Ito'y hindi isang promotion. Naisipan ko lang ipost ito dahil sa sobra akong naaaliw at natutuwa. Akalain mo ba naman, ang wikang Pinoy ay pilit ginagaya ng mga ibang lahi mabenta lamang ang kanilang bilihin. And take note, kahit saang palengke ka magpunta dito sa Dubai, wikang Pilipino ang bati ng mga tindero.
Ganito:
ANO GUSTO MO SUKI? TILAPIA? GALONGGONG? PUSIT? BANGOS? MAYA-MAYA? ITO TUNA SUKI BUHAY PA.
KURIPOT KA SUKI! GUSTO MO TAWAD?
Sa Karama, kung saan may marami populasyon ng mga Pilipino, halos lahat ng nakapaskil sa palengke ay mga salitang Pinoy. Kahit pa sa pag-imprinta ng business card ay sadyang pinagawa sa wikang tagalog.
Parang ganito:
5 comments:
Kahit dito sa Doha, ang mga tinderong Indyano, mga Irani at ibang mga Arab speaking nationals na nagtitinda ay marunong magsalita ng wikang Tagalog, isang kadahilanan dahil karamihan ng mga tindahan ng pagkain ay mga Pinoy ang parokyano.
may Suso?
bhundut tuwalya?
Bago sariwan nabaga and mora mora baga.. hahaha ano yan batangenyo?
naalala ko don sa wet market nuon mga indianiks puro nagtatagalog.. hehe.
nkakatuwa nga silang pakinggan kapag ginagaya nila ang ating wika. kahit dito sa abu dhabz mga tindero tgalog na rin ang salita...bili na kabayan kuripot..hehehe
@Pope,
Pinoy ang target market ng karamihang palengke kaya natuto na rin ang ibang lahi ng magtagalog.
@Bomz,
Awkward nga ang tagalog ng mga ibang lahi (Parang ako, baku-bako magtagalog kasi bisaya man gid..hehe)..Pero nakatuwa..
@Pogi,
Tama ka bro nakakatuwa talagang pakinggan ang ibang lahi na magtagalog. Tuwing makakarinig ako ng ibang lahi na magsalita ng tagalog proud na proud ako..lolz
haha lumalaki na ang pinas,lols
Post a Comment