Sunday, May 24, 2009

UPDATE

Medyo matagal din akong nawala. Marami na akong na-miss sa blogsphere. Wala na akong update sa mga kaibigan kung blogero maliban sa sumusunod:

AJ of Arabian Josh – Nagkausap na kami ni AJ. Dati pa may plano na kaming mag-EB. Pero para atang wala pang magandang panahon para sa isang EB lalo na’t nai-suggest ni AJ na sa Burj Al Arab kami magkikita. Kakain daw kami ng shawarma. Meron ba doon? Ewan ko di pa kasi ako nakapunta doon. Pero kahit sa phone lang kami nagkausap natitiyak kong isang magandang kaibigan si AJ. Kaya for AJ, salamat at tinuring mo akong isa sa mga kaibigan mo. It was my pleasure talking to you. Ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa at alam kong marami ka pang mararating sa buhay. Teka, sa EB natin (ewan ko kung kailan) bigay mo sa akin ang bibliography mo at gagawa ako ng PEBA entry tungkol sa buhay mo.

Sherwin of Tambay sa Dubai – Nagkausap na rin kami ni Sherwin through phone. Our conversation was purely about the job hiring in our company. Alam kong kailangan ni Sherwin ngayon ng trabaho. Gusto ko man siyang tulungan pero hindi ata siya pwede sa company namin. He is over qualified for the position. I myself could not recommend him the job since ang liit talaga ng sahod na ini-offer ng kompanya namin for an experienced CPA like him.

NJ of Desert Aquaforce and The Pope of Palipasan – Nagkaroon na ng bonding and dalawang blogerong ito. Sa una nilang EB sa Qatar, ipinasyal ni Pope si NJ sa buong kingdom and one more thing, ipinakilala din ni Pope si Mrs. Pope kay NJ. Sa ngayon may dalawang couple na ng blogsphere ang alam ko – Si Mr. and Mrs. Thoughtskoto at si Mr. and Mrs. Pope.

Mr. Thoughtskoto of Thoughtskoto – Medyo busy ang bida ng PEBA. Marami na siyang post na hindi ko pa nababasa. Pero huwag kang mag-alala Mr. Thoughtskoto babawi ako. Kailangan ko lang bigyan ng time ang issue na nakatutok sa akin. It’s between life and death kumbaga.

LordCM
of Dungeon LordCM – May entry ka rin pala sa PEBA 2009. Good luck to us, Bro. Salamat pala sa pagpo-post ng job hiring namin sa Thoughtsmoto.

Sa lahat na hindi ko nabanggit (kasi wala akong update at kasi nga wala pa akong time), alam kong nandyan lang kayo sa blogroll and friend connect ko. Hayaan ninyo pag okay na ang lahat sa akin mabibisita ko rin kayo. Happy blogging!
Reactions:

9 comments:

Lord CM said...

Wow!!!Nasama ako!!! :) , thanks ng marami!!!

Sana sa sunod na may hiring kayo wag mo kalimutan ang KaBlogs Jobs :)

A-Z-E-L said...

awwww! andito din kami nina jee, jen, at poging ilocano...

bigyan mo din kami ng panahon isang araw...

wag lang ngayon kase sobrang init na. pero dahil layas kami ni jee ayun at nakipagkita kami sa hari ng abu dhabi na si poging ilocano.

jee & sherwin already talked. syempre regarding sa hiring. hindi ko lang alam what happened.

ingat jan...

keep on writing.

goodluck sa PEBA entry...

The Pope said...

Maraming salamat for taking notice of Mrs. Pope, she was delighted to read your post. Thank you so much and keep on blogging.

Life is Beautiful.

JEE said...

hey kuya! andito kami sa dubey! isang txt mo lang at tawag eb tayo! hehehe...

nagkausap kami ni sherwin at napag usapan din ang eb ng mga bloggers sa dubai. kaya lang ndi pa daw ata sya pwede ngayon.

so, plan nalang if available na ang lahat :)

goodluck sa PEBA entry mo kuya :)

Desert Aquaforce said...

wow... nabida pa kami. thanks for taking note of our activity!

welcome back to bloggywood. i hope the issues that were holding you not to blog are now all settled.

happy blogging once again.

Buddy dela Cruz said...

Wish ko sir na matuloy yung EB na bibabalak ninyo no AJ... Para naman masama rin ako... Regards na lang sir kay AJ pag na kausap mo heheheh...

by the way sir baka naman pedeng pa add sa link mo... yun nga lang medyo marami akong blog...

www.budzshots.com
www.palamuti.com
www.buhaydisyerto.com
www.buddy-dubaibase.blogspot.com

Hope na ma i add mo ako sa link mo... this please do visit I added you already in my blog....

Cheers

Mac Callister said...

wow sweet hehe sana pag nasa qatar na ko which ewan kung kelan e maka eb din kita LOL

Mr. Thoughtskoto said...

salamat Ruphael, and whatever trials and challenges you may have, please dont forget that we are mindful of you.

Thanks for believing, it is truly reaffirming.

Josh of Arabia said...

ay, featured blogger pala ko,..si bro. ruph talga, marami pong TY.

mga ka-blogero,
sa picture lang po mkhang suplado si ruph, actually isa po iyang veri approachable at walang kaere-ereng tao (o, bawi na ha)..

kidding aside, txs really for being around, for acknowledging each and everyone of us here everytime..sana nga magwinter na ulit para naman makagimik na tayo..sige sama na natin ang iba pang mga katoto dito..si Sir Buddy ang kukuha ng pix, (mentor ko yan e)..

at para matuloy na rin ang paghabi mo sa sa aking makabagbag-damdami at nakakatawang life story.

txs ulit sa update..:)