Tuesday, September 22, 2009

I am sorry..

Are you fond of sending quick sms to your lover(s) and friends?

When I purchased my first phone, nababaliw ako. Di ako nakakatulog tuwing gabi. Naaaliw kasi ako sa pagti-text. Feeling ko ang saya-saya ng buhay. Kahit sino tini-text ko. Kahit hindi ko kilala. Kahit mga number na makikita ko sa sasakyan tini-text ko. Pag-nagreply sila natutuwa ako.  Para bang ang dami kong kaibigan. Ang daming taong kumakausap sa akin.

Pero marami din akong mga kalokohan, mga pagkakamali na pinagsisihan ko.

Dahil naging adik ako sa text, nagkunwari akong si Mike. Tinext ko yong ka-klase ko ng elementary. Nasa college na kami noon. Magkaiba kami ng school. Maganda kasi ang kalagayan ng pamilya niya kaya nasa  unibersidad siya. Mabait siya. Anak siya ng dati kong teacher sa elementary. Napaka-strict daw ng mama niya kaya hindi pa daw siya nagkaroon ng boyfriend. Tuwang-tuwa siya sa akin. Ang ganda daw ng mga text ko. Nakaka-inlove daw. Super bait ko daw at super lambing. Kung ako lang daw yong maging lover niya tiyak daw na walang oras na hindi siya masaya.

Swerte ko naman. May na-iinlove sa mga text ko. Hindi niya alam na ang mga text na pinapadala ko sa kanya ay puro collection ko galing sa mga ka-text ko. Nahulog ang loob niya sa akin. Naaawa ako. Ang laki ng expectation niya. Tawag ng tawag sa akin. Hindi ko naman sinasagot kasi pag sinagot ko siya malalaman niyang si Mike ay si ako - kapitbahay niya at kaklase ng elementary.

Ilang buwan ang nagdaan at para kaming totoong magsyota - magsyota na ni minsan  hindi man lang  nagkaharap. Hanggang isang araw bumulaga ang text sa akin na ganito, "Bwisit ka Ruel! Bwisit!"

Nahihiya ako sa kanya. Tuwing nagkikita kami parang gusto niya akong sunugin sa mga tingin niya.  Umalis ako sa Pinas na hindi man lang nakapag-sori sa kanya. Kaya ngayon, gusto kong mag-public apology. Sana nagbabasa siya ng blog ko para malaman niyang sincere ako sa pag-so-sorry ko.

I am sorry!
-0-



We waste time looking for perfect lover, instead of creating perfect love.

Every part of me wants you, maybe because I was made for you.

Love is like a mountain, hard to climb, but once you get to the top the view is beautiful.

If in the dark you lose sight of love, hold my hand and have no fear..we will be together forever..

20 comments:

A-Z-3-L said...

parang song ung last line ah... "I WILL BE HERE..."

bat kase sa dami ng pwede mong gawin eh nagpretend ka pa to be someone else! ayan tuloy muntik ka ng masunog! lolz!

bad ka! pinaglaruan mo ang feelings nya... pero sana kung sakaling nababasa nya to, she will have the heart to forgive you...

matanong kita, ganyan din ba ang feeling nung bago ang i-phone mo? hahahahaha!

2ngaw said...

Maski sa akin mangyari yan pre, siguro wala akong mukhang ihaharap sa kanya...

Pero ang mahalaga pre, sana natutunan mong bihira lang mangyari ang ma inlove ang isang tao sa hindi nya pa nakikita, nangyayari siguro minsan, pero kalimitan sa teleserye lang o kaya sa fairytale...

At hangad kong kapag nabasa nya ang entry mo ay bumalik kayo sa dati at maging maayos ang lahat.

Ruel said...

@Azel,
Eh wala akong magawa noon. Basta excited lang talaga ako magtext..Bata pa ako noon, ngayon height na lang ang bata..haha

Hindi naman talaga ako bad. Sadya lang mapaglaro ang tadhana at wala akong intention na ligawan siya..lolz

Sa iphone? Wala akong iphone at saka hindi na ako nag-ti-text ngayon..Madali na kasi akong mapagod..haha

@Lordcm,
Sana nga pre, mabasa niya 'to. Wala lang kasi siyang lover at hindi pa ni minsan nagkaroon kaya ganun na lang siguro ang excitement din niya.

JΣšï said...

isa ka palang adik!
adiiiiikkkkkkk!! hahaha!!

bakit ka kase nagpretend? malay mo mahalin ka din niya ng ikaw noon! diba? hehehe... aha! at kaya cguro wala ka pang gf/asawa hanggang ngayon dahil jan...lolz!!

kahit naman cguro ako yung babae ganun din ang mararamdaman ko...hindi lang pagsunong ang gagawin ko sau...nyahahaha!!

kung nagbabasa man siya ng blog mo sana naman mapatawad ka nya at magkaayos na kayo...

teka...may bf or asawa na ba sya ngaun? kung wala pa pde mo pa siyang ligawan...hehehe...

Ruel said...

@Jee,
I am single until know because I want to be PURE..haha Wala pa rin siyang asawa hanggang ngayon kasi hindi pa siguro niya nahanap ang kanyang soulmate. Kung sino man ang soulmate niya sure akong hindi ako..haha Bakit? kasi hindi ko siya soulmate..LMAO.. Joke lang!

Deth said...

tsk tsk tsk...nasabihan ka tuloy ng BWISIT! kase naman bad talaga yung ginawa, oh well at least ngayon e nagsosori ka na...

uu nga tama yung suggestion ni jee...baka naman kayo ang tinadhana..:P

Ruel said...

Oo nga bad talaga yon..

Uulitin ko..Hindi kami ang soulmate kasi meron na akong soulmate..haha

Xprosaic said...

Ahahahhahahaha hala ka! jijijijijiji... ako kapag di nagpapakilala na kakilala ko di ko nirereplyan jijijiji... at di rin ako nageentertain ng mga anonymous... jijijiji... kaya di ako naloloko... jijijijiji

Ruel said...

@IamXprosaic,
Kaya pala noong tinitext kita wala kang reply, ayaw mo palang magpaloko..hehe

poging (ilo)CANO said...

ganyan talaga pag unang celfon.masaya...masarap pindot pindotin

parang first time ba!hehehe

Kablogie said...

Aha! Siguro kaw din ang nanloloko sa sms ko na nanalo ako ng P950,000.00 hahahaha....

chico said...

hahaha, cool! mahilig din ako sa ganyang gimik dati, pero ngayun hindi na.matured na ko ng koni.

parang na imagine ko yung sori mo na parang yung sori ni gma...i am sori! (biglang hagod paitaas sa dulo! heheh)

ok lang yan, we learned from our mistakes. sana mapatawad ka na niya (well, dont take it from me, hindi ako magaling mapgapatwad, comment ko lang yan, ehehhe)

cmvillanueva said...

'yan ang epekto ng cellphone..

kahit di nakikita, nagkakainlaban... lolz!

Ruel said...

@Pogi,
First time ba ka mo? First sa ano?hahha

@Kablogie,
Hindi ako yon..basta hindi ako..i am not guilty..LMAO

@Chico,
Ahem..hindi pa naman matanda..kunti lang..haha

sori talaga ni gma ang ginaya ko..haha I am just hoping napatawad na niya ako..It was a decade ago..

Salamat sa payo mo este sa comment mo...hehe

Ruel said...

@Batanghenyo,
Aha..nainlab kana pala dati..Siguro mahilig ka rin magtext dati..haha

BlogusVox said...

Kung ayaw masunog, huwag mag laro ng apoy. Kung ayaw mapaso, huwag magsindi ng posporo.

Pero nakaka-akit talaga ang apoy. Misteryoso sa mga batang katulad ko noong araw.

Ruel said...

@BlogusVox,
Tama ka..mabuti na lang di ka nasunog sa paglalaro ng posporo noong bata ka pa..haha

RHYCKZ said...

padaan po...nice post...nakrelate ako...kaklase ko din nung elementary un, ang kaibahan naman ng sakin pangit yung girl nung bata but then ng lumaki, lumaki din, i mean gumanda pala...kaya hayun ng makita ko tulo laway at ta....talsik pa.kaya nagpanggap ang lolo mo na ibang tao kase baka malaman nya na ako yun...e laitero ako nung elemntary ako...baka isnabin ako...heheheh

RJ said...

Whew! Style. Tsk, tsk, tsk!

Ang tagal kong nag-isip kung ano ang kaugnayan nitong nasa huli: apat na makahulugang mga pangungusap sa "I am Sorry". Hindi ko napansin kaagad ang -O- na ginamit mong panghiwalay. I am sorry.

Ruel said...

@Scofield Jr.
Thanks for coming..Anyway, yon bang babaeng yon naging asawa mo?

@RJ,
Sa pag-iisip mo ba'y nakakita ka ng kaugnayan?Meron yang kaugnayan kasi..Abangan na lang sa susunod na post..hehe