Friday, July 3, 2009

Huwag kang matakot!

Sabi nila swerte-swerte lang daw ang buhay. Walang katiyakan. Maaring ngayon nasa ibabaw ka. Maaring bukas mahirap ka pa sa daga. Kung ngayon tinatamasa mo ang rurok ng kaligayan maaring bukas ay hindi mo maikukubli sa mata ng mapanuring lipunan ang iyong pagdadalamhati.

Parang buhay OFW. Hindi lahat siniswerte. Kung ang iba ay nagkaroon ng katuparan ang kanilang mga pangarap, ang iba naman ay masasabing sadyang ipinganak na malas. Pero hindi naman ako naniniwala that success is a pure luck, that in every man’s success there’s a woman behind, that success is ninety per cent good and 10% bad.

Katulad ng ibang OFW, ako’y may maraming pangangamba din. Natatakot ako na sa aking pangingibang bansa ay hindi ko maisakatuparan ang aking mga pangarap. Natatakot akong sa aking pagtatrabaho ay hindi ko mabigyan ng kasiyahan ang aking amo na may malaking tiwala sa akin. Natatakot akong sa aking paggising isang umaga ay masamang balita ang aking matatanggap mula sa Pinas. Natatakot akong sa muli kong pag-uwi ay aking madadatnan ang aking ina na nakalatay na sa banig at pawang ako na lang ang hinihintay. Natatakot akong sa aking pagbakasyon ay wala man lang madalang regalo para sa mga mahal ko sa buhay kundi ang sangkatutak na letrato ng aking pamamasyal sa iba’t ibang lugar sa Dubai. Natatakot akong maging isang OFW habambuhay.

Datapwat sa likod ng aking pangangamba ay nandoon pa rin ang lubos na pagtitiwala sa Kanya. Alam kong ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay naaayon sa Kanyang kagustuhan. Kaya hindi tayo dapat matatakot kung anumang dagok ng buhay meron tayo sa hinaharap. Ipaubaya natin sa Kanya ang lahat. Lagi nating tandaan that He is the way, the truth and the Life.

6 comments:

The Pope said...

Life is full of uncertainties, walang kasiguruhan ang bawa't hakbang sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Subalit tama ka kaibigan, sa pamamagitan ng determinasyon at pananampalataya sa Dyos, malalagpasan natin ang mga bawa't pagsubok sa buhay.

bomzz said...

Takot ako nun... kasi kita niyo naman ang bansa na pinuntahan ko at ibang mga OFW dito...

puno rin ako ng pangamba nuon... pero kong mag titiwala tayo.. di na tayo matatakot... just like my Favorite song sa church... namin..dito " GOD WILL MAKE A WAY. WERE IT SEEMS TO BE NO WAY'



Keep The Faith... tang tanan sir bai...Ruphael :)

Nice Entry...

poging (ilo)CANO said...

Magtiwala lang kay Big Bro.:)

Life Moto said...

Grabe naman bro, ang dami mong kinatatakutan. Alam mo bang sign of age yan. bakit kamo kasi hindi ka nag iisa :) Ganyan ata pag nagkakaedad na.

Pero tama ka bro dapat na magtiwala tayo sa Lord.. we have to face the giant or else forever tayo natatakot sa buhay.
have a nicce day.

AJ said...

txs for the buhay-bayaning inspirasyon bruder ruph...

may we all go a longer way pa..(better place and opportunities next time :D)

Anonymous said...

We have the same fears! Everytime aalis ako ng Pinas, lagi kong iniisip tuwing kayakap ko ang parents, it could be the last time I see them. Sabi nga ni Poging Ilokano, manalig lang kay Bro. Sabi nga dun sa nabasa ko sa bible, love. Because love conquers fears.