Ano'ng pakiramdam mo sa balitang ‘yon? Ang asawa mo nakipagbalikan na daw sa ex niya. Pinilit mong itago ang balita dahil ayaw mong lumaki ang isyu at dahil na rin sa pakikiusap ng taong nagbalita sayo. Ngunit, hindi mo kinaya. May mga gabing binabagabag ka ng masamang paniginip. Tinawagan mo siya. Ipinasa mo ang mga text na natanggap mo mula sa taong nagmamalasakit sayo. Nag-aaway kayo. Hindi daw totoo ang balita. Paninira lang daw ‘yon.
Ang taong nagti-text sayo ay close friend niya na may gusto daw sa kanya. Nagpahiwatig daw ito ng kanyang pag-ibig nang maraming bisis pero ito’y kanyang tinanggihan. Hindi daw niya alam na pilit pala nitong kinuha ang number mo at sinisiraan siya. Maniniwala ka ba? Sino kaya ang nagsasabi ng totoo? Sino sa kanila ang paniniwalaan mo? Ang asawa mo o ang taong hindi mo kilala? Siyempre, asawa mo. Di mo naman kayang tanggapin kung pagsasabihan ka niyang wala kang kwentang tao at nagpapaniwala lang sa mga paninira. Kailangan mong ipakita sa kanya na may trust ka sa kanya. Hindi ka naman siguro magdu-duda sa asawa mo kasi itong si kumag na nagbalita sayo ay humingi ng tawad matapos kayong mag-away ng asawa mo, matapos ang away nyong muntikan ng humantong sa hiwalayan. Galit lang daw si kumag sa asawa mo kaya niya nagawa 'yon. Nang tanungin mo kung bakit, ayaw niyang magpaliwanag. Ano kaya ang ginawa ng asawa mo't napilitang humingi ng tawad si kumag?
Sige na nga! Isara mo na ang isipan mo at huwag mo nang intindihin ang mga bali-balita. Think positive. Isipin mo na lang na mahal ka niya, may respeto siya sayo, at hindi ka niya kayang ipagpalit sa iba. Eh, paano kung pagkalipas ng ilang buwan ay may unos na namang dumating?
Isang araw nakatanggap ka na naman ng maling mensahe. Uminit na naman ang ulo mo. Anong paliwanag na naman kaya meron ang asawa mo? Para kanino kaya yon? Wala kang maraming tanong. Pinilit mong huwag palakihin ang isyu. Binalik mo sa kanya ang nasabing text. Maya’t maya nagreply siya. Para daw ‘yon sa pinsan niya. Nagtatanong daw kasi ito kung kumain na ba siya ng breakfast. Kaya iyon ang sagot niya. Ikaw daw kasi ang inisiisip niya lagi kaya palagi siyang nagkaka-wrong send. May mali ba kung magtitext ka sa pinsan mo? Meron! Lalo na kung intimate ang mga messages n’yo. Pero ayaw mo nang dumihan ang isipan mo. Ang mahalaga mahal na mahal mo siya. Naniniwala ka sa kanya at kahit kailan siya lang ang paniniwalaan mo. At hindi mo kayang makita siyang nasasaktan dahil sa pagseselos mo.
Pero ano ang gagawin mo kung ang asawa mo ay hihingi sayo ng freedom?
Itutuloy..
4 comments:
Bro lalo umiinit ang mga tagpo, binitin mo na nman ako. di bale sa huling yugto na ulit ako mgaibigay ng konklusyon! Pwede na sa MMK to bro.
Ay! Bitin na naman ang kwento..tapusin muna kaya wag mo na tyaniin ang story..hahaha
di ko na alam gagawin ko...dun na lang ako sa susunod na kwento :D
(Karugtong ito ng comment ko sa kabilang post mo...)
Whew! Medyo masalimuot. At dahil wala ako sa ganyang sitwasyon, isang opinyong walang pinagbatayan ang ibibigay ko sa yo.
Sabi ko dati, we fear because we have no love. I abide by that.
(Hintayin ko na lang ung susunod na kwento bago ako magbigay ng kuro-kuro).
Post a Comment