Monday, September 14, 2009

0 COMMENT PUBLISHED

Why do some posts have no comments? Is it because walang nagbabasa ng mga post na yon? Walang nag-iiwan ng comment? Or di kaya ayaw ng blog owner na i-publish ang mga comment na hindi kanais-nais?

Ikaw, matanong nga kita. Lahat ba ng mga comment na iniiwan ng ‘yong mga mambabasa ay pina-publish mo? Hindi diba? Madalas mababasa natin sa tuwing nag-iiwan tayo ng comment sa ibang blog may magpa-pop-up na message na ganito, “Your comment has been saved and will be visible after blog owner approval.”

Bakit kailangang may comment moderation? Sa palagay ko (sa palagay ko lang ha) kailangan natin ang comment moderation para hindi natin mailathala ang mga offensive comment mula sa mga taong walang magawa sa buhay kundi paninira lang. Sa mga taong hindi seryoso sa kanilang mga comment.

Sa totoo, lahat ng mga comment sa blog ko ay pina-publish ko. Wala akong tinatago kahit isa. Kahit na simpleng comment na “hi” ay pinagtuunan ko ng pansin na ipublish. Offensive man ang mga comment o mga walang katuturan pina-publish ko dahil ito ay mahalaga sa akin. Tulad halimbawa ng sumusunod:

Note: unedited
I WILL SHOW YOU IF YOU WANT A EGOTIC,SELFISH AND ARROGANT FILIPINOS,DICKHEAD,MF,single reason for hate them is for their dull and dump ass,mentality, they and their pork cooking in public oven,using office for the 3 times of brushing theirr teeth,obviously spitting and patting and creating sensual brushing and kissing in public,wearing lingeries only in public are common you bastard,if you want a debate,come to me staright,they are very slow and complaining,and very selfish, maybe some filipinos men are good,they and their dating culture,dumphead.

Posted by kalpen dubai2009 at January 20, 2009, 4:08 pm


Ito ay isang comment mula sa hindi ko kilalang tao sa post ko na may pamagat na “Filipinos are Incomparable”. Mababasa ninyo ang post na ito by following this link.

Sa palagay ninyo, kung kayo ‘yong nakatanggap ng ganitong comment ipo-post nyo kaya?

17 comments:

duboy said...

ay naku, amay isang tao sa dubai na panay ang comment sa mga blogs ko at naiinis siya sa positive na comments kaya comemnt back siya nang negative.

siempre, effort siya sa pagsusulat pero sadly, walang space s blogs ko ang mga mapanirang kasinungalian.

comment moderation talaga ang kelangan para masala ang tamang opinyon sa opinyong nakakasakit.

mr.nightcrawler said...

oo. coz when i decided to start a blog, i knew that people will have opinions. hindi man maganda lahat, kasama yan sa konsekwensiya ng pagbabalog dahil kasabay ng pagbubkas mo ng buhay mo sa publiko, binibigyan mo sila ng permiso para magisip at makaroon ng opinyon sa iyong post. hay...

Deth said...

HI!

ayan nagcomment ako...hehehe
naku dati nagmoderate din ako ng comment dahil may mga taong wala talagang magawa sa mga buhay nila kundi tumambay sa kuta ng iba tapos wala namang magandang sasabihin...pero tinanggal ko na rin dahil binigyan ako ng layang magpahayag kaya irerespeto ko rin ang opinyon ng iba at ang kalayaan nila...malaya pa rin naman akong sumang-ayon at di sumang-ayon sa anumang maging kumento nila...
pero so far wala na ko ulet mga bad comments na natatanggap, sana lang wala na...hehehe

Xprosaic said...

Hahahahhahaha...lahat naman napapublish ko kaso may isa rin akong comment na inedit at eventually dinelete at sinulat ko na lang na was removed because blah blah blah... hahahhahahah but mainly niremove ko since wala naman kinalaman yung comment sa post or sa akin bagkus tungkol sa ibang blogger na sinisiraan lang niya at yung mismong sinisiraan niya ay kusang nagrequest na tanggalin ko na lang yung comment para di na lumaki ang issue tungkol sa kanila... jejejejjeje... haba noh?! pero whatever the comment is ok lang naman sa akin not unless someone requested it to be removed kasi nga nakakasira ng ibang tao plus wala naman talaga yung kinalaman sa akin o sa post ko o sa blog ko... jijijijiji

Ken said...

saken, hindi ko na minoderate, pwede ko naman idelete if ever.

Pero maraming stalker minsan, marami din walang magawa sa buhay.

BlogusVox said...

I don't moderate unless it belongs to an old post. Pero nag de-delete ako pag spammer. Pero natutuwa ako doon sa comment. You see you can somehow peek into a person's character thru their comments. Katulad doon sa example mong comment, I can say that he/she is:
not thoroughly educated, probable a muslim and most likely of SouthAsian of MiddleEastern ethnicity.

Ruel said...

@Chico,
conceited pala yong tao na yon..sino siya?kilala ko ba?hehe how i wish titigil na siya sa pag-ko-comment sa post mo..Teka, para hindi na siya makapagcomment iblock mo siya..para hindi na makapag-open ng blog mo..

@mr.nightcrawler,
wala akong masabi..You have said it perfectly..

@deth,
i am happy for you..sana tuluy-tuloy na talaga na wala kang matatanggap bad comments..

@iamexprosaic,
naintriga ako noon ah..pakipublish naman..hehe ano kaya ang comment niya at bakit nag-appeal yong blogger na tangggalin mo?

@mr. thoughtskoto,
Oo nga pala no..pwede palang idelete..parang mas lalong nakakairita on the commentor's side pag denelet mo ang comment niya..hehe

@blogusvox,
tama ka..malalaman mo kung anong klaseng tao ang nagcomment by his choice of words alone..sa example, talagang muslim siya kasi hate na hate niya ang pork..

Anonymous said...

Hala, Ed! That's not a good comment! It borders into labeling!

Ako, I don't moderate my comments basically because most of those who comment in my posts are blogfriends. Hindi pa ako popular to get snide remarks! (Hehehe).

Why there are posts with 0 comment? Dahil hindi rin kasi nagcomment ung writer sa ibang blog.

2ngaw said...

Hehehe :D Langyang mga yan, ng dahil sa kanila eh nagmoderate ako ng comment pero binalik ko na uli...

Eto pa matindi pre, moderate ko na nga comment sa blog ko, eh nag comment naman sa ibang blog at ako ang sinisira, alam kong alam mo yang istoryang yan lolzz, makakahanap din sila ng katapat nila

Ruel said...

@Nebz,
You're right. ika nga nila kung ano ang itinanim mo ay siya ding aanihin mo..kaya tanim lang ng tanim ng comment sa ibang blog kung gusto mong may magkoment sayo..

@Lord,
I know the whole story..Sorry for that bro..Don't worry people like that will end up nothing but misery..hehe

AJ said...

iyan ang gusto ko sayo eh. u vividly see the details in blog many of us have overlooked.. i guess one of the reason of 0 comments is that, a blogger him/herself is 0 in visiting other blogs.

or it is a payperpost one. rgds.

Ruel said...

yes..tama ka dyan bro..kung hindi talaga bumibisita ang blogger sa ibang blogsites, 0 comment talaga ang post niya..buti na lang binibisita kita..hehe

The Pope said...

I don't moderate my comment and I never delete any comments I received.

Just like my posts, all comments will always be a part of my blog, they will form part of my blog testament - I will let other people know that during my blogging career, somebody has tried to put me down to no avail by posting cynical thoughts about my blog.

Kablogie said...

For me kaya kong tanggapin ang mga negative comments, or kung kailangan nila itama ang pagkakamali ko tatanggapin ko..kasi ang blog eh exchanging ideas ito..pwede yun opinion mo eh mas maganda sa opinion ng iba or kabaligtaran..pero kung mga foul languange na yun sinasabi eh syempre di ako papatalo..kung alam ko na tama ako fight! fight! fight! kahit maubos pa ang pages ng blog ko di ko sya tatantanan! hehehe

=supergulaman= said...

ummm...sa akin lang din...madalas bumibista talaga ako...pero madalas din hindi ako nagkokomento... walang dahilan yun...basta gusto ko lang...

sa aking blog...walang moderation...violent reactions sa mga pinagsusulat ko...ayuz na ayuz lang sa akin yan... kahit walng koment ayuz lang din...hindi ako nagkokoment dahil nagkoment ka sa blog ko...nagkoment ako kasi gusto ko...walang dahilan... ;)

pero spamming ng links...i-dedelete ko yan... :D

A-Z-3-L said...

wala din akong comment moderation.

i let the world know kung ano ang gustong sabihin ng iba! kung foul man o hinde... i don't care much.. character nya un at hindi character ko. divah?

Ruel said...

@Pope,
I salute you..

@Kablogie,
Para ka palang si Mike Enriquez bro..hindi ko kayo tatantanan..tama ka naman bro..you're fair and square..hehe

@Supergulaman,
isang ulirang blogger ka supergulaman..ngko-comment ka dahil gusto mo..which is yon ang dapat..sana..

@Azel,
Walang pakialaman ika nga..saludo din ako sayo! Who cares diba?