Tuesday, June 16, 2009

Nalulungkot ako para kay Ate PM

Nitong madaling araw, nagising ako sa isang hagulhol ng pangungulila ni Ate PM. Si Ate PM at si Ate Myrna ay iisa. 'Yon kasi ang bansag sa kanya ni Jimmy - Ate PM, meaning "Princess Myrna". By the way, si Jimmy ay isang mabuting kaibigan. Mahilig siyang magbigay ng bagong pangalan sa halos lahat ng kakilala niya. Tulad ko, pinangalanan niya akong "Dong" kasi daw bisdak ako. 'Yong isang kaibigan namin tinawag niyang "Bruha" kasi daw tulog nang tulog kahit araw. Kay Ate Raquel tawag niya "Sea Horse" kasi daw napakapayat at napakatangkad. Ang kapatid naman ni Ate Raquel tinawag niyang "Emperadora" kasi daw palaging kinakampihan nito si Ate Raquel. At kay Kuya Sam, tawag niya "Croc" as in Crocodile. Huwag niyo na lang alamin kung bakit ganun ang tawag niya. Ganun pa man, salamat kay Jimmy. Nang dahil sa kanya nagkaroon kami ng bagong pangalan. Mabait naman siya. Kaya bansag ko din sa kanya - "Dinosaur".

Well, balikan natin si Ate PM. Iyak ng iyak si Ate. Nakatanggap kasi siya ng tawag mula sa Pinas na yumao na daw ang nanay niya kaninang alas siete, Manila time. Nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanan na wala na ang babaeng nagluwal sa kanya, ni hindi man lang niya ito masilayan bago pa man ito dalhin sa huling hantungan. Paano nga ba siya makakauwi sa Pinas? Kung inyong natatandaan si Ate ay isang hindi legal na OFW. Sinampahan siya ng kaso ng ER niya. Kung mag-voluntary surrender naman siya, tiyak na makukulong muna siya ng hindi lalagpas sa tatlong buwan bago siya ipapa-deport.

Kaya wala siyang magawa kundi ang umiyak at manalangin na sana maiintindihan ng kanyang yumaong ina ang kanyang sitwasyon. Bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi. Nagsisisi siya kung bakit sa huling sandali di man lang niya mayakap ang kanyang ina.

Note: To know more about Ate Myrna, please follow this link.

12 comments:

2ngaw said...

Minsan tuloy iniisip ko kung tama ba ung ginagawa nating pagsasakripisyong malayo sa pamilya kapalit ng kaginhawaan ng mga mahal sa buhay, kung sa mga ganitong pagkakataon eh lumuha lang ang kaya mong gawin...

poging (ilo)CANO said...

talagang mahirap mapalayo sa pamilya lalo na kung may dumarating na sakuna. hindi mo sila madadamayan at hindi ka rin nila madadamayan sa mga dinadalang problema. masakit pero kailangan nating tanggapin na ang bawat isa sa atin ay may hangganan.

gaya ng nangyari sa akin noon, hindi ako binalitaan na na ospital ang aking ama dahil ayaw nila akong mag-alala, hanggang sa mabalitaan ko na lang na pumanaw na siya...

akoy nakikiramay sa pamilya ni ate PM.

Yodi Insigne said...

hmmm, that is really sad. pero siguro everything has its purpose.

keb said...

Ang hirap talaga ng buhay OFW. Kaya Saludo ako sa kanila. Nice post! Ang gaganda ng mga topics, and nice blog too.. Keep it up! =)

Kablogie said...

sobrang sakripisyo ang mga OFW habang ang mga gobyerno natin abalang abala sa nalalapit na halalan, ni hindi man lang pakinggan ang hinaing ng mga bayaning pilipino na tinatawag nila..tsk tsk!

The Pope said...

Nakikidalamhati ako sa pagpanaw ng ina ni Ate PM, subalit sa kasalukuyang status nya sa pananatili sa UAE mahihirapan syang makauwi kung hindi maitatama ang isang pagkakamali. Umaasa akong makarating sa wastong kinauukulang ang post mong ito, para mabigyan ng wastong tulong si Ate PM.

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtulong sa ating mga kapwa OFW.

Francesca said...

kakalungkot, naimagine ko nong namatay mama ko, wala rin ako papel sa france, hanggang iyak ka na lang.


she can correct the matter, but it will be with courage, a lot of guts to fight her rights.
No human beings even in politics can help her.
She can only count in God to guide her the best decision she should take.
She is not alone. our Creator is just a prayer away.

I did correct my status in France by going home to phils, and I was blessed.
But not all have the same circumstances...

Ruel said...

@LorCM,
Kung para sa pamilya ang paglisan mo di naman siguro masama..Mabuti na tayo ang magsakrispisyon kaysa makita natin ang mga mahal natin na nahihirapan..

@Pogi,
Ganito talaga ang buhay OFW..Pare-pareho ang kwento..Kwento mo Pogi ay kwento ko rin..

@Yodz,
Thanks for your comment. Tama ka bro, everything has its purpose..

@keb,
Salamat at saludo ka sa amin..Saludo din ako sayo..keep coming back and know more about us..hehe

@kablogie,
Totoo ka bro..Kung mag-RALLY kaya tayong mga OFW?'Wag na alng tayo din ang magugutom..

@Pope,
Walang anuman, Pope..I am hoping also maisakatuparan na rin ang inaasam-asam ni ate PM. Salamat sa pakikidalamhati mo sa kanya..

@Francesca,
Thanks for sharing your (same) story..I wish in God's time, she will be FREE.

Bhing said...

I am sorry to hear about what happened sa nanay ni ate PM.. di talaga madali ang buhay ng mga taong ngtatrabaho abroad..

I will say a prayer for her mother's death..

Kindly tell her condolence...

Hari ng sablay said...

nakakalungkot naman yun. nkikiramay ako kay ate PM,

tsk! buhay nga naman,walang katiyakan.

Nortehanon said...

It breaks my heart to read stories like this. Sometimes the world is unfair. But I hope patuloy pa rin maniniwala sa mas maraming magagandang bagay.

I take my hats off sa mga taong nagsasakripisyo abroad para sa pamilya nila.

Ruel said...

@Bhing,
Thanks sa pakikiramay.. Makakarating..

@Hari ng Sablay,
Thanks sa pakikiramay..

@Nortehanon,
Thanks for your comment..Salamat sa pagsaludo sa amin..