Monday, August 17, 2009

Naiinis ako dahil..

Naiinis ako dahil ang baho ng amoy ng ka-opisina ko
Naiinis ako dahil ang tigas ng ulo ng assistant ko
Naiinis ako dahil ang ingay ng superior ko
Naiinis ako dahil palaging nagtelebabad si office boy na kabayan ko

Naiinis ako dahil ang bagal ng internet ko
Naiinis ako dahil wala akong maisip na i-post sa blog ko
Naiinis ako dahil walang improvement ang page rank ko
Naiinis ako dahil di na ako binibisita ng mga ka-blogs ko

Naiinis ako dahil gusto kung magpadala ng pera sa pamilya ko
Naiinis ako dahil wala ng laman ang wallet ko
Naiinis ako dahil gusto kong tumawag minu-minuto sa mahal ko
Naiinis ako dahil walang load ang mobile phone ko

Naiinis ako dahil ang gulo na sa bahay na inuupahan ko
Naiinis ako dahil maingay at palaging nagtatalo ang mga ka-share ko
Naiinis ako dahil sa init ng air-con nagkabungang-araw ako
Naiinis ako dahil gusto kong lumipat ng bahay pero di kaya ng konsiyensya ko

Naiinis ako dahil

GUSTO KO!
Reactions:

5 comments:

batang'henyo said...

naiinis na din ako... kasi.. puro nakakainis ang nilalaman ng binabasa ko ngayon... wahahahha.... peace!!

A-Z-E-L said...

inis na inis ka naman... hindi halata dude! hahahaha!

don't worry magra-Ramadan na... mahaba na ang pahinga....

keep your cool...

DETH said...

relaks lang:D ngitian mo lang sila kahit naiinis ka na, sabay belat :P hehehe

poging (ilo)CANO said...

naiinis din ako dahil.....magpapasko na naman wala pa akong biyenan.nyahahaha..

Pinayblogger said...

Naiinis din ako kaya nakita ko blogpost mo dahil sinearch ko toh dala ng inis ko