Thursday, June 25, 2009

May pera ba talaga sa basura?

“HOY, BASURA N’YO, ITAPON N’YO!”

Ipinaskil ko ang mga katagang ito sa isang pintuan ng kapitbahay (neighboring flat) namin noong isang araw. Di ko na kasi matiis ang basurang nakatambak sa gilid ng pintuan nila. Hindi naman dapat ako makikialam sana kaya lang ang dumi talaga. Iyon na lang ang palagi kong nadadatnan pagka galing ko sa trabaho. Paano kasi nasa bungad ng gate ang flat nila kaya basura ang babati sayo pagpasok mo sa gate.

Hindi naman siguro masama ang ginawa ko. Hindi naman ako nakikialam sa kanila. Kaya lang sobrang tamad talaga nila, mga babae pa naman sana. Akalain niyo, noong nakaraang linggo si Ate Amy ang nagwalis, naglinis at nagtapon ng basura nila. Nitong umaga si Kuya Romy naman ang nagwalis, naglinis at nagtapon. At ngayon, hayun may nakatambak na naman.

Bakit may mga taong ganyan? Hindi ba sila nahihiya na ibang tao ang maglinis sa harapan nila? Bakit di nila makuhang bitbitin ang mga basura nila, eh, ang lapit-lapit lang naman ng basurahan? Naalala ko tuloy ang komento ng isang kasamahan ko. Aniya, “ang mga babaeng nakatira diyan ay sadyang marurumi, siguro hindi rin sila naglalaba ng kanilang mga pan**”.

Payo ko lang sa inyo, mga butihin naming kapitbahay, sana magkaroon naman kayo ng kunting kahihiyan. Pareho lang naman tayong naghahanap buhay. Pareho lang din tayong Filipino. Pareho lang tayong kumakain. Pareho lang din naman tayong gumagamit ng kubeta. Sa medaling salita, pareho tayong tao. Huwag naman sana ninyong abusuhin ang kabaitan ng ibang tao. Kung kaya ninyong tanggalin ang pinaskil ko sa inyong pinto dapat kaya din ninyong itapon ang basura ninyo. At higit sa lahat huwag ninyong ikalat ang inyong mga napk**.

Related Posts:

  • Moving On I've been silent for years. The reason was, I was completely broken. My life never turned out to be as expected. However, I tried to hold myself still as I know there's something else out there for me to discover and up… Read More
  • Quick noteI am just very busy lately with my work. … Read More
  • TanongHabang nakatingin ako sa  monitor, meron akong naisip itanong sa sarili ko, sa kapwa ko at sa Diyos. Ito ang mga sumusunod: Sa sarili Bakit hanggang ngayon, walong taon na ang nakaraan, dama ko pa rin ang pangungulila ko… Read More
  • Pagbabalik: Sana Forever na..Kababalik ko lang sa aking tahanan after so many months. I hope forever na ako dito. Nami-miss ko na ang mga kapitbahay ko. Sana nami-miss din ninyo ako.… Read More
  • The Expectant Father Yes, I am an expectant father. You don't believe it, do you? From the moment I learned of  Vergil's pregnancy, I was very excited. Yet, I felt awkward about sharing my fears and insecurities. I trust this is only n… Read More

3 comments:

2ngaw said...

Hehehe :D Kung sino pa yung mga babae eh sila pa ang makalat at tamad...

Di na yata nawawala sa isang komunidad ang mga taong pasaway :D

A-Z-3-L said...

Pinoy din?

awww! may ganon ata talaga.. hindi lahat may pakialam sa kapwa.

ganito gawin mo, tapunan mo ng tapunan ng basura ung bunton ng basura nila hanggang dumami ng dumami at mabwisit sila...

pag sinita kayo, sabihin mo "ibinabalik lang namin ung mga basura nyo dati na kami ang nagtapon kase parang iniipon nyo talaga, baka hanapin nyo!"

the more na nillinis nyo ang kalat nila, the more na mawiwili sila... sa susunod lagyan mo ung gate nila ng: "YOU OWE US AED300.00 FOR CLEANING YOUR MESS"

Life Moto said...

wow grabe, na yan! kailanganna yata ng action speaks louder than words. Katungin mo na bro. tutal wala silang hiya:)