Monday, August 17, 2009

Naiinis ako dahil..

Naiinis ako dahil ang baho ng amoy ng ka-opisina ko
Naiinis ako dahil ang tigas ng ulo ng assistant ko
Naiinis ako dahil ang ingay ng superior ko
Naiinis ako dahil palaging nagtelebabad si office boy na kabayan ko

Naiinis ako dahil ang bagal ng internet ko
Naiinis ako dahil wala akong maisip na i-post sa blog ko
Naiinis ako dahil walang improvement ang page rank ko
Naiinis ako dahil di na ako binibisita ng mga ka-blogs ko

Naiinis ako dahil gusto kung magpadala ng pera sa pamilya ko
Naiinis ako dahil wala ng laman ang wallet ko
Naiinis ako dahil gusto kong tumawag minu-minuto sa mahal ko
Naiinis ako dahil walang load ang mobile phone ko

Naiinis ako dahil ang gulo na sa bahay na inuupahan ko
Naiinis ako dahil maingay at palaging nagtatalo ang mga ka-share ko
Naiinis ako dahil sa init ng air-con nagkabungang-araw ako
Naiinis ako dahil gusto kong lumipat ng bahay pero di kaya ng konsiyensya ko

Naiinis ako dahil

GUSTO KO!

Related Posts:

  • Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (Part 3)Sabi nila ang pagseselos ay hindi nagbubunga ng mabuti kundi kasiraan ng relasyon. Pero bakit nga ba ang tao ay nagseselos? Ibig sabihin ba nito’y wala siyang tiwala at pagmamahal? Ayon sa iba insecured lang daw ang nagseselo… Read More
  • Chat tayo!Naalala ko noong una kong punta sa isang internet café dito sa Dubai. Noong bago pa lang ako dito. Kasama ko ang kapatid ko noon. Maaga pa yon. Alas otso pa ng umaga. Kunti pa lang ang tao sa internet café. May isang Pinoy n… Read More
  • Devils Convention The following is the full text of the statement of Satan addressed before his angels  during the recent Devils Convention held  on 30th of September 2009 at the Hell Convention Center. Sa aking mga alagad, salamat… Read More
  • Sa Ugoy ng DuyanKahapon naisipan kong gumagala sa Mall of Emirates. Dahil gusto kong magpalamig at mabigyan ang aking sarili ng kunting break matapos ang mga "pinagdaanan" ko nitong mga nakaraang araw nakapagpasya akong ibahin muna kahit san… Read More
  • Panalangin Para Sayo, Maricris..Maricris, ang Perfect Square ay taus-pusong nananalangin para sa iyong kagalingan. Nawa'y dugtungan pa ng Maykapal ang iyong buhay. Manalig ka sa Kanya. Ipaubaya mo sa Kanya ang lahat. Walang imposible kung ikaw ay may panini… Read More

5 comments:

cmvillanueva said...

naiinis na din ako... kasi.. puro nakakainis ang nilalaman ng binabasa ko ngayon... wahahahha.... peace!!

A-Z-3-L said...

inis na inis ka naman... hindi halata dude! hahahaha!

don't worry magra-Ramadan na... mahaba na ang pahinga....

keep your cool...

Deth said...

relaks lang:D ngitian mo lang sila kahit naiinis ka na, sabay belat :P hehehe

poging (ilo)CANO said...

naiinis din ako dahil.....magpapasko na naman wala pa akong biyenan.nyahahaha..

Pinayblogger said...

Naiinis din ako kaya nakita ko blogpost mo dahil sinearch ko toh dala ng inis ko