Thirty-five days ago, I received good job offer from another company.
Thirty days ago, I tendered my irrevocable resignation from my company.
Six days from now, the offer will expire.
Tomorrow, I should receive my passport and "No Objection Certificate".
After tomorrow, if my company will not return my passport...I will be JOBLESS for months.
Huh!
Have I made the right decision? Off course, I did! God is with me..
18 comments:
Pray na lang pre...
Sandali...ganyan ba jan pre? kinukuha ng employer ung passport nyo?
Thanks pre.
Ito 'yong common practice ng mga ers dito. For their security kukunin nila ang passport ng ees. Bakit jan sa Palau pre, hindi ba kinukuha ng ers ang passport nyo?
naku! amoy labor din dito... ahihihi!
hindi nila pwedeng i-safekeep ang passport mo. nasa rules ng MOL un. personal property un. nakasanayan siguro kaya kinukuha, pero anytime pwede mong bawiin un. kung ayaw ibigay, pwede kang magsumbong sa labor. pero dahil kelangan mo ng NOC... hindi magiging madali ang lahat.
i wish maging maayos ang lahat.
ung passport ko nasa -er ko rin. hindi ko kinukuha kase mas safe ata na andito sa kanila. hindi ko na iintindihin kung lumipat man ako ng lumipat ng accomodation 100 times, baka mamissed place ko lang.
nung may nakita akong opportunity, ayaw naman akong bigyan ng NOC... hindi ako umalis. tapusin ko na lng contract ko para tahimik na lang...
Hindi naman, ewan ko lang sa mga DH...pero sa company like sa amin di naman kinukuha..pero meron kaming exit clearance once na alis kami ng company...
HI RUPH, LONGTIME!..i know ur in yet, another tough time..hirap talga maging OFW turned expat no.:D
im glad u live by doing ur best, trying ur best ...and god will the rest..
on the other hand,
if u feel like not taking the risk then stay (for the time being)
if u want to take the challenge..then go for the better..
im jst around bro, give me a buzz anytime..
and may u find peace and joy in whatever decision u will choose, or god asked u to choose.
:D
@AZEL,
Pacenxa kana kung labor labor dito. Haaaayyyyy...Bahala na kung di ako bigyan ng NOC..Kailangan ko lang talaga ang passport ko para mka-join na ako sa new company ko..PagHindi ko makuha ngayon tiyak na pupunta ako ng labor bukas..
Teka, naalala ko pala..Napanaginipan ko noong nakaraang gabi na ikaw daw ang pumalit sa akin..Sana magkatotoo..hehe
@LordCM,
Mabuti pa kayo jan sa Palau walang problem kung magpalit kayo ng er.
@AJ,
Kailangan ko talaga ang peace..ilang araw na akong walang peace of mind..Kaya nga di na ako nakapag-concentrate sa blogging..hehe
@Azel,
Sori..Pacenxa kana kung labor labor dito..KOREK....amoy labor dito..(nati-tense kasi ako)..hehe
I wish maging okay ang lahat sau. God will be there. Hirap talaga ng buhay, i remember your post the past few months, taghirap na.
But it will be better for you. Godbless sau!
As long as idinulog mo kay Lord ang desisyon mo. He has a plan for you. to prosper you. I Assure you will have it in His perfect time. For this time He will test your faith and trust in Him. good luck and God bless bro!
I agree with you my friend, when you are with God, nothing will go wrong - you made the right decision.
Me and my wife will include you in our prayer.
Life is Beautiful, Keep on Believing.
@Mr. Thoughtskoto,
Thanks for inspiring me.
@Jesus,
I believe in perfect timing. But I could not say that this decision is perfect. Only God knows. Thanks for visiting here. See you around more often.
@Pope,
Salamat sa inyong dalawa ni Mrs. Pope..Maraming salamat sa prayer niyo. I am keeping my faith even more stronger.
san ba yang office mo at makapagpasa ng CV... lolz!
pero di rin ako bibigyan ng NOC. at mahihirapan akong umalis sa mga Pakistanong 'to... tapos ang owner eh nasa Canada for 2 months... lalong walang pag-asang macancel ang visa ko! lolz!
ano ng balita jan? amoy MOL na ba? hehehehehe!
@AZEL
Sa Mirdif ang office namin. Ewan ko kung ano ang dapat kong gawin ngayon.Siguro kailangan kong lumapit na sa MOL kung hindi talaga nila ibibigay ang passport ko by Saturday.
gudluck gudluck... :)
buti pa kayo may mga trabaho,wahaha
mkahanap nga bukas.
anlayo naman pala... andito ako sa burdubai. di ko type bumyahe araw-araw. kung nagtender ka ng resignation w/ 30-day notice kaya ng labor na matulungan ka.
pero,
kung limited ang contract mo, may damages kang babayaran kung pagbabayarin ka ng company kc breach of contract ka.
kung unlimited at more than 1 year ka na jan... mas may laban ka.
kung naka-FZE visa ka naman lalong mas may laban ka!
ang problema mo ngayon eto:
kung i-ban ka ng more than 6 months...magbabayad ba ang bagong company mo para sa ban na yun?
mavi-visahan ka ba nila kahit more than 6 months ang ban mo? ung iba kase hindi.. kaya itanong mo.
this is the only help i can give you. hindi enough ang knowledge ko with regards sa Labor matters dito sa Dubai. pero so far, yan ang alam ko as per experiences ng mga friends ko.
goodluck... dont worry pagdadasal kita!
@Azel,
Bakit ba halos lahat ng accountant nakatira sa Bur Dubai? Ako lang ata ang nandito sa Mirdif..lolz
Unlimited ang contract ko and it will expire on Nov. 1, 2009. Bale as matapos ang visa ko by Nov. din.
Alam kong may laban ako. Kaya lang as much as possible gusto kong hindi na aabot pa sa labor. Gaano katotoo na kung mag-complain ka daw sa labor almost one year pa daw ang action/result?
Anyway, salamat Azel ha..Salamat sa mga payo at paliwanag mo.
anong balita sayo?
nakuha mo na?
ung span of time ng result... wala akong idea...
@Azel,
Ni-let go ko ang offer and I chose to stay in my coy. Siguro hindi para sa akin ang offer na 'yon. Kung para sa akin wala sanang balakid. Kaninang umaga kinausap ko ang amo ko and he was hesitant to handover my passport - nagsermon pa nga..Nakonsinsya tuloy ako. Kaya ito balik sa dati at pinipilit tanggapin ang lahat..
Post a Comment