Thursday, June 4, 2009

The why of cheating

Hello World! Unti-unti na namang nanumbalik ang aking lakas – lakas sa pagba-blog (baka ano na naman ang iisipin nyo). Alam kong marami na akong na-miss. Now, it’s time to make-up. I congratulate Chico. He has now a new job. Alam ko kung gaano siya kasaya ngayon. Nakapag-EB na rin pala si Jee, Azel at Pogi. Swerte naman ito si Pogi siya pa ang pinuntahan ng dalawang dilag sa Abu Dhabi.

Okay, enough for the ka-blogs update.

Siguro marami sa inyo ang nagtatanong kung bakit bihira na lang akong makadalaw sa page ko. Actually, hindi naman talaga ako namahinga, sadyang busy lang talaga ako. Naatasan kasi ako ng kompanya namin na maghanap ng papalit sa position ko. Para sa kaalaman ng lahat, ako po ay aalis na sa kompanya namin para hahanapin ko naman ang aking sarili sa iba.

At dahil Pilipino ako, minabuti kong bigyan ng pagkakataon ang aking mga kababayan na tulad ko napadpad din dito sa disyerto. Marami akong na-interview ngunit isa lang ang pwedeng papalit sa akin. Nakakaawa ang mga hindi pinalad. Nakakalungkot makinig sa pabalik-balik na kwento ng OFW – pilit nilisan ang Pinas para sa ikabubuhay ng pamilya.

Sa lahat ng mga na-interview ko, may isang aplikante na kakaiba ang kanyang rason kung bakit siya napunta sa Dubai. Isang 35-year old woman – wala ng asawa, walang anak, walang kinakasama, in short single and available. Ang rason ng kanyang paglisan sa Pinas - nangangaliwa daw ang kanyang asawa.

Napaisip tuloy ako. Bakit nga ba mangangaliwa ang isang tao? Sa aking palagay, siguro mangyayaring mangangaliwa ang isang tao dahil sa mga sumusunod:


Pagka-boring
Ito na marahil ang pinakatumpak na rason kung bakit mangangaliwa ang isang tao.Dahil nabo-bored, siya ay hahanap ng mga bagong kaibigan. At dito nagsisimula ang pag-usbong ng bagong relasyon.


Pagkalito
Minsan sa buhay may mga bagay na hindi natin maintindihan. Nalilito ka kung talaga bang mahal ka ng asawa mo or girlfriend mo. Dahil sa’yong pagkalito, hahanap ka ng panibagong relasyon na sa tingin mo iyon ang tama.

Dahil sa Pahintulot
Kung ang iyong asawa or girlfriend ay nangangaliwa na minsan at pinatawad mo hindi ibig sabihin na hindi na siya uulit pa. Ang pagpapatawad ang magbibigay udyok sa kanya na siyay gagawa pa nito dahil nasa isip na niya na handa kang magpatawad.

Pag-aalaga
Kung mali ang pag-aalaga mo sa iyong asawa or girlfriend darating ang panahon na mahihirapan siya sa inyong relasyon at dahil dito hahanap siya ng ibang tao na sa tingin niya marunong mag-alaga ng tama.

Paghihiganti
Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Don’t do unto others what you don’t want others do unto you.

Upang patunayan na kaakit-akit pa
Minsan feeling mo parang inaayawan ka na ng asawa or girlfriend mo. Feeling mo hindi ka na kaakit-akit sa kanyang mga mata. Dahil dito gusto mong patunayan sa iba kung totoo bang hindi ka na kaakit-akit.

Pagkakilig
May mga taong gusto lang talagang mag-enjoy sa saya na dulot ng pagkakilig. Nasisiyahan silang gumawa ng mga sekretong bagay – mga sekretong romansa.

I found no reason kung bakit pa mangangaliwa ang isang tao. Para sa akin wala akong makitang magandang rason para gawin ko ito. At tiyak na hindi ko ito gagawin at hindi ko rin mapapatawad ang nangangaliwa (huh!).

2 comments:

poging (ilo)CANO said...

ako single na single kaya pwedeng mangaliwa, kanan, pataas o pababa..hehehe..

congrats kay chico sa bago niyang trabaho..

nakipag EB narin po ako dati jan sa dubai...kina yana, jen, jee, at azel. nakasama rin si chico one time...

Life Moto said...

Nice info ito bro. add ko lang sa listahan bro ay yung attachment or care ng isang tao. minsan ay na mimiss understood kapag care sa kanya ang isang tao. for this reason ay napunta na doon ang attention nya. lalo nahulog ang loob, not knowing na nagkakasala na pala sya.
have a nice day bro!