The following is the full text of the statement of Satan addressed before his angels during the recent Devils Convention held on 30th of September 2009 at the Hell Convention Center.
Sa aking mga alagad, salamat sa pagdating sa taonang convention na ‘to. Lubos kong kinagagalak ang inyong pagdating. Nais kong magpasalamat sa lahat ng inyong suporta para sa ating adhikain. Natutuwa ako sa tagumpay na ating natamo sa taong ito.
Napalubog ko ang isang barko sa Indonesia noong January 11, 2009 lulan ang 246 na tao. Hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang kanilang katawan. Sa Australia, 170 ka tao ang patay nung sinunog ko ang kanilang kakahoyan noong Febuary 11, 2009. Patay din ang 50 ka tao noong February 15, 2009 nang pinasabog ko ang isang eroplano sa New York. Noong March 6, 2009, pinatay ko ang butihing maybahay ng Prime Minister ng Zimbabwe. Pinalabas kong car accident lang ito. Noong April 5, 2009, isang malakas na lindol ang pinakawalan ko sa Italy na pumatay ng 300 ka tao.
Una kong pinalaganap sa Mexico ang Swine Flu noong April 2, 2009. Marami na ang namatay. Hanggang ngayon laganap pa rin ito sa buong mundo kahit sa maiinit na lugar ng Middle East. Binisita ko ulit ang Indonesia noong May 19, 2009, at pinasabog ko ang isang military plane na pumatay ng kulang isang daang tao. Sa Brazil, pinasabog ko din ang Air France lulan ang 228 katao. Walang nailigtas kahit isa. Noong June 29, 2009, nagtagumpay akong pasabugin ang isang Yemini plane lulan ang 154 katao.
September 2, 2009, muli kong nilindol ang Indonesia, 34 ka tao, patay. September 26, 2009 isang malakas na bagyong Ondoy ang aking ginawa para lubugin ang Maynila at ang mga karatig probinsiya nito. Maraming namatay. Maraming nawalan ng tahanan. Maraming nagutom. Hanggang sa araw na ito patuloy pa rin ang retrieval operation.
Gusto kong mag-away ang mga tao nang sa ganun isa-isa silang masira at magtanim ng poot sa kanilang kapwa. Tingnan ninyo ang ginawa ko sa mga OFW. Pinagawa ko ng artikulo si Arvin upang siraan sila. Tingnan niyo naman kung ano ang nangyari. Halos padalhan na ng Bazooka ng mga kablogs si Arvin. Inatasan ko rin si Leo na siraan at gawing miserable ang buhay ni Chico. Isang magaling na hacker si leo kaya matagumpay niyang nagawa ang mga utos ko. Malaki ang naitutulong niya sa akin kaya balang araw bibigyan ko siya ng magandang posisyon sa aking kaharian.
Subalit hindi pa ako lubusang nagtagumpay.
Kahit anong trahedya ang ginawa ko sa mundo, nanatili pa ring matatag ang mga tao. Malakas ang kanilang pananampalataya sa aking kaaway. Lalong tumitingkad ang kanilang pagmamahalan. Akala ko nagtagumpay na ako nung binagyo ko ang Pinas. Pero tingnan nyo kung ano ang ginawa ng mga tao. Ang buong mundo ay nakikiramay, nagbigigay ng mga tulong pinansyal. Muli na namang babangon ang Pilipinas. Hindi ko matatanggap na matalo. Ako ang dapat kilalanin na makapangyarihan at hindi ang Dios.
Kailangan kong ilayo ang mga tao sa Dios nang sa ganun mawala ang kanyang mga kakampi. Sa ganitong paraan madali ko siyang matatalo. Pero paano ko ito gagawin? Sa tuwing gumagawa ako ng mga trahedya, hindi ako ang hinihingan ng tulong ng mga tao kundi ang Dios. Dumadami ang mga taong pumupunta sa simbahan tuwing may sakuna, patayan, at problema. Hindi ko maaring diktahan ang mga tao habambuhay. Kaya isang magandang taktika ang aking naisip.
Gawin ninyong sobrang busy ang mga tao nang sa ganun mawalan sila ng panahon para sa Dios. Lumikha kayo ng mga magagandang musiko na kahihiligan ng mga tao. Mga musikong maging parte ng kanilang buhay. Patugtugin nila ito kahit saan sila magpunta, kahit nasa gitna ng trapiko, kahit nagbibiyahe, kahit sa kubeta. Sa ganitong paraan hindi nila maiisip ang kanilang Panginoon.
Huwag ninyong hayaang mainip ang mga tao. Bigyan ninyo sila ng mapaglibangan. Gawin ninyong masaya ang bawat araw nila nang sa ganun hindi nila maaalala ang kanilang Panginoon.
Palaguin ninyo ang mga kompanya nang sa ganun hindi maghihirap ang mga empleyado. Hikayatin ninyong bigyan ng mga amo ang kanilang mga empleyado ng bakasyon, uminto sa sahod, bonus at iba pang mga benefits nang sa ganun hindi sila maghihirap. Sa ganitong paraan hindi nila maalala ang Dios.
Hayaan ninyong magmahalan ang bawat miyembro ng pamilya. Busugin ng mga magulang sa pagmamahal ang kanilang mga anak. Ibigay ang kanilang mga luho. Hayaan ninyong matatag ang samahan ng mag-asawa. Sa ganitong paraan maging matahimik ang kanilang buhay at laging masaya. Hindi naiisip ng mga tao ang Dios kung sila ay masaya.
Maraming Salamat.
Paalala: Ito'y isang kathang isip lamang ng inyong lingkod.
18 comments:
nice one... kala ko meron tlga devils convention :)
Ouch..half fiction half tootoot pala ito..
fiction pero totoong totoo..
sana konti lang ang attendees ng convention na ito...
Nice try by the devil, kaya lang hindi pa rin sya nagtagumpay, ang mga pinagdadaanang pagsubok ng mga tao mula sa iba't ibang kalamidad at iba pang pagsubok ay lalo lamang nagpatibay ng pananampalataya ng mga mamamayan sa Dyos, na sa pagsapit ng unos at mga suliranin ay lalong kumakapit sa pananampalataya sa Panginoon ang mga Pilipino.
Sorry sa iyo Taning hahahaha.
Nice post bro.
Sayang kala ko totoo... sasali sana ako... jijijijijijiji... jowk!
@Roanne,
Thank you..There's no such thing as devils convention..it's just a product of my disturbed imagination..hehe
@Kablogie,
Bakit ka nasaktan?hehe
@Batanghenyo,
Tama ka..fiction na hango sa tunay na pangyayari ng buhay..at talagang nangyayari ito..
@Pope,
Thank you so much..
Sorry for Taning talaga..We are created by God in His likeness..This is one reason why He loves us so much and He will never forsake us..
@IamXprosaic,
Sus Mio! Ayaw tawon pag-apil-apil kung naa man gani kay dili ka gyod malangit..hehe
haha, ang galing ng pagkagawa ng convention na ito, next time, good guys convention naman ah. hehe
nasali pa dito si... haha
Ayos itong convention na ito... good work...
Hindi ako nasaktan...yun alaga kong palaka ahahaha
@Mr. Thoughtskoto,
Salamat at nagustuhan mo..Subukan kung gawin ang good guys convention later..hehe
Wala akong choice, feeling ko kailangang isali ko siya..ahem..
@Buddy,
Thanks a lot..
@Kablogie,
Akala ko ikaw ang nasaktan..pakisabi sa alaga mong palaka, "I am sorry"..
thank god di ako invited sa convention nato parekoy. haha. so good guys convention ata ako nakalista. hehe
Ang sagot sa entry mo ay nasa pahina ko, maikli pero alam ko yun lang ang kasagutan...
wag nating kalimutan magpasalamat sa lahat ng natatanggap natin mula sa Kanya, at ang mahalaga wag natin Syang kalimutan kahit sa anong klaseng panahon...
hay naku buti nalang ako invited sa angels convention nun time na yan LOL!
Nice post, Ruel.
I agree. Sa oras ng kagipitan, sa Diyos tayo lagi kumakapit. Kapag we are in excess, saka natin nalilimutan ang Diyos.
Kaya lang, I don't agree doon sa last paragraph mo about family dahil para sa akin, ang pamilyang nagmamahalan at matatag ang samahan ay dahil nakasentro sila sa Diyos. So God first, and then family togetherness -- not the other way around.
Kailan nga ba ang convention ng mga santo at nang maka-attend? Hehe.
Akla ko ay totoo na ito. coz I heard from a friend na there is a such group, the church of satan, in baharain.
back to the post. indeed you have such wild fantasy. but it is a reality. we are closer to God when there are trials and catastrophes that come our ways. We have to be prepared in any circumstances. In good time or bad time God must be in our lives.
Thank for reminding each one of us bro!
salamat po sa pagdaan sa aking blog.. masaya po ako at nakarating din ako dito sa iyong blogsite...
bonifacio din po ako.. like my fathers name as well as yours...
maraming salamt po uli at nagustuhan nyu ang entry aking entry.
Ahahahhahahah... sige lang gud... panagsa ra bitaw... curious lang ko ba... ahihihihihihihi
great post, it shows two sides of the devil his greed tod destroy humanity and his desperate measures to win over God..what the post really shows are not the successes of the Devil in this world but his failures...that despite all he had done to demonstrate his power he never succeeded for still there is more good in this world we live in than evil, humanity has chosen to side with God and we should continue to side with Him the Devil have declared war since the beggining but all he could do for now is to call for a convention...
Post a Comment