BUHAY OFW, MAGKAPAREHO BA?
Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging mapagmahal. Mula pa ng tayo’y isilang sa mundo, hinubog na ang ating mga isipan at pinuno na ang ating mga puso sa pagmamahal sa Dios, sa kapwa at sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating buhay. Dahil sa pagmamahal natuto tayong lumaban, makibaka at magbuwis ng buhay.
Si Ate Myrna nilisan ang Pilipinas dahil sa pagmamahal sa tatlong anak. 14 year-old pa lang siya nang matukso sa pag-ibig. Naging kabiyak sa murang edad. Nagkaroon ng asawang di marunong kumilala ng responsibilidad at umasa lang sa mga magulang. Nagmahal ng todo-todo ngunit sa kanya din pala ang huling hagulhol.
Nagsimula ang labis-labis na kalbaryo ni Ate Myrna noong isilang niya ang tatlo niyang anak. Noon din kasi sa panahong iyon, nagsimulang sa kabilang bahay na umuuwi ang kanyang asawa.
Wala man ang kanyang asawa ngunit itinaguyod ni Ate Myrna ang pagpapalaki ng kanyang mga anak sa sarili niyang diskarte. Kahit anong hirap ng matinong trabaho dinanas niya mabigyan lang ng maayos na buhay ang kanyang tatlong anak.
Nang magka-college na ang mga ito, nakipagsapalaran siya sa Saudi para matustusan ang kanilang pag-aaral. Nasa kolehiyo na kasi at lumalaki na ang mga pangangailangan nila. Limang taon siyang di umuwi sa Pinas. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na sa mga taong iyon, maraming nangyayaring di kaya tanggapin ng inang kulang sa pagmamahal sa anak.
Buntis ang anak niyang babae. Nagsisipag-asawa ang dalawa niyang anak na lalaki. Gumuho ang mundo ni Ate Myrna. Di niya lubos maisip na wala man lang nakapagsabi sa totoong istorya ng mga pangyayari. Kahit ang kanyang ina kung saan niya ipinaubaya ang kanyang tatlong anak ay di man lang nagawan ng paraang sabihin ang totoo. Buong akala niyang ang paghihirap niya sa Saudi ay magbubunga ng kasaganaan sa buhay nila. Makapagtapos ng kolehiyo ang kanyang mga anak, magkaroon ng marangyang trabaho at ng siya’y makapagpahinga na sa pagsisilbi sa mga taong di niya kalahi. Iyon pala’y mga pangarap lang na ang katumbas ay luha.
Duguan man ang kanyang puso ngunit di niya ginawang manumbat sa mga anak niya. Mahal niya ang mga ito’t tinatanggap niyang maluwag sa kanyang puso ang mga pangyayari. Nangyari na ‘yon at wala na siyang magagawa. Alam ng Dios na di siya nagpabaya sa kanila. Alam ng Dios na ginawa niya ang lahat para sa kanila. Suklian man siya ng kalupitan sa mundo di niya ito papansinin dahil ang alam niya’y mahal niya ang kanyang mga anak at lahat kaya niyang gawin para sa kanila.
Pagkalipas ng ilang taon, nilisan na naman ni Ate Myrna ang Pilipinas at tumungo ng Dubai. Dito namamasukan siya bilang isang kasambahay. Mababait ang nagiging amo niya. Ibang lahi man ang mga ito, ngunit may puso namang marunong magpapahalag ng kapwa tao. Sa loob ng dalawang taon, maganda ang buhay ni ate Myrna. Sa kanya pa rin umaasa ang kanyang mga anak kahit may mga pamilya na ang mga ito. Ngunit, para bang mailap sa kanya ang tadhana. Sumama siya sa kanyang kababayang tumakas mula sa amo nila. Walang magandang rason ang pagsama niya sa kanyang kaibigan kundi ang awa. Naawa kasi siya nito dahil nagka-problema ito sa kasamahan din nila sa bahay. Kung iisipin ang pagtakas nila ay hindi dahil sa mga amo nila.
Ngayon, patagong namumuhay si Ate Myrna. Nagpalabas man ng amnesty ang Dubai ngunit hindi siya sumuko. Ayon sa kanya, di pa kasi niya naiaayos ang kanya-kanyang buhay ng tatlo niyang anak. Kung kailan ito mangyayari ay di pa niya alam.
Sa pakipag-usap ko sa kanya, para bang napintig ang aking isipan sa katotohan. Ang isang ina’y kahit anong mangyari ay ina pa rin. At kahit ano mang dagok sa mundo ay kayang harapin para lang sa mga anak. Sana lahat ng mga ina katulad ni Ate Myrna. Sana ang mga anak din ay di aabuso. Kung nasabi ko man ito ay dahil sa nakaka-relate din ako sa istorya ni Ate Myrna. Noong nkaraang buwan, isinulat ko ang artikulong may pamagat na “Buhay OFW sa Dubai” posted on July 6, 2008, kung saan nailathala ito sa GMA. Sa artikulong ito, mababasa natin ang parapong ito:
Minsan nagdu-duda ka sa Pinas. May mga time kasi na tumatawag si Inay. ‘Wag lang daw kayong mag-alala sa kanila at maayos na man daw ang buhay nila. Nakabili na daw siya ng yero para sa bubong na sinalanta ng nagdaang bagyong Frank. Eto naman kasi si Frank ang tindi ng hagupit. At si Junior ang ganda-ganda daw ng grades, palagi daw first honor. Ang kapatid ko namang babae na si Mahinhin 4th year na daw sa college at magtatapos na sa kursong Nursing. Nakakatuwang marinig ang mga balitang ganito. Kahit papaano nagamit pala sa wasto ang perang padala. Pero paano kung ang binabalita sa‘yo ay lahat kasinungalingan? Paano kung ilang taon na pala si Junior sa grade one dahil sa pagiging bulakbol? Paano kung wala palang naipundar ang pera mong pinagkatiwala sa pamilya mo? Paano kung hindi na pala makapagtapos ng college si Mahinhin dahil nabuntis na ng boyfriend niya? Diba parang walang silbi din ang pangingibang bansa mo? Napakasakit isipin lalo na pag nabalitaan mong si mister ay sumakabilang bahay na. At ang perang padala mo ay pinanggastos niya sa kumare mo at ang mga anak mo ay wala man lang makakain.
Di ko inaasahan na naging totoo ang mga sinusulat ko. Ang kapatid kong babae, huminto na sa pag-aaral dahil buntis ng dalawang buwan. 17 year-old pa lang siya at tulad ni Ate Myrna malaki din ang pangarap ko sa kanya. Sadyang ganito ba ang buhay namin sa ibang bansa? Magkatugma? Magkapareho?
P.S.
Paumanhin po sa mga nagbabasa ng post na ito. Copy and paste lang po ito mula sa dati kong blog. Minabuti ko pong 'wag na lang ilagay ang link nito kasi gusto ko pong makalimutan na ito ng tuluyan at mag-concentrate na dito sa blogger. And one more thing, medyo busy pa kasi ako kaya pagtiyagaan lang muna ninyo ang post na ito..hehe
9 comments:
i admire mothers like ate myrna. I am proud mothers like her. in spite of the trials and burden they keep on going for the sake of their kids. i have once talk to a lady on the plane with the same conviction. the difference is that she is a widow. I believe that their strong hold is God above.
Great post and inspiring bro. Happy mother's day to all of the Mother.
isa na namang obra ng totoong buhay ng isang OFW ito..
i can 100% relate, kasama na yata talaga sa package ng pakikipagsapalaran sa ibang bayan ang mga ganitong scenario..
nakkalungkot talaga bro, marami rin akong kilalang ganitong karanasan, even among my family..
but it doesnt mean na di tayo puedeng tumayo ulit, or i mean sila..
ur good work is not in vain bro..jst believe that..
@Jessie,
Thank you so much for your appreciation. I,too, admired Ate Myrna for being such a great mother.
@Josh,
Thanks bro! You inspired me. I believe everything has a purpose. Cheers!
ang galing mo naman pagdating sa OFW. Magprepare ka na ha Ruph ng ntry sa PEBA. hehehe, gusto ko yung ganito, ang galing talaga!
@Mr. Thoughtskoto,
Masyado mo naman akong pinapataba. Sige ka baka maging antukin na ako at di na ako makapagblog. Wag naman sana. Love ko ang blogging.Curious lang ako. Kung may entry ba ako sa PEBA dapat ko bang ipaalam na yong post na yon ay entry ko sa PEBA?
Mahusay na paglalarawan sa tunay na buhay ng mga OFW, tulad ni Ate Myrna, napakaraming mga ina ang naninilbihan sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya sa Pinas.
Bagama't nabigo sya sa kanyang mga pangarap sa kanyang mga anak, patuloy pa rin nyang ginagampanan ang isang ulirang ina sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang OFW para sa mga taong patuloy pa rin na umaasa sa kanya.
Inspiring post, a blessed evening and Happy Mother's Day to mothers, future mothers and grandmothers.
Nabasa ko ung article na un sa GMA News b (OFW page). Ikaw pala ang sumulat nun? Sabi ko nga sobrang may kurot sa puso.
Alam mo, ang bigat ng pakiramdam ko after reading your post. Masyado kasi akong affected kapag usaping OFW ang topic, lalo pa't usaping nanay na OFW ang tema.
Kung nasan man si Nanay Myrna ngayon, tell her that I'm praying for her. And for you too.
Happy mother's day po sa inyong dalawa ni Nanay Myrna.
I mean, happy mother's day to your mom. Sorry, Ruphael.
I wish myrna will find a way out.
I had the same situation, asawang nag loko, pero bago kumalat ang tatlo kung anak, i went home from France, walang ksiguruhan kung makapag abroad ulit.
Buti God provided me a future husband, a french to rescue us to our situation.
My children are still single, two in France now and my eldest will soon to come too, i hope.
Ang buhay ntin, nsa ating kamay, at patuloy lang na humingi ng guidance mula sa Itaas, if tugma sa kagustuhan Niya, walang sino man makakapigil ng ating pangarap
Post a Comment