Pamilya
It’s an undeniable fact na mahirap talaga ang buhay dito sa Dubai. Kikita ka nga ng medyo malaki pero matataas naman ang mga bilihin dito. Kung hindi lang dahil sa pamilyang naiwan sa Pinas, siguro walang mgtitiyaga dito. Paano nga ba mabubuhay ang pamilyang sa‘yo lang umaasa? Saan kukuha ng pang-tuition si Junior? Saan kukuha ng pera si Inay para pambili ng NFA? Sino ang susuporta kay mister na pitong taon ng naghihirap sa kanyang ubo? Eh, ‘yung pampakasal sa girlfriend mo? Kailangan makapag-ipon para naman medyo grande ‘yung kasal.
Ang daming umaasa sa‘yo. Noon kung hindi ka nilalapitan ng mga kapatid o pinsan mo, ngayon panay ang tawag sa‘yo. Panay ang paramdam. Ang daming dahilan. Kesyo, may sakit daw ang anak. Inaatake daw ng high blood ang bayaw mo at kailangang dalhin sa hospital. Manganganak daw ang hipag mo sa susunod na buwan. Bayaran na daw ng motor na hinuhulugan ng bilas mo at walang pambayad kasi kinulang ‘yung kita sa pamamasada. Sangkatutak na reklamo. Walang katapusang problema. Ngayon ‘pag hindi mo naman pinagbigyan sasabihin sa ‘yong ang takaw-takaw mo. Nakapunta ka lang sa Dubai nakalimot kana sa amin! Ang sarap sakalin, diba? Noong nasa Pinas ka pa, may nagawa ba ang mga taong ito sa ‘yo? Pinahiram ka ba nila ng pera noong papunta ka dito? Kilala mo ba itong si pinsan mo na ngayon lang nagpakilala sa’yo? Ano ka ba, bangko?
Ang daming umaasa sa‘yo. Noon kung hindi ka nilalapitan ng mga kapatid o pinsan mo, ngayon panay ang tawag sa‘yo. Panay ang paramdam. Ang daming dahilan. Kesyo, may sakit daw ang anak. Inaatake daw ng high blood ang bayaw mo at kailangang dalhin sa hospital. Manganganak daw ang hipag mo sa susunod na buwan. Bayaran na daw ng motor na hinuhulugan ng bilas mo at walang pambayad kasi kinulang ‘yung kita sa pamamasada. Sangkatutak na reklamo. Walang katapusang problema. Ngayon ‘pag hindi mo naman pinagbigyan sasabihin sa ‘yong ang takaw-takaw mo. Nakapunta ka lang sa Dubai nakalimot kana sa amin! Ang sarap sakalin, diba? Noong nasa Pinas ka pa, may nagawa ba ang mga taong ito sa ‘yo? Pinahiram ka ba nila ng pera noong papunta ka dito? Kilala mo ba itong si pinsan mo na ngayon lang nagpakilala sa’yo? Ano ka ba, bangko?
Hay naku! Paano mo nga ba mababayaran ‘yong inutang mo sa five six makatuntong ka lang ng Dubai? Buong araw buong gabi Pilipinas ang inisip mo. Tuwing sweldo takbo ka kaagad sa bangko para lang sa Saint Philippines (read: sent to Philippines). Dahil sa Pilipinas di ka man lang nakapag-ipon. Kaya nga gustuhin mo mang magbakasyon pagkatapos ng dalawang taon, hindi pa rin pwede. Pagdating mo pa lang ng airport buong barangay na ang sasalubong sa ‘yo. Pagdating sa bahay magpi-fiesta ka pa. Ang mahal mahal pa ng bilihin sa Pinas. Tiyak na isang lingo pa lang ubos na ang baon mo. Hay, magtiis ka na lang sa lungkot. Siguro habambuhay ka na dito. Magtiis ka na lang di sila (pamilya sa Pinas) makita sa personal.
Minsan nagdu-duda ka sa Pinas. May mga time kasi na tumatawag si Inay. ‘Wag lang daw kayong mag-alala sa kanila at maayos na man daw ang buhay nila. Nakabili na daw siya ng yero para sa bubong na sinalanta ng nagdaang bagyong Frank. Eto naman kasi si Frank ang tindi ng hagupit. At si Junior ang ganda-ganda daw ng grades, palagi daw first honor. Ang kapatid ko namang babae na si Mahinhin 4th year na daw sa college at magtatapos na sa kursong Nursing. Nakakatuwang marinig ang mga balitang ganito. Kahit papaano nagamit pala sa wasto ang perang padala. Pero paano kung ang binabalita sa‘yo ay lahat kasinungalingan? Paano kung ilang taon na pala si Junior sa grade one dahil sa pagiging bulakbol? Paano kung wala palang naipundar ang pera mong pinagkatiwala sa pamilya mo? Paano kung hindi na pala makapagtapos ng college si Mahinhin dahil nabuntis na ng boyfriend niya? Diba parang walang silbi din ang pangingibang bansa mo? Napakasakit isipin lalo na pag nabalitaan mong si mister ay sumakabilang bahay na. At ang perang padala mo ay pinanggastos niya sa kumare mo at ang mga anak mo ay wala man lang makakain.
Syota
Ito naman si Girlfriend grabe kung magselos. Diba niya alam na ang lungkot dito sa Dubai? Sabi nga ng mga beterano na dito may espiritu daw na gumagala dito. At ang espitung ito ay ang espiritu ng kalungkutan. Kaya pala may reason si Gilfriend na magalit kay boyfriend. Nasapian pala ito ng masamang espiritu at nakalimot na magtext kay Girlfriend at kung magtext man “wrong send” pa. Para pala sana kay girlfriend no. 2 ‘yon. Paliwanag naman ni boyfriend, inaasawa lng niya si Girlfriend no. 2 dito. Hanggang dito lang naman daw ‘to sa Dubai. Pag-uwi daw niya sa Pinas siya naman daw ang pakakasalan. ‘Yan naman pala. Hayaan mo na lang Girlfriend no. 1 si boyfriend mo. Nalulungkot lang siya dito. Kaya lang niya inaasawa si Girlfriend no. 2 para may mag-alaga sa kanya. May tagalaba. May tagaluto. Pero paano kung gagawin din ni Girlfriend ang ginagawa ni boyfriend? Paano kung nakikipagdate na rin si Girlfriend no. 1 sa best friend ni boyfriend? Ano ang tawag nito, pasensyahan? Sino nga ba ang dapat masisisi? Si boyfriend na nasalinan lang ng masamang espiritu o si girlfriend na gusto ding makalimot kay boyfriend?
Multiple partners
Uso kaya ang tawag nito? Sabi ng asawa mo may amnesya ka na daw kasi nakalimutan mo na siya. Ang lambing-lambing mo pa daw noong bago ka pa dito. Bawat lingo ka daw tumatawag sa kanya. Pero ano nga ba ang nangyari sa’yo ngayon? Bakit ba kung tuwing tumatawag ka sa kanya palagi kang galit? Minumura mo pa siya. Sinabihan mo pa s’yang mukhang pera. Bakit mo sinabi ‘yon? Totoo nga bang may amnesya ka o dahil lang yan sa bago mong asawa dito? Normal lang na makalimutan mo ang isang taong di mo palaging nakikita at nakakausap lalung-lalo na kung may kinahihibangan ka nang iba. Mapalalaki man o mapababae kung gusto mong mag-asawa dito simpleng simple lang. Kadalasan (sana hindi lahat) pag tinatanong mo si babae o si lalaki sa marital status niya sasabihin lang sa ‘yong hiwalay na, single parent or di kaya patay na ang asawa. Eh, sino ba naman ang dapat maging partner ni widow diba si widower? Basta’t magkaintindihan lang sila kahit walang pag-ibig at manunumpang magtanaw ng responsibilidad sa bawat isa, hala bira! Ayaw mo pa makaka-save ka ng upa sa bahay. Dalawa na kayong magbayad sa upa mong AED 500/- na single bed. O di kaya aakuhin na ni lalaki ang bayad. May purpose din diba? Pero kawawa naman ang mga asawa sa Pinas. Eh, paliwanag naman ng iba, kailangan pa ba daw uuwi sa Pinas para lang umihi? Hayan na. Gusto lang palang umihi. Kaya pala halos tatlo ang asawa sa Dubai. Ang tanong sino nga ba ang original pag tatlo ang asawa mo? Tiyak na silang tatlo ang magki-claim na orginal. Kung sino ang may hawak ng marriage contract (authenticated) siya ‘yong may karapatang magsabi na original. Ito naman si lalaki para lang nagpapalit ng brief kung magpapalit ng asawa.
0 comments:
Post a Comment