Sunday, June 28, 2009

Pare, gusto mo baka?

Ito'y hindi isang promotion. Naisipan ko lang ipost ito dahil sa sobra akong naaaliw at natutuwa. Akalain mo ba naman, ang wikang Pinoy ay pilit ginagaya ng mga ibang lahi mabenta lamang ang kanilang bilihin. And take note, kahit saang palengke ka magpunta dito sa Dubai, wikang Pilipino ang bati ng mga tindero.

Ganito:

ANO GUSTO MO SUKI? TILAPIA? GALONGGONG? PUSIT? BANGOS? MAYA-MAYA? ITO TUNA SUKI BUHAY PA.

KURIPOT KA SUKI! GUSTO MO TAWAD?



Sa Karama, kung saan may marami populasyon ng mga Pilipino, halos lahat ng nakapaskil sa palengke ay mga salitang Pinoy. Kahit pa sa pag-imprinta ng business card ay sadyang pinagawa sa wikang tagalog.

Parang ganito:

Related Posts:

  • May pera ba talaga sa basura?“HOY, BASURA N’YO, ITAPON N’YO!”Ipinaskil ko ang mga katagang ito sa isang pintuan ng kapitbahay (neighboring flat) namin noong isang araw. Di ko na kasi matiis ang basurang nakatambak sa gilid ng pintuan nila. Hindi naman da… Read More
  • PHILIPPINES 111TH INDEPENDENCE DAYIn commemoration of Philippines 111th year of Independence, Perfect Square is sharing a different twist to Bayan Ko and Lupang Hinirang to all readers. How does this video affect our identity as Filipinos? Do you think this v… Read More
  • Will Election 2010 be part of SONA 2009?While most Filipinos are battling against the impact of Swine Flu in the country which I believe the virus has reached even to the Northern part of Mindanao, the Palace is on its tight schedule in preparation of the coming "S… Read More
  • Pare, gusto mo baka?Ito'y hindi isang promotion. Naisipan ko lang ipost ito dahil sa sobra akong naaaliw at natutuwa. Akalain mo ba naman, ang wikang Pinoy ay pilit ginagaya ng mga ibang lahi mabenta lamang ang kanilang bilihin. And take note, k… Read More
  • Si Engineer at ang kanyang VideocamKahapon lamang hinikayat ako ng aking mga kaibigan na magpunta sa mall baka daw makabili kami ng mga murang gadgets (mura pero may quality). Sabi ko sa kanila di pa panahon ngayon at malayo pa ang Dubai Shopping Festival – i… Read More

5 comments:

The Pope said...

Kahit dito sa Doha, ang mga tinderong Indyano, mga Irani at ibang mga Arab speaking nationals na nagtitinda ay marunong magsalita ng wikang Tagalog, isang kadahilanan dahil karamihan ng mga tindahan ng pagkain ay mga Pinoy ang parokyano.

Bomzz said...

may Suso?

bhundut tuwalya?

Bago sariwan nabaga and mora mora baga.. hahaha ano yan batangenyo?

naalala ko don sa wet market nuon mga indianiks puro nagtatagalog.. hehe.

poging (ilo)CANO said...

nkakatuwa nga silang pakinggan kapag ginagaya nila ang ating wika. kahit dito sa abu dhabz mga tindero tgalog na rin ang salita...bili na kabayan kuripot..hehehe

Ruel said...

@Pope,
Pinoy ang target market ng karamihang palengke kaya natuto na rin ang ibang lahi ng magtagalog.

@Bomz,
Awkward nga ang tagalog ng mga ibang lahi (Parang ako, baku-bako magtagalog kasi bisaya man gid..hehe)..Pero nakatuwa..

@Pogi,
Tama ka bro nakakatuwa talagang pakinggan ang ibang lahi na magtagalog. Tuwing makakarinig ako ng ibang lahi na magsalita ng tagalog proud na proud ako..lolz

Hari ng sablay said...

haha lumalaki na ang pinas,lols