Naalala ko noong una kong punta sa isang internet café dito sa Dubai. Noong bago pa lang ako dito. Kasama ko ang kapatid ko noon. Maaga pa yon. Alas otso pa ng umaga. Kunti pa lang ang tao sa internet café.
May isang Pinoy na agaw pansin. Ang laki ng boses. Nakikipag-chat sa asawa niya. Parang pagmamay-ari niya ang café. Dinig na dinig namin ang usapan nilang mag-asawa. Si kabayan parang walang pakialam. Akala siguro niya hindi kami mga bisaya kaya hayon walang preno-preno ang bibig.
Ito ang usapan nila. Pasensya na, Bisaya ito pero subukan kung i-translate sa Tagalog.
Lalake : Unsa na? Nadawat na nimo ang kwarta?
(Kumusta na? Natanggap mo na ba ang pera?)
Babae : Oo uy. Unsa man to imong gipadala nga gamay raman kaayo?
(Opo. Bakit ang liit ng padala mo?)
Lalake : Kabalo ka bitaw nga gamay ra kaayo ko ug sweldo dre. Magbayad pa god ko sa balay. Librehon naman lang gani ko ug pagkaon ni Pareng Oscar.
(Alam mo naman ang liit ng sahod ko. Nagbabayad pa ako sa bahay. Nililibre na nga lang ako ni Pareng Oscar sa pagkain.)
Babae : Kinsa ba na si Oscar?
(Sino ba yan si Oscar?)
Lalake : Bag-o nako nga kaila. Taga Cebu gihapon. Taga Carcar.
(Bago kong kakilala. Taga Cebu din. Taga Carcar)
Babae : Daghan na diay kag amigo diha. Maau para dili ka kaayo ma-homesick.
(Marami kana palang kaibigan diyan. Mabuti para hindi ka masyadong ma-homesick.)
Lalake : Mao pud lage. Buotan man si Pareng Oscar.
(Oo nga. Mabait si Pareng Oscar.)
Babae : Taympa, unsa manang niturok sa imong ngabil?
(Teka, ano yang nasa labi mo?)
Lalake : Hain god?
(Alin dito?)
Babae : Kana gong nibotoy?
(Yang tumubo.)
Lalake : Ambot oi ug unsa ni.
(Ewan ko kung ano to.)
Babae : Pagtog-an ra god sa tinuod Perio! Namabae ka diha ba? STD na!
(Magsabi ka nang totoo Perio! Nambabae ka dyan? STD yan!)
Lalake : Paghilom ra god diha! Nitokar napud nang imong pagkaselosan da!
(Tumigil ka nga! Umandar na naman yang pagkaselosa mo!)
Babae : Kay ngano dokerok ka baya!
(Bakit? Di ka naman mapagkatiwalaan diba?)
Lalake : Kaw no wala ka gyod gasalig nako. Wala na man gani koy kwarta unya mamabae pa ko?
(Alam mo wala ka talagang tiwala sa akin. Wala na nga akong pera dito mambabae pa kaya?)
Babae : Nakadungog ra ba ko nga uso kaayo na diha sa Dubai.
(Naririnig ko usung-uso yan diyan.)
Lalake : Naunsa kana man tawon Bebe oy. Kabalo ka ba nga mag-rosaryo ko tulo sa isa ka adlaw para lang dili matental dire?
(Ano bang nangyari sayo Bebe? Alam mo bang nagro-rosaryo ako tatlong beses isang araw para lang hindi ako matukso dito?)
Babae : Ayaw god pagsinggit diha. Pakaulaw ka raman diha sa mga tao.
(Huwag ka ngang sumigaw. Mahiya ka naman sa mga tao diyan.)
Lalake : Wala na silay labot. Dili bitaw na sila makasabot ug bisaya.
(Wala silang pakialam. Di naman sila nakakaintindi ng bisaya.)
-end-
Saludo ako sa pananalig ni kabayan. Sana hanggang ngayon patuloy pa rin siya sa kanyang pag-rosaryo. Ikaw, ano ang ginagawa mo para maiwasan ang tukso?
“You may be deceived if you trust too much, but you will live in torment if you don’t trust enough” – Frank Crane
17 comments:
Totoo kayang nagrorosaryo si Lalake? Hindi ako naniniwala.
Anung ginagawa para maiwasan ang tukso?
Manoon ng porn lolz
Ahahahhahahah yoko madumi nasa isip ko pag sinabing nagrorosaryo... jijijijiji... parang nagpeplay station lang... jijijijiji... basta yun na yun... hahahhahahhaha
Grabe naman!Tatlong beses isang araw, halata namang palusot lang lolzz
parang eksena sa telenovela...
kung ako yaong lalaki, pag tinanong ako ng misis kung nambababae ako, sasagot ako ng deretsong HINDI (kung hindi talaga) -- hindi yung paligoy-ligoy pang kesyo "wala kang tiwala sa'kin bebe at nagrorosaryo ako churva-churva" nagmumukha lang s'yang may tinatago kaya nililihis ang usapan ^_^
prangka at malinaw dapat ang usapan lalo pa't magkalayo sila. isa pa, mahal ang long distance calls.
kung ako naman si bebe, hindi ako praning... hindi ako magpapaka-war freak ng walang proof. para kasing sumugod s'ya sa gera ng alang baril ^_^
bago pa lang nag-abroad si mister dapat nilinaw na nila sa isa't-isa ang expectations nila.
sayang ang long distance calls kung mag-aaway lang sila, kaloka!
at well and good kung prayerful nga si mister talaga... ayos din kung pinapanatili nilang exclusive ang relasyon nila -- I support monogamy!
nga pala, Hi Ruel... matagal na rin ^_^ kamusta!
sali ka sa International Bloggers Community kung may oras ka.
eto yung link sa article ko
http://violetauthoress.blogspot.com/2009/09/silip-on-international-bloggers.html
salamat-salamat
Haynaku...libog lang yan..manuod na lang ng Kambal sa Uma para mawala ang libog hehehe..
Madalas akong marinig ng ganyang eksena sa net cafe, nung wala pa akong sariling pc sa bahay i used to frequent internet cafes and during their voice chats, i can't help but overheard their conversations hehehe, mula sa loving-loving hanggang sa pag-aaway at pagseselosan.
Thanks for sharing this story. happy weekend and happy holidays.
hahahaha! 3x a day??? weeeehhh??? di nga???
exagg naman si kabayan...
sana sinabi na lang nyang nakagat ng niknik o surot! lulusot pa sana un! hehehehehe!
ako para makaiwas..kumakanta!
kayrami nang winasak na tahanan,..
kayrami nang matang pinaluha..
kayrami nang pusong sinugatan..
o tukso layuan mo ako..
hehehe baka naman rosario ang name nung chikababe ni lalake, na kanyang nirorosaryo 3x a day. ( malaswa ba ang wording, sorui)
Nag rorosaryo? Baka Rosario ang pangalan. O di kaya may "idad" na kaya going straight na sya. Soledad naman ang pangalan.
ayosss.. siya pa lang ang nakilala ko dito sa Dubai na 3x mag rosaryo sa isang araw.. mas exag, mas di kapani panwala...
Akala ko bro another jokes ito matatawa na sana ako kung sinabi mong si pareng Oscar ay si mare pala hahha.
Well back to the story, common yang ganyan mga pagdududa. pasaolamat tayo pagnagdududa si misis. or else baka tayo ang manduda sa kanila.
@Anonymous,
eh sabi niya..baka totoo naman..hehe
@Jepoy,
nasaan yong porn?hahaha
@IamXprosaic,
medyo nga..hehe mas marumi pa sa playstation..lolz
@Lord,
haha..talagang ayaw niyong maniwala ha..lolz
@Violet,
tumpak!wala na akong maidagdag..meron akong oras..hayaan mo puntahan kita..
@Kablogie,
favorite mo pala ang Kambal sa Uma..mabuti pa nga para mawala ang libog..
@The Pope,
it's a common scenario Pope..ilang beses na rin akong nakarining ng ganito..Happy eid!
@Azel,
walang ligtas si kabayan sayo ha..hehe
@Chico,
okay lang hindi malaswa..hehe siguro tama ka nga..baka nga rosaryo ang name..haha
@BlogusVox,
Hehe..pareho kayo ni Chico..Kawawa naman si kabayan..walang kawala..haha
@batanghenyo,
malay mo baka nga totoo..hehe
@Jess,
advance ng kunti ang mind mo bro..hehe siguro nga mas mahirap kung tayo ang magseselos sa kanila..hindi katanggap-tanggap..parang kulangin tayo ng dahilan..
Nyahahahhaha hay naku... di na ata kelangan pang iexplain dami nang mga haka haka dito sa comment eh... jijijijijiji
hahaha! 3x a day magrosary! whew! pero baka nga naman totoo...
para maiwasan ko ang tukso, i don't go to places na may mga tukso. dahil para sa akin, ang nagpupunta sa langgaman, nakakagat ng langgam.
thanks sa post mo. natawa ako (at natuto ng Bisaya).
Ang kulet nito. Hehe! Laugh trip to the highest level. :D
Lumang tugtugin na ang palusot ni kuya. Haha! Pero malay naman natin. Pero parang hindi rin. Whatever! :p
Yung rosaryo, siguro exaggerated na lang ni lalaki 'yun pero the fact na nag-o-online pa 'yan sa babae eh mahal pa n'ya. p'de namang 'di na s'ya magparamdam na lang 'di ba, pero and'yan pa rin s'ya para kay babae.
Post a Comment