Sunday, June 28, 2009

Pare, gusto mo baka?

Ito'y hindi isang promotion. Naisipan ko lang ipost ito dahil sa sobra akong naaaliw at natutuwa. Akalain mo ba naman, ang wikang Pinoy ay pilit ginagaya ng mga ibang lahi mabenta lamang ang kanilang bilihin. And take note, kahit saang palengke ka magpunta dito sa Dubai, wikang Pilipino ang bati ng mga tindero.

Ganito:

ANO GUSTO MO SUKI? TILAPIA? GALONGGONG? PUSIT? BANGOS? MAYA-MAYA? ITO TUNA SUKI BUHAY PA.

KURIPOT KA SUKI! GUSTO MO TAWAD?



Sa Karama, kung saan may marami populasyon ng mga Pilipino, halos lahat ng nakapaskil sa palengke ay mga salitang Pinoy. Kahit pa sa pag-imprinta ng business card ay sadyang pinagawa sa wikang tagalog.

Parang ganito:

Related Posts:

  • BUHAY OFW, MAGKAPAREHO BA?Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging mapagmahal. Mula pa ng tayo’y isilang sa mundo, hinubog na ang ating mga isipan at pinuno na ang ating mga puso sa pagmamahal sa Dios, sa kapwa at sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa a… Read More
  • WANTED: FILIPINA RECEPTIONISTFOR IMMEDIATE HIRING:FILIPINA RECEPTIONISTWith or without Dubai experienceFluent in EnglishOn visit visaSEND YOUR CV TO: hr@ihrpm.comPLACE OF WORK: AL BARSHA FIRST, IN FRONT OF MALL OF EMIRATES (DUBAI)(Note: Para sa mga kabab… Read More
  • Beware of Illegal RecruitersEarlier this April, news about the 137 Filipino drivers circulated throughout the Emirates. These were the Filipinos who were victims of illegal recruitment agency, the CYM with its counterpart in Dubai. It was reported that … Read More
  • Si Engineer at ang kanyang VideocamKahapon lamang hinikayat ako ng aking mga kaibigan na magpunta sa mall baka daw makabili kami ng mga murang gadgets (mura pero may quality). Sabi ko sa kanila di pa panahon ngayon at malayo pa ang Dubai Shopping Festival – i… Read More
  • Repost: BUHAY OFW SA DUBAIPamilyaIt’s an undeniable fact na mahirap talaga ang buhay dito sa Dubai. Kikita ka nga ng medyo malaki pero matataas naman ang mga bilihin dito. Kung hindi lang dahil sa pamilyang naiwan sa Pinas, siguro walang mgtitiyaga di… Read More

5 comments:

The Pope said...

Kahit dito sa Doha, ang mga tinderong Indyano, mga Irani at ibang mga Arab speaking nationals na nagtitinda ay marunong magsalita ng wikang Tagalog, isang kadahilanan dahil karamihan ng mga tindahan ng pagkain ay mga Pinoy ang parokyano.

Bomzz said...

may Suso?

bhundut tuwalya?

Bago sariwan nabaga and mora mora baga.. hahaha ano yan batangenyo?

naalala ko don sa wet market nuon mga indianiks puro nagtatagalog.. hehe.

poging (ilo)CANO said...

nkakatuwa nga silang pakinggan kapag ginagaya nila ang ating wika. kahit dito sa abu dhabz mga tindero tgalog na rin ang salita...bili na kabayan kuripot..hehehe

Ruel said...

@Pope,
Pinoy ang target market ng karamihang palengke kaya natuto na rin ang ibang lahi ng magtagalog.

@Bomz,
Awkward nga ang tagalog ng mga ibang lahi (Parang ako, baku-bako magtagalog kasi bisaya man gid..hehe)..Pero nakatuwa..

@Pogi,
Tama ka bro nakakatuwa talagang pakinggan ang ibang lahi na magtagalog. Tuwing makakarinig ako ng ibang lahi na magsalita ng tagalog proud na proud ako..lolz

Hari ng sablay said...

haha lumalaki na ang pinas,lols