Tuesday, August 12, 2008

Babala sa mga OFW sa Dubai

Kung iniisip mo ngayon na lumipat ng trabaho saan mang parte dito sa United Arab Emirates, babala lang po, hindi ganyan ka simple ang proseso ng pagta-transfer ng visa o pag-iissue ng bagong visa at labour card.
Pero ang prosesong ito ay likas na simple at pinahihirap lang ng Public Relations Officer (PRO) sa dati at bago mong employer.
Kailangan mong mabasa at mabigyan pansin ang anumang nakasaad sa kontrata na pinirmahan mo para alam mo kung ano ang mga limitasyon sa pagkuha ng bagong employer.
Ilan sa mga nakasaad sa kontrata ang pagkawalang bisa ng iyong karapatan na lumipat sa ibang employer kung hindi pa natatapos ang dalawang taon.
Sa pagta-transfer ng visa, kailangan ng bagong employer ang pahintulot ng iyong nakaraang employer, pagkatapos makuha ang pahintulot ng Ministry of Labour. Ang residence visa ay kadalasang ini-issue sa loob ng tatlong taon, maliban sa Free Zone areas na pwedeng mai-transfer ang visa kahit anong oras. Pero, kailangan pa rin ng dating employer na mag-issue ng NOC (no objection certificate) sa bagong employer. Ang NOC ay pwedeng sinusulat sa wikang Arabic at lalagdaan ng local sponsor.
Kung ang visa mo ay hindi sa Free Zone Kailangan muna itong i-cancel bago pa man makakuha ng panibagong visa.
Kailangan mo ring lumagda sa kasulatan na nagsasaad ng ban sa loob ng anim na buwan. Ang ban na ito ay pwedeng mapawalang bisa lamang kung ang dati mong employer ay mag-issue ng NOC.
Kung ang non-free zone visa ay pinawalang bisa, ang bagong employer ay magbabayad ng fine para sa nalalabing visa kung ang nasabing visa ay hindi pa natatapos. Ang mga expats na Masters at PhD holders ay pwedeng makapagpalit ng employer kahit anong oras at kahit ilang ulit sa loob ng isang taon. Ang mga Bachelors degree holders or its equivalent ay pinapayagan lang magpalit ng bagong employer ng dalawang bisis sa loob ng dalawang taon. Ang ibang kategorya na may mababang kwalipikasyon ay pinapayagan lamang magpalit ng trabaho ng isang bisis sa loob ng kanilang employment at kailangang nakapagtapos ng tatlong taon sa kanilang kasalukuyang employer.
Kung ikaw ay may pag-aalinlangan sa mga regulasyon ng visa at nagnanais na lumipat ng trabaho, makiusap ka sa iyong PRO sa kompanyang lilipatan mo.

0 comments: