Sunday, August 9, 2009

Ano ang tama?

Friday, August 7, 2009 – dumating sa aming munting tahanan ang tatlong babae. Mga kaibigan daw ni Kuya Romy at sa amin muna titira pansamantala. Di ko na inalam pa kasi alam ko naman kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan dito sa Dubai. Matulungin si Kuya Romy. Mabait. At hindi ako tutol sa naging pasya niya. Alam ko kung gaano kaganda ang pakiramdam ng isang tumutulong.

Teka, sino ba sila at saang lupalop sila galing?

Ang tatlong babae ay magkasama sa trabaho sa Al-ain. Sabay na tumakas sa kanilang amo at nagpunta sa Dubai. Ayon sa kanila, hindi daw sila pinapakain ng kanilang amo kaya napagpasyahan na lang nilang tumakas. Salamat daw kay Kuya Romy na nagbigay sa kanila ng lakas para gawin ang hindi nararapat gawin.

Kilalanin natin ang tatlong babae na itatago ko lang sa pangalang si Lorna, si Aida at si Fe.

Si Fe ay nasa boyfriend na niya ngayon nakatira. Si Lorna at si Aida na lang ang nasa bahay. Wala silang ibang pwedeng puntahan. Walang ibang kakilala.

Ang problema:

Si Aida ay girlfriend pala ni Kuya Romy. Si Kuya Romy ay may girlfriend din na palaging bumibisita sa bahay – si Ate Amy. Nang nalaman ni Ate Amy na nagdala ng babaeng takas si Kuya Romy umandar ang kanyang pagka-tigre. Nagwala at gustong ipapulis ang dalawa. Sino ba naman ang hindi magseselos lalo na’t sa kama ni Kuya Romy matutulog si Aida?

Kaninang umaga kausap ko si Kuya Romy. Inusisa ko siya tungkol sa mga pangyayari. Nararamdaman ko sa kanya ang pagsisi. Hindi daw niya akalain na ang pagtulong niya sa iba ay magbunga ng masama.
Reactions:

5 comments:

poging (ilo)CANO said...

laging nasa huli ang pagsisisi..

ganito na ba talaga an buhay dito sa ibang bansa? maraming makikilala at makakasama na nagdudulot minsan ng hindi maganda.

A-Z-E-L said...

kung ang mga tinulungan nya ay expired ang visa o may kasong kinakaharap, MALI ang pagtulong ni kuya. dapat sana'y sa Embassy o sa Consulate sila pumunta dahil doon ay mayroong mas tutulong.

kung gf talaga ito ni Kuya Romy (maliban kay ate amy) tama lang na magtransform si ate amy into tigre!

minsan kelangang may magsalita para hindi na mas lumala... dahil sakaling mahuli ng pulis na nasa poder ni Kuya Romy si Aida na hindi naman nya asawa, pareho silang makukulong. alam na alam naman natin ang batas dito...

HARI NG SABLAY said...

naku hirap naman situation ni kuya romy,tumulong na siya siya pa napasama pero dahil npasama siya dahil dalawa gf niya,tsk... magagalit talaga si ate amy

MoreGames,Software and Gadged Review said...

i dont'know thats languange but i believe this blog have nice topic and vision...

isladenebz said...

Hmmm...medyo complicated ang buhay ni Kuya Romy. Hindi actually ang pagtulong nya ang problema. It's Kuya Romy.

Kung hindi ba nya girlfriend si Aida, tutulungan kaya niya sila?

If we're going to help someone, let's do it sensibly.