Friday, May 8, 2009

Si Engineer at ang kanyang Videocam


Kahapon lamang hinikayat ako ng aking mga kaibigan na magpunta sa mall baka daw makabili kami ng mga murang gadgets (mura pero may quality). Sabi ko sa kanila di pa panahon ngayon at malayo pa ang Dubai Shopping Festival – ito ang festivity ng Dubai kung saan ang participating shopping centers ay magbibigay ng mga malalaking diskwento sa mga bilihin. Wala din naman akong ginawa sa bahay kaya nagpasya akong sumama sa kanila at para magkapaglibot na rin.

Tinunton namin ang Dubai Festival Center. Sa aming paglilibot napuna kong may Sale pala ang mga videocam. Gusto ko nang magkaroon ng sariling videocam para may magagamit ako sa panahon ng pangangailangan. Baka kakailanganin ko ito para makapag-post ng video dito sa munti kung tahanan. Isa-isa kong tiningnan ang mga naka-display. Halos lahat ng model magaganda, magagara. Pero may isang model ang nagbigay pansin sa akin na para bang kailangan kong sisiyasating mabuti – isang model na pawang bumubulong sa akin na kailangan ko siyang bilhin. Humingi ako ng paumanhin sa Saleslady para mahawakan at mai-test ito. Nang mahawakan ko ito doon ko lang naalala na minsan na pala akong nagkaroon ng ganitong model.

Mahigit dalawang taon na ang nagdaan. Pinuntahan ako ng aking kaibigang si Jimmy para magsangla ng isang videocam. Kailangan daw ni Engineer ng pera. Hindi ko kilala ang nasabing Engineer. At hindi ko rin kailangan ng videocam. Tinanggihan ko si Jimmy pero nagpumilit siyang maisangla ito kasi hindi daw niya matanggihan si Engineer. Labag man sa kalooban ko at dahil sa hindi ko rin matanggihan si Jimmy (malaki kasi ang naitulong niya sa akin at ng aking kapatid) binayaran ko na ito sa kondisyon na pagkaraan ng dalawang buwan kailangan na niya itong tubusin.

Curios ako kay Engineer. Sa pagkakaalam ko kumikita ng malaki ang mga enhenyero sa Dubai. Bakit kailangan pa niyang magsangla ng mga bagay sa kunting halaga? Diba sapat ang kanyang kinikita? Ito’y mga karaniwang tanong lamang ng munti kong isipan. Kaya kinausap ko si Jimmy na kung maari ipakilala niya ako kay Engineer at nang makilala din niya ang taong may hawak ng kanyang videocam. Dinala ako ni Jimmy sa bahay ni Engineer.

Noon ko nalaman na si Engineer pala ay kumukupkop ng mga visit visa – mga Pilipinong napadpad sa Dubai na hindi siniswerte, hindi pa nakahanap ng trabaho, mga walang pera, walang pambayad sa bahay, at napabayaan na ng mga taong nag-sponsor sa kanilang visit visa. Hindi madali ang ginawa ni Engineer. Sabi niya, sa kasalukuyan daw meron siyang pitong inalagaang visit visa. Kaya daw niya pinasangla kay Jimmy ang kanyang videocam ay para daw maitustos sa isang alaga nitong nag-expire na ang visa at kailangang mag-exit muna ng Kish Island.

Nakakapintig damdamin ang kwento ni Engineer. Ang magkupkop ng mga taong di kaanu-ano, patitirahin mo sila ng libre sa bahay mo na alam mong ang mahal mahal ng renta nito – libreng pagkain at kahit mga personal na gamit ay ipu-provide mo sa kanila.

Dito sa Dubai bihira lang ang mga taong kasing bait ni Engineer. Nagtatrabaho hindi lamang para sa kanyang sarili, hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa mga taong nangangailangan ng tulong. Naway dadami pa ang katulad niya.

Note: This is an entry to PEBA 2009. Follow this link to visit PEBA's main page.

20 comments:

Enhenyero said...

nakakapintig damdamin nga...mabuhay si engineer!

The Pope said...

I admire your writings Ruphael for featuring our unsung OFW heroes, for their unrecognized deeds sa Dubai. also you previous posts which gives provide inspirations to the OFW and their families back home.

Purihin ka kaibigan.

Yanah said...

nakakabilib si engineer..
kahanga-hanga ang kanyang mga ginagawa para sa kapwa pilipino..
bihira na alng ang mga taong ganyan ngaun..
as in nakakabilib talaga..
God bless Engineer..
sana dumami pa ang mga katulad nya!
isang huwaran.

Ken said...

nice entry, very humbling, very touchy. I know quite a lot like that here in Saudi...lalo na yung mga takas na DH na inaalila or inaabuso ng mga amo.

Thanks for this.

Sardonyx said...

Dakilang bayani nga si engineer, kakantig ng puso at ikaw din pinagmamalaki kita, dahil kahit di mo kailangan napilitan kang bayaran ang pinasasanla sa 'yo para lang matulungan ang taong nangangailangan nito.

Ken said...

ang galing ng post mo, touching at very real. Actually i have known several of this people here in Saudi Arabia. They are selfless and very kind. It is purely what we called, kawanggawa, because truly if you serve others, you are serving God.

Anonymous said...

Bilib ako. Kay Engineer, sa mga gaya ni Engineer, sa yo, sa post mo.

Pangarap kong maging kagaya ni Engineer pero naduduwag ako dahil sa takot sa responsibilidad. Pakiramdam ko napakarami ko nang suliranin para dalhin pa ang suliranin ng iba. Sa kahulihan, I'm sure, mas masaya pa rin si Engineer kesa sa akin.

Congratulations, Ruphael. Your post touched me.

Congratulations din kay Engineer. He will always be in my prayers (at this time, yon lang ang maari kong ibahagi...paxnxia na po).

(Happy mom's day to your mom and all to the mothers in your life).

RJ said...

Marami pa tiyak diyan ang katulad ni Engineer... Hindi man sila na-feature sa kung saang blog, sa TV, radyo o pahayagan, ang mga taong tulad nila ay totoo ngang 'Pag-asa ng Bayan, Handog sa Sanlibutan'! o",)

Kosa said...

kahit saan talaga naglipana ang may mga magagandang kalooban sa Mundo.. may ganyang kwento din akong alam dito naman sa amin!

mabuhay si Engineer!
at goodluck sa entry mo parekoy!

Kosa said...

kahit kelan pala naglipana ang mga taong may magaganda at poging kalooban!
may ganyang kwento din akong alam... dito naman sa amin!

mabuhay si engineer!
goodluck din sa Entry mo!

kitakits sa Finale..lol

Bomzz said...

may ka kilala ako jan dati engineer din tawag namin. pero malabo siya yun sa istorya mo... hehehe....

mabuhay si engineer..... ngayon lang uli nakadalaw Sir....

Vivian said...

Bibihira nalang ang mga taong katulad ni Engineer. Pagpalain nawa at tularan ang kabutihang loob.

NJ Abad said...

a very well written post - heart rending, tear jerking and an emotional rendition of the goodness and character of the engineer.

may you and all the other engineers' tribe increase!

Mac Callister said...

ang ganda!i saw your link at PEBA and i immediately click it and found this wonderful story of you and "the engineer"

may mga ganyan pala jan ang bait niya hope he could inspire others and tularan siya kahit di ganun but un tumulong sa iba kahit sa maliit na paraan.

anyway,first time ko dito hope hindi ka homophobic kasi makikitambay ako lagi na dito LOL!

orphicpixel said...

ayun may ganito pala dito e, ayos to, pantanggal lungkot dito sa ibang bansa

life moto said...

good news po ito bro. sana marami pang tulad ni engineer. very inspiring post bro.

Ree Gesture said...

follow my blog naman po? :) thanks!

http://www.lazziness.blogspot.com/

Anonymous said...

bait nmn ni engineer.. two thumbs up sa kanya! =)

The Nomadic Pinoy said...

That is a very touching good Samaritan story. Sa dami ng mga pangit na istorya na narinig ko sa ibang Pinoy na idinidiin ang kapwa Pinoy, eto ang pinakamagandang ehemplo ng pagpapakita ng magandang kalooban. Sana mas dumami pa ang kagaya ni Engineer.

Null said...

naiyak naman ako d2.. ='(