Monday, August 31, 2009

Sa Ugoy ng Duyan

Kahapon naisipan kong gumagala sa Mall of Emirates. Dahil gusto kong magpalamig at mabigyan ang aking sarili ng kunting break matapos ang mga "pinagdaanan" ko nitong mga nakaraang araw nakapagpasya akong ibahin muna kahit sandali ang aking kapaligiran. Walang masyadong tao ang mall. Ramadan kasi kaya hindi masyadong matao ang lugar. Hindi nagsisilabasan ang karamihan.

Paiikut-ikot ako sa mga stores. Kunwari bumibili, hindi naman. Ito ang naging drama ko. Palibhasa walang perang nakalaan para sa malling na 'yon.

Nakakaboring din pala ang mag-window shopping lalo na't marami kang gustong bilhin pero nagtitimpi ka dahil natatakot kang ma-over budget. Punta doon, punta dito. Naiikot ko na ata halos buong mall. Pero parang hindi pa rin yata ako nalibang.

Sa aking pag-iikot dinala ako ng aking mga paa sa Magic Planet. "Wow, mga palaruan!", sabi ko sa sarili ko. Ang daming palaro - may deal or no deal pa. Kakaiba ang kulay ng mga ilaw. Ang ganda-ganda. Ano kayang laro ang lalaruin ko? Subukan ko kaya ang car bumping. Kaya lang wala akong kalaro, nag-iisa ako.Sino ang babanggain ko? Mga naglalarong hindi ko kilala? Wag na lang, ayokong masuntok.

Ilang minuto din akong nagmasid at namili, hanggang sa niisip kong sumakay ng ride. Kaya lang, ano bang klaseng ride ang pipiliin ko? Nakakalito din. Meron kasing mahigit sampung klase ng ride ang pwede mong sakyan.

At last, nakapili na rin ako. Sinubukan ko ang Equinox. Lintik! Akala ko sa simula simpleng ride lang ito at katulad lang ng merry-go-round ang movement nito. Malay ko ba kung matindi pa pala ito sa roller coaster, eh, wala kasi ito sa probinsiya namin. Pataas, pababa, paikot, pabagsak. Naku po..Hinihimitay ako. Parang lalabas lahat ang mga lamang loob ko. Hindi ko mapigil ang mapahiyaw sa takot kaya pumikit na lang ako at hinayaang matapos ang limang minutong hampas doon, hampas dito. Lahat ata ng masamang ispiritung sumapi sa akin nalaglag dahil sa tindi ng takot sa duyan ng equinox.

Nakakatakot man ito pero sa aking pagsakay natutunan ko ang isang bagay na siguro hindi ko makakalimutan habambuhay. Kung ano man ito 'wag na lang ninyong itanong..lolz

Sunday, August 30, 2009

Nasaan ang Palakang pang-Guinness?

Nasaan nga ba ang palakang sinasabi ni Arvin? Akala ko nabigyan na ng tuldok ang gulo dito sa blogosperyo pagkatapos nagpalitan ng sorry si LordCM at Arvin dahil sa “paninirang” artikulo ni Arvin tungkol sa mga OFW. Hanggang sa oras na ito patuloy parin pala ang palitan ng mga artikulo ng magkabilang panig (LordCM and Kablogs against Arvin).

Bakit sa panahong ito laging nasa hot seat ang mga OFW? Bakit paninira ang ginagawa ng mga ibang writers katulad ni Chip Tsao, Mike Avenue at Arvin? Di ba nila alam kung anong sakripisyo meron ang mga OFW para sa pamilya at sa bayan? Ano ang motibo ng mga manunulat na ito upang siraan ang mga taong nagbibigay pag-asa sa bansang timawa? Sadya nga lang bang ginagawa nila ito para sumikat? Para pag-uusapan sila? Para magkakaroon ng mga kakampi o kaibigan? O para dadami ang kanilang traffic at magkaroon ng sangkatutak na income mula sa AdSense?

Kung ang layunin nila ay maghatid ng balita sa kanilang mambabasa sana totoo lahat ang kanilang isusulat at hindi lamang puro paninira. Huwag sana nilang abusuhin ang kalayaan ng pamamahayag – ‘yon kung lubos nilang naintindihan ang code of ethics in blogging.

Si Mike Avenue, isang mahusay na manunulat, mabait na kablogs at kaibigan sa mundo ng blogosperyo. Hanga ako sa kanyang galing at sa mga artikulong kanyang nilikha, maliban na lang sa kanyang mga panulat laban sa mga OFW. Dahil sa kanyang “tsokolate” nagkampihan ang mga OFW bloggers para turuan siya ng leksyon. Dahil sa kanyang panulat lalong sumikat si Mike. Sino nga ba daw si Mike Avenue? ‘Yon ang kadalasang tanong ng mga taong nakabasa ng OFW bloggers Manifesto na pini-post ng halos lahat ng mga OFW blogsites.

Nawala si Mike ng ilang buwan. Nanahimik. Hindi namin ma-access ang kanyang blog. Hanggang sa dumating ang isang araw, lumitaw si Mike. Isang Mike na puno ng pagsisisi. Humingi ng sorry sa halos lahat ng OFW bloggers. Tao lamang kaming mga OFW at may mabuting kalooban kaya ang sagot namin sa kanya “Welcome back Mike!”

Ngunit hindi ko inaasahan na sa kanyang paglitaw ay siya ding paglitaw ni Arvin dala ang kanyang artikulong paninira na naman sa amin. Nagkagulo na naman ang mundo ng mga OFW bloggers.

Hindi pinalagpas ng mga OFW ang kanyang paninira. Batikos ang kanyang napala sa kanyang artikulong nagsasabing mukhang pera daw ang mga OFW. Mukhang pera nga ba kami? Baka ang pera mukhang OFW! Akala ko tuluyan ng nanahimik si Arvin. In my personal observation, parang ayaw pa niyang tumigil sa laban.

Bumisita si Arvin sa bahay ko. Nag-iwan ng mensahe sa aking chatbox. Nakapost na daw sa site niya ang pinkamalaking palaka na natagpuan sa kanilang lugar at pang-guinness book of record daw ang laki. Naintriga ako sa message niya. Nasasabik akong makita ang pinakamalaking palaka. Mahilig kasi ako sa world trivia. Dali-dali kong pumunta sa kanyang site para masilip ang pinakamalaking palaka. Nakita ko ang picture ng palaka. Hindi naman pala totoong malaki. Ordinaryong palaka lang pala na kadalasang makikita sa palayan.

Nang binasa ko ang kanyang artikulo doon ko lang nalaman kung ano ang ipinahihiwatig niya – kung sino ang tinutukoy niyang palaka at kung sino ang taong sa tuwing pag-ingay ng palaka ay warak ang dibdib at wala ng puso.

Para sayo Arvin, ito’y payong kaibigan lang. Sana sa susunod mong artikulo siguraduhin mong wala kang masasagasaang tao. Hindi masamang gumawa ng isang artikulo lalo na’t you have the passion to write kaya lang huwag naman sana ‘yong mga paninira. Huwag mo sanang kalimutan na gabi-gabi mong maririnig ang “KOKAK NG KAMATAYAN” kung ayaw mong tuluyang bigyan ng tuldok at tanggapin ng buong puso ang iyong kamalian.

Saturday, August 29, 2009

Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (pagwawakas)

"_ m going thru sm prsnal pain due to my dscontntmnt of myclf.I wd lyk to hv 3days of dsconction of wtever comu frm evrybdy.Pls rspct my rqst.Ul knw d rson aftr"

Natanggap mo ang text na ito isang araw mula sa asawa mo. Ilang beses mo itong binasa. Gusto mong sabihin na wrong send na naman ito. Ngunit, ang puso mo'y nagsasabi ng totoo. Para talaga sayo ang text na 'to.

Nanahimik ka. Hindi mo alam kung ano ang gagawin.Totoo ba 'tong text na 'to or joke lang? Marami kang tanong ngayon sa sarili mo. Kamakailan lang masaya kayong nagcha-chat ng asawa mo. Wala kang maala-alang dahilan kung bakit nagtext ng ganon ang iyong asawa. May kasalanan ka ba? Kasalanan ba kung tanungin mo siya ng isang sensitibong tanong? Iyon kaya ang rason kung bakit nakikipag-cool-off siya?

Naalala mo minsan binuksan mo ang Yahoo mail ng asawa mo. May bigla na lang nagpa-pop-up na mga IM mula kay Mr. XXX. Si Mr. XXX, ayon sa kwento ng asawa mo ay isang virtual friend niya. Cyber BF daw niya noong araw. Isang OFW na nakabase sa USA. Ni minsan daw di pa sila nagkita. Pero marami na daw silang pinagsasamahan. Inamin niya sayo na mahal na mahal niya ito. Pero noon 'yon. Hindi na ngayon.

Sinasagot mo ang mga IM ni Mr. XXX. Sabi ni Mr. XXX pauwi daw siya nitong darating na Enero para magbakasyon. Kailangan niyang malaman ang eksaktong lugar ng asawa mo para makapag-book siya in advance sa isang hotel na malapit sa asawa mo.

Naks! Mag-a-eyeball sila ng asawa mo? For what? Di ba break na sila? Ano ang gagawin mo ngayon? Haharangan mo sila? Bad image diba? Para kang kontrabida sa teleserye. Umuwi ka na lang kaya sa January para hindi sila mabigyan ng chance ng magkita. Ang weird. Alam kaya ni Mr. XXX na may asawa na ang ka-chat niya noon?

Isang araw, habang nagcha-chat kayo ng asawa mo, sinabihan mo siya tungkol kay Mr. XXX. Tinanong mo siya kung makipagkita ba siya ni Mr. XXX kung totoong pupunta ito sa inyong lugar. Walang pag-aatubiling sinabi niyang makipagkita siya. Nag-a-argue kayo ngayon. Di mo inakalang 'yon ang isasagot ng asawa mo. Bakit pa siya makipagkita nito? Diba may responsibilidad na siya? Di ba mag-asawa na kayo? Anupa't makipad-date siya sa iba? Sabi ng asawa mo, makipagkita lang daw siya ni Mr. XXX. Hindi naman daw ibig sabihin na dahil magkikita sila ay magsi-sex na sila.

Pwede ba 'yon? Bakit makipagkita ang asawa mo kay Mr. XXX kung wala na silang ugnayan? Ano ang gagawin nila pag nagkita sila? Saan sila magkikita? Paano kung main-love ulit ang asawa mo sa kanya? Iiwan ka ba niya?

Iyon ba ang dahilan kung bakit nakipag-cool-off sayo ang asawa mo? Ayaw na niya sayo? Hindi ka na niya mahal? Bakit ganon? Bakit kailangang mangyari 'yon? Bakit kailangan maghihiwalay kayo? Wala ka nang magagawa. Hindi mo na mapipilit ang asawa mo kung ayaw na niya sayo. Meron siyang sariling desisyon sa buhay. Kung mahal mo siya, irespeto mo ang kanyang desisyon. Kung mahal mo siya, ayaw mo siyang makitang nahihirapan na sa inyong pagsasama. Kung mahal mo siya, pakawalan mo. Di bale ng ikaw ang masaktan. Di bale nang maging isang sawi makita mo lang masaya siya.

--------------------------------------------------------------------------------------
Sa aking mga masusugid na mambabasa, ito po ay isang totoong kwento. Kayo na po ang magbigay ng conclusion kung ano ang nangyari after 3 days. Natapos po ang tatlong araw na hiningi ng asawa noong Lunes, Aug. 24, 2009.
--------------------------------------------------------------------------------------

Wednesday, August 26, 2009

Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (Part 3)

Sabi nila ang pagseselos ay hindi nagbubunga ng mabuti kundi kasiraan ng relasyon. Pero bakit nga ba ang tao ay nagseselos? Ibig sabihin ba nito’y wala siyang tiwala at pagmamahal? Ayon sa iba insecured lang daw ang nagseselos. Para naman sa iilan, natural na emosyon lang daw ang pagseselos. Nagseselos ka kasi nagmamahal ka. Alin ba ang tama? Magulo diba?

Okay. Balik tayo sa asawa mo. Dahil mahal mo siya at hindi mo siya kayang makitang masaktan dahil sa pagseselos mo nangako kang hindi na magseselos muli. Hindi mo na papansinin pa ang mga bali-balita at mga maling text na darating sayo. Ayaw mo na siyang makitang magdamdam. Pinili mong ikaw na lang ang masaktan. Dahil dito naging okay na ang lahat. Masaya na naman kayo. Hanggang isang araw habang kayo’y nag-uusap may sinabi siya sayo.

What if daw pagdating ng panahon hihingi siya ng freedom? Papayag ka ba daw. Ano daw ang gagawin mo? Nabigla ka diba? Dahil sa ‘yong pagkabigla hindi mo rin alam kung ano ang wastong isasagot. Nakapagbitaw ka ng masasamang salita. Sinigawan mo siya ng ganito:

“Bakit di mo na ako mahal? Kung ganun hindi na ako uuwi sa Pinas kahit kalian! Ayoko nang makita ka kahit anino mo! Isa kang taksil! Wala kang puso! Wala kang kaluluwa! Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba habambuhay tayong magsasama! Akala ko ba hindi ka padadala sa mga tukso! Akala ko ba faithful ka sa akin! Niloloko mo lang ako! Sino ang ipinagmamalaki mo?!”

Sa tingin mo ba hindi siya nasasaktan sa sinabi mo? Umiyak siya. Nagpaliwanag. Hindi ka naman daw niya iiwan. Ikaw daw ang buhay niya. Tanong lang daw ‘yon at hindi niya gagawin.

Sa palagay mo ano ba ang dahilan kung bakit naisip niyang itanong sayo ‘yon? Siguro may nakikita na siyang kapalit sayo. May iba na kayang tinitibok ang kanyang puso? Siguro sawa na siya sayo. Sawa na sa pagseselos mo. Sawa na sa pagmumukha mo.Nag-aalinlangan na siya sa relasyon ninyo. Baka iniisip niya na hindi ka matino dito sa Dubai.

Ano ba ang kadalasang dahilan kung bakit hihingi ng freedom ang isang tao? Nalilito ka na ngayon. Parang may masamang balak ang asawa mo. Hindi siya dating ganun. Kilala mo siyang isang mabait, malambing at mapagmahal na asawa. Isang asawang habambuhay kang mamahalin kahit anong mangyari.

Makalipas ang ilang buwan nabigla ka na lang sa isang mensahe.

Itutuloy..

Monday, August 24, 2009

Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (Part 2)

Ano'ng pakiramdam mo sa balitang ‘yon? Ang asawa mo nakipagbalikan na daw sa ex niya. Pinilit mong itago ang balita dahil ayaw mong lumaki ang isyu at dahil na rin sa pakikiusap ng taong nagbalita sayo. Ngunit, hindi mo kinaya. May mga gabing binabagabag ka ng masamang paniginip. Tinawagan mo siya. Ipinasa mo ang mga text na natanggap mo mula sa taong nagmamalasakit sayo. Nag-aaway kayo. Hindi daw totoo ang balita. Paninira lang daw ‘yon.

Ang taong nagti-text sayo ay close friend niya na may gusto daw sa kanya. Nagpahiwatig daw ito ng kanyang pag-ibig nang maraming bisis pero ito’y kanyang tinanggihan. Hindi daw niya alam na pilit pala nitong kinuha ang number mo at sinisiraan siya. Maniniwala ka ba? Sino kaya ang nagsasabi ng totoo? Sino sa kanila ang paniniwalaan mo? Ang asawa mo o ang taong hindi mo kilala? Siyempre, asawa mo. Di mo naman kayang tanggapin kung pagsasabihan ka niyang wala kang kwentang tao at nagpapaniwala lang sa mga paninira. Kailangan mong ipakita sa kanya na may trust ka sa kanya. Hindi ka naman siguro magdu-duda sa asawa mo kasi itong si kumag na nagbalita sayo ay humingi ng tawad matapos kayong mag-away ng asawa mo, matapos ang away nyong muntikan ng humantong sa hiwalayan. Galit lang daw si kumag sa asawa mo kaya niya nagawa 'yon. Nang tanungin mo kung bakit, ayaw niyang magpaliwanag. Ano kaya ang ginawa ng asawa mo't napilitang humingi ng tawad si kumag?

Sige na nga! Isara mo na ang isipan mo at huwag mo nang intindihin ang mga bali-balita. Think positive. Isipin mo na lang na mahal ka niya, may respeto siya sayo, at hindi ka niya kayang ipagpalit sa iba. Eh, paano kung pagkalipas ng ilang buwan ay may unos na namang dumating?

Isang araw nakatanggap ka na naman ng maling mensahe. Uminit na naman ang ulo mo. Anong paliwanag na naman kaya meron ang asawa mo? Para kanino kaya yon? Wala kang maraming tanong. Pinilit mong huwag palakihin ang isyu. Binalik mo sa kanya ang nasabing text. Maya’t maya nagreply siya. Para daw ‘yon sa pinsan niya. Nagtatanong daw kasi ito kung kumain na ba siya ng breakfast. Kaya iyon ang sagot niya. Ikaw daw kasi ang inisiisip niya lagi kaya palagi siyang nagkaka-wrong send. May mali ba kung magtitext ka sa pinsan mo? Meron! Lalo na kung intimate ang mga messages n’yo. Pero ayaw mo nang dumihan ang isipan mo. Ang mahalaga mahal na mahal mo siya. Naniniwala ka sa kanya at kahit kailan siya lang ang paniniwalaan mo. At hindi mo kayang makita siyang nasasaktan dahil sa pagseselos mo.

Pero ano ang gagawin mo kung ang asawa mo ay hihingi sayo ng freedom?

Itutuloy..

Friday, August 21, 2009

Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (Part 1)

Isa kang OFW. Ang asawa mo ay nasa Pinas. Kasal kayo pero hindi legal. Parang kasal-kasalan lang ang drama. May permahan ng marriage contract pero walang witness, walang ninong at ninang, walang pari at higit sa lahat hindi registered sa NSO. May commitment kayo sa isa’t-isa. Ayaw ninyong maghiwalay. Habambuhay kayong magsasama no matter what. May respeto sa bawat isa. Nagmamahalang lubos.

Dahil ilang milya ang layo sa bawat isa maraming mga arguments ang nangyayari. Selosan. Kesyo marami daw kayong pwdeng paglibangan dito sa Dubai. Ang dali mo lang daw makahanap ng paparausan. Para ka lang daw nagpalit ng damit. Iyon ang paratang niya sa ‘yo. Paratang na walang ebedensya. Alam mo kung ano ang totoo. Ni minsan hindi dumating sa buhay mo na ibaling sa iba ang iyong pag-ibig, ni kahit minsan di nangyaring naghanap ka ng kunting kaligayahan sa iba. Alam mo kung gaano mo siya kamahal at kaya mong magsakrispisyo para sa kanya. Ni wala siyang narinig kahit kunting tsismis laban sayo.

Sa kabilang banda marami ka ding mga doubts sa kanya. Nabatid mong nagseselos ka. Naramdaman mong may nangyayaring hindi maganda. Ano ang iisipin mo kung makatanggap ka ng text mula sa kanya na tinatawag kang “beibie”, “honey” na alam mo namang hindi ‘yon ang tawagan n’yo? Di kaba makapag-isip ng masama? Kung ang paliwanag niya ay wrong sent lang yon. Nakigamit lang daw ang kapatid niya. Para daw yon sa syota ng kapatid niya at nagkamali lang isend sayo.

Dahil hindi ka naniniwala sa paliwanag niya nag-away kayo. Oo na inamin mo na nagseselos ka lang talaga at naniniwala ka nang mali ng kapatid niya’yon. Pero ano ang iisipin mo kung may dumating na naman na text? At this time, hindi na mula sa kanya kundi mula sa isang tao na hindi mo kakilala, nagsasabing nagkabamabutihan na daw sila ng asawa mo at ang ex niya. Sa madaling salita nagkabalikan na daw sila.

Itutuloy..

Wednesday, August 19, 2009

The Fall of Real Estate in Dubai

Three years ago, real estate business had been considered the most feasible business in Dubai – now no more. Compared to trading industry, real estate is a dead business nowadays.

When I first joined Real Estate company I had witnessed how good the business was. I could imagine those busy days when people are flocking to our office to pay and sign the tenancy contract without negotiating the price or even ask for the total floor area – with or without services, furnished or unfurnished, with or without balcony. Our construction engineers are always on their good times. Every turnover of the projects to our clients promises them monetary freedom. Likewise, every successful business deal means huge commission to deceitful and greedy agents.

Money was not a problem to my boss. Just a click of the mouse or a drop call to his favorite agents he could make millions of bucks. There were several times that single transaction brought him 4M dirhams mark-up. As a result monthly charitable contributions were maintained and advances to employees were approved without a bit of hesitation.

The scenario had completely changed. The recession, like the plague of the ancient times, enveloped the whole world and destroyed our economy. Most people would ask, “does Obama help our economy?” Everyone is doubtful. But what is certain is that until this very time recession have not subsided. Everyone is affected. Many companies shut down. Many workers are repatriated. Businesses are not usual.

Today, real estate business is moving in a snail pace. Many apartments and commercial complexes are empty. Tenants are terminating their contracts without giving valid reasons. Our units in Al Barsha and Mirdif have dropped their occupancy rate by 30% in the last two months. I am afraid this will generate more losses in the future.

For those who are in the field of real estate like me, whom the banks refuses to grant any types of loan amidst numbers of references, hopes and prayers are the only powerful tool to survive.

Monday, August 17, 2009

Naiinis ako dahil..

Naiinis ako dahil ang baho ng amoy ng ka-opisina ko
Naiinis ako dahil ang tigas ng ulo ng assistant ko
Naiinis ako dahil ang ingay ng superior ko
Naiinis ako dahil palaging nagtelebabad si office boy na kabayan ko

Naiinis ako dahil ang bagal ng internet ko
Naiinis ako dahil wala akong maisip na i-post sa blog ko
Naiinis ako dahil walang improvement ang page rank ko
Naiinis ako dahil di na ako binibisita ng mga ka-blogs ko

Naiinis ako dahil gusto kung magpadala ng pera sa pamilya ko
Naiinis ako dahil wala ng laman ang wallet ko
Naiinis ako dahil gusto kong tumawag minu-minuto sa mahal ko
Naiinis ako dahil walang load ang mobile phone ko

Naiinis ako dahil ang gulo na sa bahay na inuupahan ko
Naiinis ako dahil maingay at palaging nagtatalo ang mga ka-share ko
Naiinis ako dahil sa init ng air-con nagkabungang-araw ako
Naiinis ako dahil gusto kong lumipat ng bahay pero di kaya ng konsiyensya ko

Naiinis ako dahil

GUSTO KO!

Sunday, August 9, 2009

Ano ang tama?

Friday, August 7, 2009 – dumating sa aming munting tahanan ang tatlong babae. Mga kaibigan daw ni Kuya Romy at sa amin muna titira pansamantala. Di ko na inalam pa kasi alam ko naman kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan dito sa Dubai. Matulungin si Kuya Romy. Mabait. At hindi ako tutol sa naging pasya niya. Alam ko kung gaano kaganda ang pakiramdam ng isang tumutulong.

Teka, sino ba sila at saang lupalop sila galing?

Ang tatlong babae ay magkasama sa trabaho sa Al-ain. Sabay na tumakas sa kanilang amo at nagpunta sa Dubai. Ayon sa kanila, hindi daw sila pinapakain ng kanilang amo kaya napagpasyahan na lang nilang tumakas. Salamat daw kay Kuya Romy na nagbigay sa kanila ng lakas para gawin ang hindi nararapat gawin.

Kilalanin natin ang tatlong babae na itatago ko lang sa pangalang si Lorna, si Aida at si Fe.

Si Fe ay nasa boyfriend na niya ngayon nakatira. Si Lorna at si Aida na lang ang nasa bahay. Wala silang ibang pwedeng puntahan. Walang ibang kakilala.

Ang problema:

Si Aida ay girlfriend pala ni Kuya Romy. Si Kuya Romy ay may girlfriend din na palaging bumibisita sa bahay – si Ate Amy. Nang nalaman ni Ate Amy na nagdala ng babaeng takas si Kuya Romy umandar ang kanyang pagka-tigre. Nagwala at gustong ipapulis ang dalawa. Sino ba naman ang hindi magseselos lalo na’t sa kama ni Kuya Romy matutulog si Aida?

Kaninang umaga kausap ko si Kuya Romy. Inusisa ko siya tungkol sa mga pangyayari. Nararamdaman ko sa kanya ang pagsisi. Hindi daw niya akalain na ang pagtulong niya sa iba ay magbunga ng masama.

Saturday, August 8, 2009

DXN Revitalizing



Yesterday, I had a great day with other DXN members. As planned, the BOM was held in DXN Office, Fujairah. And I was fortunate I was with the group. Thanks to Mariam who invited me to attend this gathering. Indeed, I learned lot of things that only DXN can provide. Socially, I came to know more people of different countries - India, UAE, Syria, Lebanon. I did have a chance to mingle with them and listen to their experiences in the business.

Actually, I had been a member of DXN way back 2005. But I was not actively participating in any BOM's. Yet, I am using its fantastic and healthy products. As a matter of fact, when I first arrived in the UAE, the first thing I did was to find the DXN office.

DXN has been part of my daily life. I joined this business not because of my desire of earning thousands of dollars but because I am very much concerned about my health.

For additional information about the products and marketing plan contact me or visit DXN DUBAI OFFICE at the address below:

DAEHSAN TRADING,
PO BOX: 50130
MEZZANINE FLOOR, HERMITAGE BLDING
EMIRATES BANK BUILDING)
NEAR) GPO, KARAMA - DUBAI.
TEL: 04 3342107
FAX: 04 3342106
EMAIL : jijith@dxn2u.com
CONTACT: MR. JIJITH NK

Monday, August 3, 2009

TRIP KO LANG

Trip ko lang i-post itong performance report daw mula sa aming Indianong Auditor. Wala lang..Trip ko lang talaga..Di ko kasi alam kung nagsasabi ng totoo ang Auditor o sadyang bias lang talaga siya. Ito pakibasa na lang..




Eh wala namang nangyari sa report na yan. Di naman lahat totoo. Di naman talaga ako magaling sa Ingles. Kaya lang niya nasabing magaling ako kasi Indiano siya..lolz