwanag na naman kaya meron ang asawa mo? Para kanino kaya yon? Wala kang maraming tanong. Pinilit mong huwag palakihin ang isyu. Binalik mo sa kanya ang nasabing text. Maya’t maya nagreply siya. Para daw ‘yon sa pinsan niya. Nagtatanong daw kasi ito kung kumain na ba siya ng breakfast. Kaya iyon ang sagot niya. Ikaw daw kasi ang inisiisip niya lagi kaya palagi siyang nagkaka-wrong send. May mali ba kung magtitext ka sa pinsan mo? Meron! Lalo na kung intimate ang mga messages n’yo. Pero ayaw mo nang dumihan ang isipan mo. Ang mahalaga mahal na mahal mo siya. Naniniwala ka sa kanya at kahit kailan siya lang ang paniniwalaan mo. At hindi mo kayang makita siyang nasasaktan dahil sa pagseselos mo.

Pero ano ang gagawin mo kung ang asawa mo ay hihingi sayo ng freedom?

Itutuloy..

Friday, August 21, 2009

Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (Part 1)

Isa kang OFW. Ang asawa mo ay nasa Pinas. Kasal kayo pero hindi legal. Parang kasal-kasalan lang ang drama. May permahan ng marriage contract pero walang witness, walang ninong at ninang, walang pari at higit sa lahat hindi registered sa NSO. May commitment kayo sa isa’t-isa. Ayaw ninyong maghiwalay. Habambuhay kayong magsasama no matter what. May respeto sa bawat isa. Nagmamahalang lubos.

Dahil ilang milya ang layo sa bawat isa maraming mga arguments ang nangyayari. Selosan. Kesyo marami daw kayong pwdeng paglibangan dito sa Dubai. Ang dali mo lang daw makahanap ng paparausan. Para ka lang daw nagpalit ng damit. Iyon ang paratang niya sa ‘yo. Paratang na walang ebedensya. Alam mo kung ano ang totoo. Ni minsan hindi dumating sa buhay mo na ibaling sa iba ang iyong pag-ibig, ni kahit minsan di nangyaring naghanap ka ng kunting kaligayahan sa iba. Alam mo kung gaano mo siya kamahal at kaya mong magsakrispisyo para sa kanya. Ni wala siyang narinig kahit kunting tsismis laban sayo.

Sa kabilang banda marami ka ding mga doubts sa kanya. Nabatid mong nagseselos ka. Naramdaman mong may nangyayaring hindi maganda. Ano ang iisipin mo kung makatanggap ka ng text mula sa kanya na tinatawag kang “beibie”, “honey” na alam mo namang hindi ‘yon ang tawagan n’yo? Di kaba makapag-isip ng masama? Kung ang paliwanag niya ay wrong sent lang yon. Nakigamit lang daw ang kapatid niya. Para daw yon sa syota ng kapatid niya at nagkamali lang isend sayo.

Dahil hindi ka naniniwala sa paliwanag niya nag-away kayo. Oo na inamin mo na nagseselos ka lang talaga at naniniwala ka nang mali ng kapatid niya’yon. Pero ano ang iisipin mo kung may dumating na naman na text? At this time, hindi na mula sa kanya kundi mula sa isang tao na hindi mo kakilala, nagsasabing nagkabamabutihan na daw sila ng asawa mo at ang ex niya. Sa madaling salita nagkabalikan na daw sila.

Itutuloy..

Monday, August 17, 2009

Naiinis ako dahil..

Naiinis ako dahil ang baho ng amoy ng ka-opisina ko
Naiinis ako dahil ang tigas ng ulo ng assistant ko
Naiinis ako dahil ang ingay ng superior ko
Naiinis ako dahil palaging nagtelebabad si office boy na kabayan ko

Naiinis ako dahil ang bagal ng internet ko
Naiinis ako dahil wala akong maisip na i-post sa blog ko
Naiinis ako dahil walang improvement ang page rank ko
Naiinis ako dahil di na ako binibisita ng mga ka-blogs ko

Naiinis ako dahil gusto kung magpadala ng pera sa pamilya ko
Naiinis ako dahil wala ng laman ang wallet ko
Naiinis ako dahil gusto kong tumawag minu-minuto sa mahal ko
Naiinis ako dahil walang load ang mobile phone ko

Naiinis ako dahil ang gulo na sa bahay na inuupahan ko
Naiinis ako dahil maingay at palaging nagtatalo ang mga ka-share ko
Naiinis ako dahil sa init ng air-con nagkabungang-araw ako
Naiinis ako dahil gusto kong lumipat ng bahay pero di kaya ng konsiyensya ko

Naiinis ako dahil

GUSTO KO!

Sunday, August 9, 2009

Ano ang tama?

Friday, August 7, 2009 – dumating sa aming munting tahanan ang tatlong babae. Mga kaibigan daw ni Kuya Romy at sa amin muna titira pansamantala. Di ko na inalam pa kasi alam ko naman kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan dito sa Dubai. Matulungin si Kuya Romy. Mabait. At hindi ako tutol sa naging pasya niya. Alam ko kung gaano kaganda ang pakiramdam ng isang tumutulong.

Teka, sino ba sila at saang lupalop sila galing?

Ang tatlong babae ay magkasama sa trabaho sa Al-ain. Sabay na tumakas sa kanilang amo at nagpunta sa Dubai. Ayon sa kanila, hindi daw sila pinapakain ng kanilang amo kaya napagpasyahan na lang nilang tumakas. Salamat daw kay Kuya Romy na nagbigay sa kanila ng lakas para gawin ang hindi nararapat gawin.

Kilalanin natin ang tatlong babae na itatago ko lang sa pangalang si Lorna, si Aida at si Fe.

Si Fe ay nasa boyfriend na niya ngayon nakatira. Si Lorna at si Aida na lang ang nasa bahay. Wala silang ibang pwedeng puntahan. Walang ibang kakilala.

Ang problema:

Si Aida ay girlfriend pala ni Kuya Romy. Si Kuya Romy ay may girlfriend din na palaging bumibisita sa bahay – si Ate Amy. Nang nalaman ni Ate Amy na nagdala ng babaeng takas si Kuya Romy umandar ang kanyang pagka-tigre. Nagwala at gustong ipapulis ang dalawa. Sino ba naman ang hindi magseselos lalo na’t sa kama ni Kuya Romy matutulog si Aida?

Kaninang umaga kausap ko si Kuya Romy. Inusisa ko siya tungkol sa mga pangyayari. Nararamdaman ko sa kanya ang pagsisi. Hindi daw niya akalain na ang pagtulong niya sa iba ay magbunga ng masama.

Monday, July 27, 2009

SONA 2009


This is the full text of the State-of-the-nation Address of Her Excellency President Gloria Macapagal-Arroyo. Nung nabasa ko ito, natawa ako sa sarili ko kasi yesterday, nagpost ako ng entry tungkol sa SONA 2009 - kung anu-ano ba ang pwede nating i-expect sa SONA ni Pangulo ngayon. Natawa ako kasi medyo naging totoo ang mga expectations ko. Sundan nyo ang link na 'to to read that entry. Meanwhile, here's the SONA of PGMA.

Thank you, Speaker Nograles, Senate President Enrile, Senators, Representatives, Vice President de Castro, President Ramos, Chief Justice Puno, Ambassadors, friends:
The past twelve months have been a year for the history books. Financial meltdown in the West spread throughout the world...

Tens of millions lost their jobs; billions across the globe have been hurt—the poor always harder than the rich. No one was spared....

It has affected us already. But the story of the Philippines in 2008 is that the country weathered a succession of global crises in fuel, in food, then in finance and finally the economy in a global recession, never losing focus and with economic fundamentals intact...

A few days ago, Moody’s has just announced the upgrade of our credit rating, citing the resilience of our economy. The state of our nation is a strong economy. Good news for our people, bad news for our critics...

I did not become President to be popular. To work, to lead, to protect and preserve our country, our people, that is why I became President. When my father left the Presidency, we were second to Japan. I want our Republic to be ready for the first world in 20 years...

Towards that vision, we made key reforms. Our economic plan centers on putting people first. Higit sa lahat ang layunin ng ating mga patakaran ay tulungan ang masipag na karaniwang Pilipino. New tax revenues were put in place to help pay for better healthcare, more roads, a strong education system. Housing policies were designed to lift up our poorest citizens so they can live and raise a family with dignity. Ang ating mga puhunan sa agrikultura ay naglalayong kilalanin ang ating mga magsasaka bilang backbone ng ating bansa, at bigyan sila ng mga modernong kagamitan to feed our nation and feed their own family....

Had we listened to the critics of those policies, had we not braced ourselves for the crisis that came, had we taken the easy road much preferred by politicians eyeing elections, this country would be flat on its back. It would take twice the effort just to get it back again on its feet—to where we are now because we took the responsibility and paid the political price of doing the right thing. For standing with me and doing the right thing, thank you, Congress...

The strong, bitter and unpopular revenue measures of the past few years have spared our country the worst of the global financial shocks. They gave us the resources to stimulate the economy. Nabigyan nila ang pinakamalaking pagtaas ng IRA ng mga LGU na P40 billion itong taon, imparting strength throughout the country and at every level of government...

Compared to the past, we have built more and better infrastructure, including those started by others but left unfinished. The Subic-Clark-Tarlac Expressway is a prime example of building better roads. It creates wealth as the flagship of the Subic-Clark corridor.

We have built airports of international standard, upgraded domestic airports, built seaports and the RORO system. I ask Congress for a Philippine Transport Security Authority Law....
Some say that after this SONA, it will be all politics. Sorry, but there’s more work....

Sa telecommunications naman, inatasan ko ang Telecommunications Commission na kumilos na tungkol sa mga sumbong na dropped calls at mga nawawalang load sa cellphone. We need to amend the Commonwealth-era Public Service Law. And we need to do it now....

Kung noong nakaraan, lumakas ang electronics, today we are creating wealth by developing the BPO and tourism sectors as additional engines of growth. Electronics and other manufactured exports rise and fall in accordance with the state of the world economy. But BPO remains resilient. With earnings of $6 billion and employment of 600,000, the BPO phenomenon speaks eloquently of our competitiveness and productivity. Let us have a Department of ICT....

In the last four years tourism almost doubled. It is now a $5 billion industry...
Our reforms gave us the resources to protect our people, our financial system and our economy from the worst of shocks that the best in the west failed to anticipate....

They gave us the resources to do reforms para palawakin ang suportang panlipunan and enhance spending power....For helping e raise salaries through joint resolution, thank you Congress.

Cash handouts give the most immediate relief and produce the widest stimulating effect. Nakikinabang ang 700,000 na pinakamahihirap na pamilya sa programang Pantawid Pamilya.

Our preference is to invest in projects with the same stimulus effects but also with long-term contributions to national progress....

Sa pagpapamahagi ng milyun-milyong ektaryang lupa, 700,000 na katutubo at mahigit isang milyong benepisyaryo ng CARP ay taas-noong may-ari na ng sariling lupa. Hinihiling ko sa Kongreso na ipasa agad ang pagpapalawig ng CARP, at dapat ma-condone ang P42 billion na land reform liabilities dahil 18% lamang ang nabayaran mula 1972. Napapanahon dahil it will unfreeze the rural property market. Ang mahal kong ama ang nag-emancipate ng mga magsasaka. Ii-mancipate naman natin ngayon ang titulo....

Nakinabang ang pitong milyong entrepreneurs sa P165 billion na microfinance. Nakinabang ang 1,000 sa economic resiliency plan. Kasama natin ngayon ang isa sa kanila, si Gigi Gabiola. Dating household service worker sa Dubai, ngayon siya ay nagtatrabaho sa DOLE. Good luck, Gigi...

Nakinabang ang isang milyong pamilya sa programang pabahay at palupa, mula sa PAG-IBIG, NHA, community mortgage program, certificates of lot awards, at saka yung inyong Loan Condonation and Restructuring Act....

Our average inflation is the lowest since 1966. Last June, it dropped to 1.5%. Paano nakamit ito? Proper policies lowered interest rates, which lowered costs to business and consumers.

Dahil sa ating mga reporma, nakaya nating ibenta ang bigas NFA sa P18.25 per kilo kahit tumaas ang presyo sa labas mula P17.50 hanggang P30 dahil sa kakulangan ng supply sa mundo. Habang, sa unang pagkakataon, naitaas ang pamimili ng palay sa mga magsasaka, P17 mula sa P11...

Dahil sa ating mga reporma, nakaya nating mamuhunan sa pagkain—anticipating an unexpected global food crisis. Nakagawa tayo ng libu-libong kilometro ng farm-to-market roads at kasama ng pribadong sector, natubigan ang dalawang milyong ektarya. Mga Badjao gaya ni Tarnati Dannawi ay tinuruan ng modernong mariculture. Umabot na sa P180,000 ang kinita niya mula noong nakaraang taon. Congratulations, Tarnati. We will help more fisherfolk shift to fish farming with a budget of P1 billion...

Dahil dumarami na naman daw ang pamilyang nagugutom, mamumuhunan tayo ng bago sa Hunger Mitgation program na nakitang mabisa. Tulungan nito ako dito Kongreso...

Mula noong 2001, Nanawagan tayo ng mas murang gamot. Nagbebenta na tayo ng mga gamot na kalahating presyo sa libu-libong Botika ng Bayan at Botika ng Barangay sa maraming dako ng bansa. Our efforts prodded the pharmaceutical companies to come up with low-cost generics and brands like RiteMed. I supported the tough version of the House of the Cheaper Medicine Law. I supported it over the weak version of my critics. The result: the drug companies volunteered to bring down drug prices, slashing by half the prices of 16 drugs. Thank you, Congressman Cua, Alvarez, Biron and Locsin....

Pursuant to law, I am placing other drugs under a maximum retail price. To those who want to be President, this advice: If you want something done, do it hard, do it well. Don’t pussyfoot. Just do it. Don't say bad words in public.
Sa health insurance, sakop na ang 86% ng ating populasyon...

Sa Rent Control Law ng 2005 hanggang 2008, hanggang sampung porsyento lang maaaring itaas taon-taon ang upa. Iyong kakapirma nating batas naglagay ng isang taong moratorium, tapos pitong porsyento lang ang maaaring itaas. Salamat, Kongreso....
Noong isang taon, nabiyayaan ng tig-P500 ang mahigit pitong milyong tahanan bilang Katas ng Pantawid Koryente para sa mga small electricity users....

Iyong power rates, ang EPIRA natin ang pangmatagalang sagot. EPIRA dismantled monopoly. But minana natin iyong power purchase agreements under preceding administrations, so hindi pa natin makuha iyong buong intended effect. Pero happy na rin tayo, dahil isang taon na lamang iyan. The next generation will benefit from low prices from our EPIRA. Thank you...

Samantala, umabot na sa halos lahat ng barangay ang elektrisidad. We increased indigenous energy from 48% to 58%. Nakatipid tayo sa dollars tapos malaki pa ang na-reduce pa iyong oil consumption. The huge reduction in fossil fuel is the biggest proof of energy independence and environmental responsibility. Further reduction will come with the implementation of the Renewable Energy Act...and the Biofuels Act....again, thank you.

The next generation will also benefit from our lower public debt to GDP ratio. It declined from 78% in 2000 to 55% in 2008. We cut in half the debt of government corporations from 15% to 7. Likewise foreign debt from 73% to 32%. Kung meron man tayong malaking kaaway na tinalo, walang iba kundi ang utang, iyong foreign debt. Past administrations conjured the demon of foreign debt. We exorcised it....

The market grows economies. A free market, not a free-for-all...

To that end, we improved our banking system to complement its inherent conservatism. The Bangko Sentral has been prudent. Thank you, Governor Tetangco, for being so effective. The BSP will be even more effective if Congress will amend its Charter....
We worked on the Special Purpose Vehicle Act, reducing non-performing loans from 18% to 4% and improving loan-deposit ratios....

Our new Securitization Law did not encourage the recklessness that brought down giant banks and insurance companies elsewhere and laid their economies to waste. In fact, it monitors and regulates the new-fangled financial schemes. Thank you, Congress....

We will work to increase tax effort through improved collections and new sin taxes to further our capacity to reduce poverty and pursue growth. Revenue enhancement must come from the Department of Finance plugging leaks and catching tax and customs cheats. I call on tax-paying citizens and tax-paying businesses: help the BIR and Customs spot those cheats…

Taxes should come from alcohol and tobacco and not from books. Tax hazards to lungs and livers, do not tax minds. Ang kita mula sa buwis sa alak at sigarilyo ay dapat pumunta sa kalusugan at edukasyon. Sa kalusugan, pondohan ang Philhealth premiums ng pinakamahihirap. Ponhodhan ang mas maraming classroom at computers.....

Pardon my partiality for the teaching profession. I was a teacher....

Kaya namuhunan tayo ng malaki sa edukasyon at skills training....

Ang magandang edukasyon ay susi sa mas mabuting buhay, the great equalizer that allows every young Filipino a chance to realize their dreams...

Nagtayo tayo ng 95,000 na silid-aralan, nagdagdag ng 60,000 na guro, naglaan ng P1.5 billion para sa teacher training, especially for 100,000 English teachers. Isa sa pinakamahirap na Millennium Development Goals ay iyong Edukasyon para sa Lahat pagdating ng 2015, na nangunguhulugang lahat ng nasa edad ay nasa grade school. Halos walang bansang nakakatupad nito. Ngunit nagsisikap tayo. Binaba natin ang gastos ng pagpasok. Nagtayo tayo ng mga eskwela sa higit isang libong barangay na dati walang eskwelahan, upang makatipid ng gastos ng pasahe ang mga bata. Tinanggal natin ang miscellaneous fees para sa primary school.
Hindi na kailangan ang uniporme sa mga estudyante sa public schools...

We assist financially half of all students in private high schools....

We have provided 600,000 college and post-graduate scholarships. One of them Mylene Amerol-Macumbal, finished Accounting at MSU-IIT, went to law school, and placed second in the last bar exams--the first Muslim woman bar topnotcher. Congratulations...

In technical education and skills training, we have invested three times that of three previous administrations combined. Narito si Jennifer Silbor, isa sa sampung milyong trainee. Natuto siya ng medical transcription. Now, as an independent contractor and lecturer for transcriptions in Davao, kumikita siya ng P18,000 bawat buwan. Good job.

The Presidential Task Force on Education headed by Jesuit educator Father Bienvenido Nebres has come out with the Main Education Highway towards a Knowledge-Based Economy. It envisions seamless education from basic to vocational school or college....

It seeks to mainstream early childhood development in basic education. Our children are our most cherished possession. In their early years we must make sure they get a healthy start in life. They must receive the right food for a healthy body, the right education for a bright and inquiring mind—and the equal opportunity for a meaningful job....

For college admission, the Task Force recommends mandatory Scholastic Aptitude Tests. It also recommends that private higher education institutions and state universities and colleges should be harmonized. It also recommends that CHED will oversee of local universities and colleges. For professions seeking international recognition—engineering, architecture, accountancy, pharmacy and physical therapy—it recommends radical reform: 10 years of basic education, two years of pre-university, three years of university...

Our educational system should make the Filipino fit not just for whatever jobs happen to be on offer today, but also for whatever economic challenge life will throw in their way....

Sa hirap at ginhawa, ang ating overseas Filipinos ay pinapatatag ang ating bansa. Iyong padala nilang $16 billion noong isang taon ay record. Itong taon, mas mataas pa....

I know that this is not a sacrifice joyfully borne. This is work where it can be found—in faraway places, among strangers with different cultures. It is lonely work, it is very hard work....

Kaya nagsisikap tayong lumikha ng mga trabahong maganda ang bayad dito sa atin so that overseas work will just be a career choice, not the only option for a hardworking Filipino in search of a better life...

Meanwhile, we should make their sacrifices worthwhile. Dapat gumawa tayo ng mga mas malakas na paraan upang proteksyonan at palawak ang halaga ng kanilang pinagsikapang sweldo. That means stronger consumer protection for OFWs investing in property and products back home. Para sa kanila, pinapakilos natin ang Investors Protection Task Force....

Hindi ako nag-aatubiling bisitahin ang ating taong bayan at ang kanilang mga hosts sa buong mundo – mula Hapon...hanggang Brazil, mula Europa at Middle East hanggang sa American Midwest, nakikinig sa kanilang mga problema at pangangailangan, inaalam kung paano matulungan sila n gating pamahalaan—-by working out better policies on migrant labor, or by saving lives and restoring liberty....

Pagpunta ko sa Saudi, pinatawad ni Haring Abdullah ang pitong daang OFW na nasa preso. Pinuno nila ang isang buong eroplano at umuwi kasama ko....

Mula sa ating State Visit to Spain, it has become our biggest European donor. At si Haring Juan Carlos ay nakikipag-usap sa ibang mga bansa para sa ating mga namomoblemang OFW. Ganoon di si Sheikh Khalifa, ang Prime Minister ng Bahrain....

Pagpunta ko sa Kuwait, Emir al-Sabah commuted death sentences. For overseas workers, maraming salamat.
Our vigorous international engagement has helped bring in foreign investment. Net foreign direct investments multiplied 15 times during our administration.
Kasama ng ating mga Together with our OFWs, they more than doubled our foreign exchange reserves. Pinalakas ang ating piso at naiwasan ang lubhang pagtaasng presyo. They upgraded our credit because our reserves grew by $3 billion while those of our peers have shrunk.....

Our international engagement has also corrected historical injustice. The day we visited Washington, Senator Daniel Inouye successfully sponsored benefits for our veterans as part of America’s fiscal stimulus package...

I have accepted the invitation of President Obama to be the first Southeast Asian leader to meet him at the White House, this week....

That he sought us the Philippines testifies to our strong and deep ties....
High on our agenda will be peace and security issues. Terrorism: how to meet it, how to end it, how to address its roots in injustice and prejudice—and most and always how to protect lives....

We will also discuss nuclear non-proliferation. The Philippines will chair the review of the nuclear weapons non-proliferation Treaty in New York in May 2010. The success of the talks will be a major diplomatic achievement for us....

There is a range of other issues we will discuss, including the global challenge of climate change, especially the threat to countries with long coastlines. And there is the global recession, its worse impact on poor people, and the options that can spare them from the worst.

In 2008 up to the first quarter of 2009 we stood among only a few economies in Asia-Pacific that did not shrink. Compare this in 2001, when some of my current critics were driven out by people power, Asia was then surging but our country was on the brink of bankruptcy....

Since then, our economy has posted uninterrupted growth for 33 quarters; more than doubled its size from $76 billion to $186 billion. The average GDP growth from 2001 to the first quarter of 2009 is the highest in 43 years.
Bumaba ang bilang ng nagsasabing mahihirap sila, mula 59% sa 47%. Kahit na lumaki ang ating populasyon, nabawasan ng dalawang milyon ang bilang ng mahihirap. GNP per capita rose from a Third World $967 to $2,051. Lumikha tayo ng walong milyong trabaho, an average of a million per year, much, much more than at any other time....

In sum:
1. We have a strong economy in a strong fiscal position to withstand political shocks....

2. We built new modern infrastructure and completed unfinished ones.
3. The economy is more fair to the poor than ever before....

4. We are building a sound base for the next generation....

5. International authorities have taken notice that we are safer from environmental degradation and man-made disasters....

As a country in the path of typhoons and in the Pacific Rim of Fire, we must be as prepared as the latest technology permits to anticipate natural calamities when that is possible; to extend immediate and effective relief when it is not….The mapping of flood- and landslide-prone areas is almost complete. Early warning, forecasting and monitoring systems have been improved, with weather tracking facilities in Subic, Tagaytay, Mactan, Mindanao, Pampanga....

We have worked on flood control infrastructure like those for Pinatubo, Agno, Laoag, and Abucay, which will pump the run off waters from Quezon City and Tondo flooding Sampaloc. This will help relieve hundreds of hectares in this old city of its age-old woe....

Patuloy naman iyong sa Camanava, dagdag sa Pinatubo, Iloilo, Pasig-Marikina, Bicol River Basin, at mga river basin ng Mindanao....

The victims of typhoon Frank in Panay should receive their long-overdue assistance package. I ask Congress to pass the SNITS Law....

Namana natin ang pinakamatagal ng rebelyon ng Komunista sa buong mundo.
Si Leah de la Cruz isa sa labindalawang libong rebel returnee. Sixteen pa lang siya nang sumali sa NPA. Naging kasapi sa regional White Area Committee, napromote sa Leyte Party Committee Secretary. Nahuli noong 2006. She is now involved in an LGU-supported handicraft livelihood training of former rebels. We love you, Leah!
There is now a good prospect for peace talks both with both the Communist Party of the Philippines and the MILF, with whom we are now on ceasefire....

We inherited an age-old conflict in Mindanao, exacerbated by a politically popular but near-sighted policy of massive retaliation. This only provoked the other side to continue the war....

In these two internal conflicts, ang tanong ay hindi, “Sino ang mananalo?” kundi, bakit ba kailangang mag-away ang kapwa Pilipino tungkol sa mga isyu na alam ng dalawang panig over issues na malulutas naman sa paraang demokratiko.
There is nothing more that I would wish for than peace in Mindanao. It will be a blessing for all its people, Muslim, Christian and lumads. It will show other religiously divided communities that there can be common ground on which to live together in peace, harmony and cooperation that respects each other’s religious beliefs....

At sa lahat ng dako ng bansa, kailangan nating protektahan an gating mamamayan kontra sa krimen -- in their homes, in their neighborhoods, in their communities.
How shall crime be fought? Through the five pillars of justice. We call on Congress to fund more policemen on the streets....

Real government is about looking beyond the vested to the national interest, setting up the necessary conditions to enable the next, more enabled and more empowered generation to achieve a country as prosperous, a people as content, as ours deserve to be....

The noisiest critics of constitutional reform tirelessly and shamelessly attempted Cha-Cha when they thought they could take advantage of a shift in the form of government. Now that they feel they cannot benefit from it, they oppose it.
As the process of fundamental political reform begins, let us address the highest exercise of democracy...voting!
In 2001, I said we would finance fully automated elections. We got it, thanks to Congress....

At the end of this speech I shall step down from this stage...but not from the Presidency. My term does not end until next year. Until then, I will fight for the ordinary Filipino. The nation comes first. There is much to do as head of state—to the very last day....

A year is a long time. Patuloy ang pamumuhunan sa tinatawag na three E’s ng ekonomiya, environment at edukasyon. There are many perils that we must still guard against....

A man-made calamity is already upon us, global in scale. As I said earlier, so far we have been spared its worst effects but we cannot be complacent. We only know that we have generated more resources on which to draw, and thereby created options we could take. Thank God we did not let our critics stop us....

As the campaign unfolds and the candidates take to the airwaves, I ask them to talk more about how they will build up the nation rather than tear down their opponents. Our candidates must understand the complexities of our government and what it takes to move the country forward. Give the electorate real choices and not just sweet talk....

Meanwhile, I will keep a steady hand on the tiller, keeping the ship of state away from the shallows some prefer, and steering it straight on the course I set in 2001....

Ang ating taong bayan ay masipag at maka-Diyos. These qualities are epitomized in someone like Manny Pacquiao....Manny trained tirelessly, by the book, with iron discipline, with the certain knowledge that he had to fight himself, his weaknesses first, before he could beat his opponent. That was the way to clinch his victories and his ultimate title: ang pinakadakilang boksingero sa kasaysayan..........Mabuhay ka, Manny!

However much a President wishes it, a national problem cannot be knocked out with a single punch. A President must work with the problem as much as against it, and turn it into a solution if I can…

There isn’t a day I do not work at my job or a waking moment when I do not think through a work-related problem. Even my critics cannot begrudge the long hours I put in. Our people deserve-a-government that works just as hard as they do...

A President must be on the job 24/7, ready for any contingency, any crisis, anywhere, anytime....

Everything right can be undone by even a single wrong. Every step forward must be taken in the teeth of political pressures and economic constraints that could push you two steps back-if-you flinch and falter.. I have not flinched, I have not faltered. Hindi ako umaatras sa hamon....

And I have never done any of the things that have scared my worst critics so much. They are frightened by their own shadows....
In the face of attempted coups, I issued emergency proclamations just in case. But I was able to resolve these military crises with the ordinary powers of my office. My critics call it dictatorship. I call it determination.... We know it as strong government....

But I never declared martial law, though they are running scared as if I did. In truth, what they are really afraid of is their weakness in the face of this self-imagined threat....

I say to them: do not tell us what we all know, that democracy can be threatened. Tell us what you will do when it is attacked....

I know what to do:

I know what to do, as I have shown, I will defend democracy with arms when it is threatened by violence; with firmness when it is weakened by division; with law and order where it is subverted by anarchy; and always, I will try to sustain it by wise policies of economic progress, so that a democracy means not just an empty liberty but a full life for all....

I never expressed the desire to extend myself beyond my term. Many of those who accuse me of it tried to cling like nails to their posts....

I am accused of misgovernance. Many of those who accuse me of it left me the problem of their misgovernance to solve. And we did it....
I am falsely accused, without proof, of using my office for personal profit. Many of those who accuse me of it have lifestyles and spending habits that make them walking proofs of that crime....

We can read their frustrations. They had the chance to serve this good country and they blew it by serving themselves....

Those who live in glass houses should cast no stones. Those who should be in jail should not threaten it, especially if they have been there....

Our administration, with the highest average rate of growth, recording multiple increases in investments, with the largest job creation in history, and which gets a credit upgrade at the height of a world recession, must be doing something right, even if some of those cocooned in corporate privilege refuse to recognize it....

Governance, however, is not about looking back and getting even. It is about looking forward and giving more—to the people who gave us the greatest, hardest gift of all:

the care of a country.

From Bonifacio at Balintawak to Cory Aquino at EDSA and up to today, we have struggled to bring power to the people, and this country to the eminence it deserves....

Today the Philippines is weathering well the storm that is raging around the world. It is growing stronger with the challenge. When the weather clears, as it will, there is no telling how much farther forward it can go. Believe in it. I believe...

We can and we must-march-forward-with-hope, optimism and determination.
We must come together, work together and walk together toward the future.
Bagamat malaking hamon ang nasa ating harapan, nasa kamay natin ang malaking kakayahan. Halina’t pagtulungan nating tiyakin ang karapat-dapat na kinabukasan ng ating Inang Bayan....

And to the people of our good country, for allowing me to serve as your President, maraming salamat. Mabuhay ang Pilipinas.

Friday, July 3, 2009

Huwag kang matakot!

Sabi nila swerte-swerte lang daw ang buhay. Walang katiyakan. Maaring ngayon nasa ibabaw ka. Maaring bukas mahirap ka pa sa daga. Kung ngayon tinatamasa mo ang rurok ng kaligayan maaring bukas ay hindi mo maikukubli sa mata ng mapanuring lipunan ang iyong pagdadalamhati.

Parang buhay OFW. Hindi lahat siniswerte. Kung ang iba ay nagkaroon ng katuparan ang kanilang mga pangarap, ang iba naman ay masasabing sadyang ipinganak na malas. Pero hindi naman ako naniniwala that success is a pure luck, that in every man’s success there’s a woman behind, that success is ninety per cent good and 10% bad.

Katulad ng ibang OFW, ako’y may maraming pangangamba din. Natatakot ako na sa aking pangingibang bansa ay hindi ko maisakatuparan ang aking mga pangarap. Natatakot akong sa aking pagtatrabaho ay hindi ko mabigyan ng kasiyahan ang aking amo na may malaking tiwala sa akin. Natatakot akong sa aking paggising isang umaga ay masamang balita ang aking matatanggap mula sa Pinas. Natatakot akong sa muli kong pag-uwi ay aking madadatnan ang aking ina na nakalatay na sa banig at pawang ako na lang ang hinihintay. Natatakot akong sa aking pagbakasyon ay wala man lang madalang regalo para sa mga mahal ko sa buhay kundi ang sangkatutak na letrato ng aking pamamasyal sa iba’t ibang lugar sa Dubai. Natatakot akong maging isang OFW habambuhay.

Datapwat sa likod ng aking pangangamba ay nandoon pa rin ang lubos na pagtitiwala sa Kanya. Alam kong ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay naaayon sa Kanyang kagustuhan. Kaya hindi tayo dapat matatakot kung anumang dagok ng buhay meron tayo sa hinaharap. Ipaubaya natin sa Kanya ang lahat. Lagi nating tandaan that He is the way, the truth and the Life.

Tuesday, June 16, 2009

Nalulungkot ako para kay Ate PM

Nitong madaling araw, nagising ako sa isang hagulhol ng pangungulila ni Ate PM. Si Ate PM at si Ate Myrna ay iisa. 'Yon kasi ang bansag sa kanya ni Jimmy - Ate PM, meaning "Princess Myrna". By the way, si Jimmy ay isang mabuting kaibigan. Mahilig siyang magbigay ng bagong pangalan sa halos lahat ng kakilala niya. Tulad ko, pinangalanan niya akong "Dong" kasi daw bisdak ako. 'Yong isang kaibigan namin tinawag niyang "Bruha" kasi daw tulog nang tulog kahit araw. Kay Ate Raquel tawag niya "Sea Horse" kasi daw napakapayat at napakatangkad. Ang kapatid naman ni Ate Raquel tinawag niyang "Emperadora" kasi daw palaging kinakampihan nito si Ate Raquel. At kay Kuya Sam, tawag niya "Croc" as in Crocodile. Huwag niyo na lang alamin kung bakit ganun ang tawag niya. Ganun pa man, salamat kay Jimmy. Nang dahil sa kanya nagkaroon kami ng bagong pangalan. Mabait naman siya. Kaya bansag ko din sa kanya - "Dinosaur".

Well, balikan natin si Ate PM. Iyak ng iyak si Ate. Nakatanggap kasi siya ng tawag mula sa Pinas na yumao na daw ang nanay niya kaninang alas siete, Manila time. Nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanan na wala na ang babaeng nagluwal sa kanya, ni hindi man lang niya ito masilayan bago pa man ito dalhin sa huling hantungan. Paano nga ba siya makakauwi sa Pinas? Kung inyong natatandaan si Ate ay isang hindi legal na OFW. Sinampahan siya ng kaso ng ER niya. Kung mag-voluntary surrender naman siya, tiyak na makukulong muna siya ng hindi lalagpas sa tatlong buwan bago siya ipapa-deport.

Kaya wala siyang magawa kundi ang umiyak at manalangin na sana maiintindihan ng kanyang yumaong ina ang kanyang sitwasyon. Bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi. Nagsisisi siya kung bakit sa huling sandali di man lang niya mayakap ang kanyang ina.

Note: To know more about Ate Myrna, please follow this link.

Friday, May 8, 2009

Si Engineer at ang kanyang Videocam


Kahapon lamang hinikayat ako ng aking mga kaibigan na magpunta sa mall baka daw makabili kami ng mga murang gadgets (mura pero may quality). Sabi ko sa kanila di pa panahon ngayon at malayo pa ang Dubai Shopping Festival – ito ang festivity ng Dubai kung saan ang participating shopping centers ay magbibigay ng mga malalaking diskwento sa mga bilihin. Wala din naman akong ginawa sa bahay kaya nagpasya akong sumama sa kanila at para magkapaglibot na rin.

Tinunton namin ang Dubai Festival Center. Sa aming paglilibot napuna kong may Sale pala ang mga videocam. Gusto ko nang magkaroon ng sariling videocam para may magagamit ako sa panahon ng pangangailangan. Baka kakailanganin ko ito para makapag-post ng video dito sa munti kung tahanan. Isa-isa kong tiningnan ang mga naka-display. Halos lahat ng model magaganda, magagara. Pero may isang model ang nagbigay pansin sa akin na para bang kailangan kong sisiyasating mabuti – isang model na pawang bumubulong sa akin na kailangan ko siyang bilhin. Humingi ako ng paumanhin sa Saleslady para mahawakan at mai-test ito. Nang mahawakan ko ito doon ko lang naalala na minsan na pala akong nagkaroon ng ganitong model.

Mahigit dalawang taon na ang nagdaan. Pinuntahan ako ng aking kaibigang si Jimmy para magsangla ng isang videocam. Kailangan daw ni Engineer ng pera. Hindi ko kilala ang nasabing Engineer. At hindi ko rin kailangan ng videocam. Tinanggihan ko si Jimmy pero nagpumilit siyang maisangla ito kasi hindi daw niya matanggihan si Engineer. Labag man sa kalooban ko at dahil sa hindi ko rin matanggihan si Jimmy (malaki kasi ang naitulong niya sa akin at ng aking kapatid) binayaran ko na ito sa kondisyon na pagkaraan ng dalawang buwan kailangan na niya itong tubusin.

Curios ako kay Engineer. Sa pagkakaalam ko kumikita ng malaki ang mga enhenyero sa Dubai. Bakit kailangan pa niyang magsangla ng mga bagay sa kunting halaga? Diba sapat ang kanyang kinikita? Ito’y mga karaniwang tanong lamang ng munti kong isipan. Kaya kinausap ko si Jimmy na kung maari ipakilala niya ako kay Engineer at nang makilala din niya ang taong may hawak ng kanyang videocam. Dinala ako ni Jimmy sa bahay ni Engineer.

Noon ko nalaman na si Engineer pala ay kumukupkop ng mga visit visa – mga Pilipinong napadpad sa Dubai na hindi siniswerte, hindi pa nakahanap ng trabaho, mga walang pera, walang pambayad sa bahay, at napabayaan na ng mga taong nag-sponsor sa kanilang visit visa. Hindi madali ang ginawa ni Engineer. Sabi niya, sa kasalukuyan daw meron siyang pitong inalagaang visit visa. Kaya daw niya pinasangla kay Jimmy ang kanyang videocam ay para daw maitustos sa isang alaga nitong nag-expire na ang visa at kailangang mag-exit muna ng Kish Island.

Nakakapintig damdamin ang kwento ni Engineer. Ang magkupkop ng mga taong di kaanu-ano, patitirahin mo sila ng libre sa bahay mo na alam mong ang mahal mahal ng renta nito – libreng pagkain at kahit mga personal na gamit ay ipu-provide mo sa kanila.

Dito sa Dubai bihira lang ang mga taong kasing bait ni Engineer. Nagtatrabaho hindi lamang para sa kanyang sarili, hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa mga taong nangangailangan ng tulong. Naway dadami pa ang katulad niya.

Note: This is an entry to PEBA 2009. Follow this link to visit PEBA's main page.

Tuesday, May 5, 2009

BUHAY OFW, MAGKAPAREHO BA?


Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging mapagmahal. Mula pa ng tayo’y isilang sa mundo, hinubog na ang ating mga isipan at pinuno na ang ating mga puso sa pagmamahal sa Dios, sa kapwa at sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating buhay. Dahil sa pagmamahal natuto tayong lumaban, makibaka at magbuwis ng buhay.

Si Ate Myrna nilisan ang Pilipinas dahil sa pagmamahal sa tatlong anak. 14 year-old pa lang siya nang matukso sa pag-ibig. Naging kabiyak sa murang edad. Nagkaroon ng asawang di marunong kumilala ng responsibilidad at umasa lang sa mga magulang. Nagmahal ng todo-todo ngunit sa kanya din pala ang huling hagulhol.

Nagsimula ang labis-labis na kalbaryo ni Ate Myrna noong isilang niya ang tatlo niyang anak. Noon din kasi sa panahong iyon, nagsimulang sa kabilang bahay na umuuwi ang kanyang asawa.

Wala man ang kanyang asawa ngunit itinaguyod ni Ate Myrna ang pagpapalaki ng kanyang mga anak sa sarili niyang diskarte. Kahit anong hirap ng matinong trabaho dinanas niya mabigyan lang ng maayos na buhay ang kanyang tatlong anak.

Nang magka-college na ang mga ito, nakipagsapalaran siya sa Saudi para matustusan ang kanilang pag-aaral. Nasa kolehiyo na kasi at lumalaki na ang mga pangangailangan nila. Limang taon siyang di umuwi sa Pinas. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na sa mga taong iyon, maraming nangyayaring di kaya tanggapin ng inang kulang sa pagmamahal sa anak.

Buntis ang anak niyang babae. Nagsisipag-asawa ang dalawa niyang anak na lalaki. Gumuho ang mundo ni Ate Myrna. Di niya lubos maisip na wala man lang nakapagsabi sa totoong istorya ng mga pangyayari. Kahit ang kanyang ina kung saan niya ipinaubaya ang kanyang tatlong anak ay di man lang nagawan ng paraang sabihin ang totoo. Buong akala niyang ang paghihirap niya sa Saudi ay magbubunga ng kasaganaan sa buhay nila. Makapagtapos ng kolehiyo ang kanyang mga anak, magkaroon ng marangyang trabaho at ng siya’y makapagpahinga na sa pagsisilbi sa mga taong di niya kalahi. Iyon pala’y mga pangarap lang na ang katumbas ay luha.

Duguan man ang kanyang puso ngunit di niya ginawang manumbat sa mga anak niya. Mahal niya ang mga ito’t tinatanggap niyang maluwag sa kanyang puso ang mga pangyayari. Nangyari na ‘yon at wala na siyang magagawa. Alam ng Dios na di siya nagpabaya sa kanila. Alam ng Dios na ginawa niya ang lahat para sa kanila. Suklian man siya ng kalupitan sa mundo di niya ito papansinin dahil ang alam niya’y mahal niya ang kanyang mga anak at lahat kaya niyang gawin para sa kanila.

Pagkalipas ng ilang taon, nilisan na naman ni Ate Myrna ang Pilipinas at tumungo ng Dubai. Dito namamasukan siya bilang isang kasambahay. Mababait ang nagiging amo niya. Ibang lahi man ang mga ito, ngunit may puso namang marunong magpapahalag ng kapwa tao. Sa loob ng dalawang taon, maganda ang buhay ni ate Myrna. Sa kanya pa rin umaasa ang kanyang mga anak kahit may mga pamilya na ang mga ito. Ngunit, para bang mailap sa kanya ang tadhana. Sumama siya sa kanyang kababayang tumakas mula sa amo nila. Walang magandang rason ang pagsama niya sa kanyang kaibigan kundi ang awa. Naawa kasi siya nito dahil nagka-problema ito sa kasamahan din nila sa bahay. Kung iisipin ang pagtakas nila ay hindi dahil sa mga amo nila.

Ngayon, patagong namumuhay si Ate Myrna. Nagpalabas man ng amnesty ang Dubai ngunit hindi siya sumuko. Ayon sa kanya, di pa kasi niya naiaayos ang kanya-kanyang buhay ng tatlo niyang anak. Kung kailan ito mangyayari ay di pa niya alam.

Sa pakipag-usap ko sa kanya, para bang napintig ang aking isipan sa katotohan. Ang isang ina’y kahit anong mangyari ay ina pa rin. At kahit ano mang dagok sa mundo ay kayang harapin para lang sa mga anak. Sana lahat ng mga ina katulad ni Ate Myrna. Sana ang mga anak din ay di aabuso. Kung nasabi ko man ito ay dahil sa nakaka-relate din ako sa istorya ni Ate Myrna. Noong nkaraang buwan, isinulat ko ang artikulong may pamagat na “Buhay OFW sa Dubai” posted on July 6, 2008, kung saan nailathala ito sa GMA. Sa artikulong ito, mababasa natin ang parapong ito:

Minsan nagdu-duda ka sa Pinas. May mga time kasi na tumatawag si Inay. ‘Wag lang daw kayong mag-alala sa kanila at maayos na man daw ang buhay nila. Nakabili na daw siya ng yero para sa bubong na sinalanta ng nagdaang bagyong Frank. Eto naman kasi si Frank ang tindi ng hagupit. At si Junior ang ganda-ganda daw ng grades, palagi daw first honor. Ang kapatid ko namang babae na si Mahinhin 4th year na daw sa college at magtatapos na sa kursong Nursing. Nakakatuwang marinig ang mga balitang ganito. Kahit papaano nagamit pala sa wasto ang perang padala. Pero paano kung ang binabalita sa‘yo ay lahat kasinungalingan? Paano kung ilang taon na pala si Junior sa grade one dahil sa pagiging bulakbol? Paano kung wala palang naipundar ang pera mong pinagkatiwala sa pamilya mo? Paano kung hindi na pala makapagtapos ng college si Mahinhin dahil nabuntis na ng boyfriend niya? Diba parang walang silbi din ang pangingibang bansa mo? Napakasakit isipin lalo na pag nabalitaan mong si mister ay sumakabilang bahay na. At ang perang padala mo ay pinanggastos niya sa kumare mo at ang mga anak mo ay wala man lang makakain.

Di ko inaasahan na naging totoo ang mga sinusulat ko. Ang kapatid kong babae, huminto na sa pag-aaral dahil buntis ng dalawang buwan. 17 year-old pa lang siya at tulad ni Ate Myrna malaki din ang pangarap ko sa kanya. Sadyang ganito ba ang buhay namin sa ibang bansa? Magkatugma? Magkapareho?

P.S.
Paumanhin po sa mga nagbabasa ng post na ito. Copy and paste lang po ito mula sa dati kong blog. Minabuti ko pong 'wag na lang ilagay ang link nito kasi gusto ko pong makalimutan na ito ng tuluyan at mag-concentrate na dito sa blogger. And one more thing, medyo busy pa kasi ako kaya pagtiyagaan lang muna ninyo ang post na ito..hehe

Monday, April 27, 2009

Repost: BUHAY OFW SA DUBAI

Pamilya

It’s an undeniable fact na mahirap talaga ang buhay dito sa Dubai. Kikita ka nga ng medyo malaki pero matataas naman ang mga bilihin dito. Kung hindi lang dahil sa pamilyang naiwan sa Pinas, siguro walang mgtitiyaga dito. Paano nga ba mabubuhay ang pamilyang sa‘yo lang umaasa? Saan kukuha ng pang-tuition si Junior? Saan kukuha ng pera si Inay para pambili ng NFA? Sino ang susuporta kay mister na pitong taon ng naghihirap sa kanyang ubo? Eh, ‘yung pampakasal sa girlfriend mo? Kailangan makapag-ipon para naman medyo grande ‘yung kasal.

Ang daming umaasa sa‘yo. Noon kung hindi ka nilalapitan ng mga kapatid o pinsan mo, ngayon panay ang tawag sa‘yo. Panay ang paramdam. Ang daming dahilan. Kesyo, may sakit daw ang anak. Inaatake daw ng high blood ang bayaw mo at kailangang dalhin sa hospital. Manganganak daw ang hipag mo sa susunod na buwan. Bayaran na daw ng motor na hinuhulugan ng bilas mo at walang pambayad kasi kinulang ‘yung kita sa pamamasada. Sangkatutak na reklamo. Walang katapusang problema. Ngayon ‘pag hindi mo naman pinagbigyan sasabihin sa ‘yong ang takaw-takaw mo. Nakapunta ka lang sa Dubai nakalimot kana sa amin! Ang sarap sakalin, diba? Noong nasa Pinas ka pa, may nagawa ba ang mga taong ito sa ‘yo? Pinahiram ka ba nila ng pera noong papunta ka dito? Kilala mo ba itong si pinsan mo na ngayon lang nagpakilala sa’yo? Ano ka ba, bangko?

Hay naku! Paano mo nga ba mababayaran ‘yong inutang mo sa five six makatuntong ka lang ng Dubai? Buong araw buong gabi Pilipinas ang inisip mo. Tuwing sweldo takbo ka kaagad sa bangko para lang sa Saint Philippines (read: sent to Philippines). Dahil sa Pilipinas di ka man lang nakapag-ipon. Kaya nga gustuhin mo mang magbakasyon pagkatapos ng dalawang taon, hindi pa rin pwede. Pagdating mo pa lang ng airport buong barangay na ang sasalubong sa ‘yo. Pagdating sa bahay magpi-fiesta ka pa. Ang mahal mahal pa ng bilihin sa Pinas. Tiyak na isang lingo pa lang ubos na ang baon mo. Hay, magtiis ka na lang sa lungkot. Siguro habambuhay ka na dito. Magtiis ka na lang di sila (pamilya sa Pinas) makita sa personal.

Minsan nagdu-duda ka sa Pinas. May mga time kasi na tumatawag si Inay. ‘Wag lang daw kayong mag-alala sa kanila at maayos na man daw ang buhay nila. Nakabili na daw siya ng yero para sa bubong na sinalanta ng nagdaang bagyong Frank. Eto naman kasi si Frank ang tindi ng hagupit. At si Junior ang ganda-ganda daw ng grades, palagi daw first honor. Ang kapatid ko namang babae na si Mahinhin 4th year na daw sa college at magtatapos na sa kursong Nursing. Nakakatuwang marinig ang mga balitang ganito. Kahit papaano nagamit pala sa wasto ang perang padala. Pero paano kung ang binabalita sa‘yo ay lahat kasinungalingan? Paano kung ilang taon na pala si Junior sa grade one dahil sa pagiging bulakbol? Paano kung wala palang naipundar ang pera mong pinagkatiwala sa pamilya mo? Paano kung hindi na pala makapagtapos ng college si Mahinhin dahil nabuntis na ng boyfriend niya? Diba parang walang silbi din ang pangingibang bansa mo? Napakasakit isipin lalo na pag nabalitaan mong si mister ay sumakabilang bahay na. At ang perang padala mo ay pinanggastos niya sa kumare mo at ang mga anak mo ay wala man lang makakain.

Syota

Ito naman si Girlfriend grabe kung magselos. Diba niya alam na ang lungkot dito sa Dubai? Sabi nga ng mga beterano na dito may espiritu daw na gumagala dito. At ang espitung ito ay ang espiritu ng kalungkutan. Kaya pala may reason si Gilfriend na magalit kay boyfriend. Nasapian pala ito ng masamang espiritu at nakalimot na magtext kay Girlfriend at kung magtext man “wrong send” pa. Para pala sana kay girlfriend no. 2 ‘yon. Paliwanag naman ni boyfriend, inaasawa lng niya si Girlfriend no. 2 dito. Hanggang dito lang naman daw ‘to sa Dubai. Pag-uwi daw niya sa Pinas siya naman daw ang pakakasalan. ‘Yan naman pala. Hayaan mo na lang Girlfriend no. 1 si boyfriend mo. Nalulungkot lang siya dito. Kaya lang niya inaasawa si Girlfriend no. 2 para may mag-alaga sa kanya. May tagalaba. May tagaluto. Pero paano kung gagawin din ni Girlfriend ang ginagawa ni boyfriend? Paano kung nakikipagdate na rin si Girlfriend no. 1 sa best friend ni boyfriend? Ano ang tawag nito, pasensyahan? Sino nga ba ang dapat masisisi? Si boyfriend na nasalinan lang ng masamang espiritu o si girlfriend na gusto ding makalimot kay boyfriend?

Multiple partners

Uso kaya ang tawag nito? Sabi ng asawa mo may amnesya ka na daw kasi nakalimutan mo na siya. Ang lambing-lambing mo pa daw noong bago ka pa dito. Bawat lingo ka daw tumatawag sa kanya. Pero ano nga ba ang nangyari sa’yo ngayon? Bakit ba kung tuwing tumatawag ka sa kanya palagi kang galit? Minumura mo pa siya. Sinabihan mo pa s’yang mukhang pera. Bakit mo sinabi ‘yon? Totoo nga bang may amnesya ka o dahil lang yan sa bago mong asawa dito? Normal lang na makalimutan mo ang isang taong di mo palaging nakikita at nakakausap lalung-lalo na kung may kinahihibangan ka nang iba. Mapalalaki man o mapababae kung gusto mong mag-asawa dito simpleng simple lang. Kadalasan (sana hindi lahat) pag tinatanong mo si babae o si lalaki sa marital status niya sasabihin lang sa ‘yong hiwalay na, single parent or di kaya patay na ang asawa. Eh, sino ba naman ang dapat maging partner ni widow diba si widower? Basta’t magkaintindihan lang sila kahit walang pag-ibig at manunumpang magtanaw ng responsibilidad sa bawat isa, hala bira! Ayaw mo pa makaka-save ka ng upa sa bahay. Dalawa na kayong magbayad sa upa mong AED 500/- na single bed. O di kaya aakuhin na ni lalaki ang bayad. May purpose din diba? Pero kawawa naman ang mga asawa sa Pinas. Eh, paliwanag naman ng iba, kailangan pa ba daw uuwi sa Pinas para lang umihi? Hayan na. Gusto lang palang umihi. Kaya pala halos tatlo ang asawa sa Dubai. Ang tanong sino nga ba ang original pag tatlo ang asawa mo? Tiyak na silang tatlo ang magki-claim na orginal. Kung sino ang may hawak ng marriage contract (authenticated) siya ‘yong may karapatang magsabi na original. Ito naman si lalaki para lang nagpapalit ng brief kung magpapalit ng asawa.

Original post:
Buhay OFW sa Dubai