Isa kang OFW. Ang asawa mo ay nasa Pinas. Kasal kayo pero hindi legal. Parang kasal-kasalan lang ang drama. May permahan ng marriage contract pero walang witness, walang ninong at ninang, walang pari at higit sa lahat hindi registered sa NSO. May commitment kayo sa isa’t-isa. Ayaw ninyong maghiwalay. Habambuhay kayong magsasama no matter what. May respeto sa bawat isa. Nagmamahalang lubos.
Dahil ilang milya ang layo sa bawat isa maraming mga arguments ang nangyayari. Selosan. Kesyo marami daw kayong pwdeng paglibangan dito sa Dubai. Ang dali mo lang daw makahanap ng paparausan. Para ka lang daw nagpalit ng damit. Iyon ang paratang niya sa ‘yo. Paratang na walang ebedensya. Alam mo kung ano ang totoo. Ni minsan hindi dumating sa buhay mo na ibaling sa iba ang iyong pag-ibig, ni kahit minsan di nangyaring naghanap ka ng kunting kaligayahan sa iba. Alam mo kung gaano mo siya kamahal at kaya mong magsakrispisyo para sa kanya. Ni wala siyang narinig kahit kunting tsismis laban sayo.
Sa kabilang banda marami ka ding mga doubts sa kanya. Nabatid mong nagseselos ka. Naramdaman mong may nangyayaring hindi maganda. Ano ang iisipin mo kung makatanggap ka ng text mula sa kanya na tinatawag kang “beibie”, “honey” na alam mo namang hindi ‘yon ang tawagan n’yo? Di kaba makapag-isip ng masama? Kung ang paliwanag niya ay wrong sent lang yon. Nakigamit lang daw ang kapatid niya. Para daw yon sa syota ng kapatid niya at nagkamali lang isend sayo.
Dahil hindi ka naniniwala sa paliwanag niya nag-away kayo. Oo na inamin mo na nagseselos ka lang talaga at naniniwala ka nang mali ng kapatid niya’yon. Pero ano ang iisipin mo kung may dumating na naman na text? At this time, hindi na mula sa kanya kundi mula sa isang tao na hindi mo kakilala, nagsasabing nagkabamabutihan na daw sila ng asawa mo at ang ex niya. Sa madaling salita nagkabalikan na daw sila.
Itutuloy..
Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (Part 1)
Related Posts:
BUHAY OFW, MAGKAPAREHO BA?Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging mapagmahal. Mula pa ng tayo’y isilang sa mundo, hinubog na ang ating mga isipan at pinuno na ang ating mga puso sa pagmamahal sa Dios, sa kapwa at sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa a… Read More
Repost: BUHAY OFW SA DUBAIPamilyaIt’s an undeniable fact na mahirap talaga ang buhay dito sa Dubai. Kikita ka nga ng medyo malaki pero matataas naman ang mga bilihin dito. Kung hindi lang dahil sa pamilyang naiwan sa Pinas, siguro walang mgtitiyaga di… Read More
Si Engineer at ang kanyang VideocamKahapon lamang hinikayat ako ng aking mga kaibigan na magpunta sa mall baka daw makabili kami ng mga murang gadgets (mura pero may quality). Sabi ko sa kanila di pa panahon ngayon at malayo pa ang Dubai Shopping Festival – i… Read More
Beware of Illegal RecruitersEarlier this April, news about the 137 Filipino drivers circulated throughout the Emirates. These were the Filipinos who were victims of illegal recruitment agency, the CYM with its counterpart in Dubai. It was reported that … Read More
PERFECT SQUARE SUPPORTS PEBA 2009Year 2009 marks another year for the Pinoy Expats-OFW Blog Awards (PEBA), a humble project founded by Kenj a.k.a Mr. Thoughtskoto that aims to honor the best and inspiring Expatriates and Overseas Filipino Workers Blogs aroun… Read More
6 comments:
Napakahirap ng situation nating mga OFW and our partner. lalo na sa sinasabing legality ng kanilang kasal.
Dpat ma remind sa atin ang LDR.
http://lifemoto.blogspot.com/2009/07/long-distance-relationship_08.html
kainis ka naman..bitinin ba ako sa instorya ito! lols!
Waaah!!!Kainis, bitin!!!!
Ang mahalaga pre, nalaman mo ng maaga ang lahat, di na umabot sa may mga batang masasaktan sa sitwasyon nyo...
Walang magagawa ang pagseselos kundi ang sirain ang isang relasyon. Dati ang mantra: I fear because I love. Mali pala un. Ang totoo pala ay we fear because we have no love.
(Itutuloy sa susunod na post mo...)
Hehehe.
kaya naman pala di kita mahagilap sa aking bahay ay abala ka sa iyong mga nobela.
mis u bro. naku marami akong naalala sa mga kwento mo. :D
boss pede ko bang ilagay sa blog ko yan,,,
Post a Comment