Friday, August 21, 2009

Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (Part 1)

Isa kang OFW. Ang asawa mo ay nasa Pinas. Kasal kayo pero hindi legal. Parang kasal-kasalan lang ang drama. May permahan ng marriage contract pero walang witness, walang ninong at ninang, walang pari at higit sa lahat hindi registered sa NSO. May commitment kayo sa isa’t-isa. Ayaw ninyong maghiwalay. Habambuhay kayong magsasama no matter what. May respeto sa bawat isa. Nagmamahalang lubos.

Dahil ilang milya ang layo sa bawat isa maraming mga arguments ang nangyayari. Selosan. Kesyo marami daw kayong pwdeng paglibangan dito sa Dubai. Ang dali mo lang daw makahanap ng paparausan. Para ka lang daw nagpalit ng damit. Iyon ang paratang niya sa ‘yo. Paratang na walang ebedensya. Alam mo kung ano ang totoo. Ni minsan hindi dumating sa buhay mo na ibaling sa iba ang iyong pag-ibig, ni kahit minsan di nangyaring naghanap ka ng kunting kaligayahan sa iba. Alam mo kung gaano mo siya kamahal at kaya mong magsakrispisyo para sa kanya. Ni wala siyang narinig kahit kunting tsismis laban sayo.

Sa kabilang banda marami ka ding mga doubts sa kanya. Nabatid mong nagseselos ka. Naramdaman mong may nangyayaring hindi maganda. Ano ang iisipin mo kung makatanggap ka ng text mula sa kanya na tinatawag kang “beibie”, “honey” na alam mo namang hindi ‘yon ang tawagan n’yo? Di kaba makapag-isip ng masama? Kung ang paliwanag niya ay wrong sent lang yon. Nakigamit lang daw ang kapatid niya. Para daw yon sa syota ng kapatid niya at nagkamali lang isend sayo.

Dahil hindi ka naniniwala sa paliwanag niya nag-away kayo. Oo na inamin mo na nagseselos ka lang talaga at naniniwala ka nang mali ng kapatid niya’yon. Pero ano ang iisipin mo kung may dumating na naman na text? At this time, hindi na mula sa kanya kundi mula sa isang tao na hindi mo kakilala, nagsasabing nagkabamabutihan na daw sila ng asawa mo at ang ex niya. Sa madaling salita nagkabalikan na daw sila.

Itutuloy..

6 comments:

Life Moto said...

Napakahirap ng situation nating mga OFW and our partner. lalo na sa sinasabing legality ng kanilang kasal.

Dpat ma remind sa atin ang LDR.
http://lifemoto.blogspot.com/2009/07/long-distance-relationship_08.html

Kablogie said...

kainis ka naman..bitinin ba ako sa instorya ito! lols!

2ngaw said...

Waaah!!!Kainis, bitin!!!!

Ang mahalaga pre, nalaman mo ng maaga ang lahat, di na umabot sa may mga batang masasaktan sa sitwasyon nyo...

Anonymous said...

Walang magagawa ang pagseselos kundi ang sirain ang isang relasyon. Dati ang mantra: I fear because I love. Mali pala un. Ang totoo pala ay we fear because we have no love.

(Itutuloy sa susunod na post mo...)

Hehehe.

AJ said...

kaya naman pala di kita mahagilap sa aking bahay ay abala ka sa iyong mga nobela.

mis u bro. naku marami akong naalala sa mga kwento mo. :D

chiek said...

boss pede ko bang ilagay sa blog ko yan,,,