Nasaan nga ba ang palakang sinasabi ni Arvin? Akala ko nabigyan na ng tuldok ang gulo dito sa blogosperyo pagkatapos nagpalitan ng sorry si LordCM at Arvin dahil sa “paninirang” artikulo ni Arvin tungkol sa mga OFW. Hanggang sa oras na ito patuloy parin pala ang palitan ng mga artikulo ng magkabilang panig (LordCM and Kablogs against Arvin).
Bakit sa panahong ito laging nasa hot seat ang mga OFW? Bakit paninira ang ginagawa ng mga ibang writers katulad ni Chip Tsao, Mike Avenue at Arvin? Di ba nila alam kung anong sakripisyo meron ang mga OFW para sa pamilya at sa bayan? Ano ang motibo ng mga manunulat na ito upang siraan ang mga taong nagbibigay pag-asa sa bansang timawa? Sadya nga lang bang ginagawa nila ito para sumikat? Para pag-uusapan sila? Para magkakaroon ng mga kakampi o kaibigan? O para dadami ang kanilang traffic at magkaroon ng sangkatutak na income mula sa AdSense?
Kung ang layunin nila ay maghatid ng balita sa kanilang mambabasa sana totoo lahat ang kanilang isusulat at hindi lamang puro paninira. Huwag sana nilang abusuhin ang kalayaan ng pamamahayag – ‘yon kung lubos nilang naintindihan ang code of ethics in blogging.
Si Mike Avenue, isang mahusay na manunulat, mabait na kablogs at kaibigan sa mundo ng blogosperyo. Hanga ako sa kanyang galing at sa mga artikulong kanyang nilikha, maliban na lang sa kanyang mga panulat laban sa mga OFW. Dahil sa kanyang “tsokolate” nagkampihan ang mga OFW bloggers para turuan siya ng leksyon. Dahil sa kanyang panulat lalong sumikat si Mike. Sino nga ba daw si Mike Avenue? ‘Yon ang kadalasang tanong ng mga taong nakabasa ng OFW bloggers Manifesto na pini-post ng halos lahat ng mga OFW blogsites.
Nawala si Mike ng ilang buwan. Nanahimik. Hindi namin ma-access ang kanyang blog. Hanggang sa dumating ang isang araw, lumitaw si Mike. Isang Mike na puno ng pagsisisi. Humingi ng sorry sa halos lahat ng OFW bloggers. Tao lamang kaming mga OFW at may mabuting kalooban kaya ang sagot namin sa kanya “Welcome back Mike!”
Ngunit hindi ko inaasahan na sa kanyang paglitaw ay siya ding paglitaw ni Arvin dala ang kanyang artikulong paninira na naman sa amin. Nagkagulo na naman ang mundo ng mga OFW bloggers.
Hindi pinalagpas ng mga OFW ang kanyang paninira. Batikos ang kanyang napala sa kanyang artikulong nagsasabing mukhang pera daw ang mga OFW. Mukhang pera nga ba kami? Baka ang pera mukhang OFW! Akala ko tuluyan ng nanahimik si Arvin. In my personal observation, parang ayaw pa niyang tumigil sa laban.
Bumisita si Arvin sa bahay ko. Nag-iwan ng mensahe sa aking chatbox. Nakapost na daw sa site niya ang pinkamalaking palaka na natagpuan sa kanilang lugar at pang-guinness book of record daw ang laki. Naintriga ako sa message niya. Nasasabik akong makita ang pinakamalaking palaka. Mahilig kasi ako sa world trivia. Dali-dali kong pumunta sa kanyang site para masilip ang pinakamalaking palaka. Nakita ko ang picture ng palaka. Hindi naman pala totoong malaki. Ordinaryong palaka lang pala na kadalasang makikita sa palayan.
Nang binasa ko ang kanyang artikulo doon ko lang nalaman kung ano ang ipinahihiwatig niya – kung sino ang tinutukoy niyang palaka at kung sino ang taong sa tuwing pag-ingay ng palaka ay warak ang dibdib at wala ng puso.
Para sayo Arvin, ito’y payong kaibigan lang. Sana sa susunod mong artikulo siguraduhin mong wala kang masasagasaang tao. Hindi masamang gumawa ng isang artikulo lalo na’t you have the passion to write kaya lang huwag naman sana ‘yong mga paninira. Huwag mo sanang kalimutan na gabi-gabi mong maririnig ang “KOKAK NG KAMATAYAN” kung ayaw mong tuluyang bigyan ng tuldok at tanggapin ng buong puso ang iyong kamalian.
18 comments:
Kala ko naliligaw ako eh,bago lay out ah :)
Nagtataka lang ako sa mga nakaraang issue, bakit parang ako ang pinapasikat nila? lolzzz
Nice post pre, sana nga matapos na to at wag na masundan pa...kakasawa eh
natawa ako sa comment ni CM...
penge ngang atsara! pang-alis suya... nakakasuya na ang issue na ito, sana matapos na.. sana magkaron na ng kapayapaan...
may bagong entry na naman?
hayae na. hindi ako interested... at kailan naman hindi ako naging interested sa mg sinulat nya eh.
nga pala, maagang pagbati ng Maligayang Pasko sa perfect square!
-BER month na bukas!
Mas maganda wag na lang pansinin yun mga naninira sa mga OFW..the more na pinapansin natin the more na mang-gagalit mga yun. Pag wala naman pumapansin sa kanila tatahimik din naman yun ng kusa..Believe me!
dear bros & sis,
sana love not hate, sana peace not war. Sana pag-ibig na lang ang isipin ng bawat bloggers sa mundo ng bloggersphere.
kaya para di na siya (Mr. a) sumikat ay di ko na ginawan ng artikulo. KABLOGS have said enough. Lalo lang kasi tataas ang rating nya hehehe.
have a nice day then!
yung palaka nakabaon na sa lupa..
isusunod ba natin xa?.joke...hehehe
haha... san ko ba mababasa ang maintrigang bakbakang ito?
akala ko sa tv lang may showbiz d2 rin pla... lol
life is too short to make it complicated... :)
have a nice day!
Sana ay maayos na ang lahat ng hidwaan at hindi pagkakaunawaan sa blogosperyo. Nalusaw na at tinangay ng agos ang mapait na karanasan sa "Tsokolate".
Harinawang malimutan na rin ng bawat isa ang pait at sakit na dulot ng nagdaang panghimagas upang makakain ng wasto at makanguya ng masusustansiyang katha ang bawat isa.
Salamat Ruel!
hahaha. ruel, sinagot na yata ni NJ ng Desert Aquaforce ang post na Kokak na yun.
Pero may mga taong nagsasabing tama na, meron ding mga tao na gustong turuan ng leksyon yung sumulat kasi hanggat di natuturuan ng leksiyon, di yan matututo.
Happy Heroes Day bro, and to all the OFWs.
Nakakalungkot talaga isipin na may mga blogger na sadyang gustong sumikat at the expense of playing with the feelings of the OFW.
bagong ayos ang bahay ah..
mas maganda ang lay out...
napulutan na daw ang palaka, sabi ni bizjoker, lolz!!
@Lord,
Pansin mo pala ang bago kong bahay..halina't pumasok ka..Oo nga no? Ikaw ata ang pinapasikat nila..hehe
@Azel,
Wala akong atsara..Pasinsya na..Mabuti at hindi ka interested sa kanya..Maraming salamat sa unang bati mo sa Pasko..Maligang Pasko din sa Mapanuring Panitik..
@Kablogie,
Good advice..Sige na nga huwag na nating pansinin ang mga yon..
@Lifemoto,
Mabuti pa nga..Hayaan mo huling pansin na to sa kanya..Mabuhay ang mga OFW!
@Pogi,
Hindi na natin siya ibaon..Hindi na natin dungisan pa ang ating mga kamay..naks..hehe
@Roanne,
Di na kailangan pa..tama na ang kokak natin..huwag mo nang hanapin kung saan mo ito mababasa..maintriga talaga dito sa blogyworld..Anyways, thanks sa comment mo..Balik ka ulit ha..hehe
@Mike,
Sana nga Mike..Miss ka naming lahat..Sa iyong pagbabalik hangad namin ang malawak pa nating pagsasamahan..Have a nice day to you and to your family..
@Mr. Thoughtskoto,
Nabasa ko nga ang contra article ni NJ..Tama ka..Sa bawat pagkakamali dapat may leksyon tayong makukuha at hanggat walang magsasabi sa ating mga kamalian manatili tayong "walang alam".
@Pope,
Belated happy heroes day to you also Pope..Sanay hindi na masasaktan pa ang feeling ng mga OFW..
@batang henyo..
Salamat at gusto mo ang layout ko..Isang buong gabi akong walang tulog dahil sa pagpapaganda ng bahay ko..hehe pagpapaganda daw..lolz
Bro, naku ako naman ang nahirapan dito. Tagalog-tagalog, hirap na hirap ako lumikha ng ganyan but indeed isa itong magandang komentaryo, tahimik mild pero sapul ang punto.
Don't worry, hindi naman mainit ulo ko. kunti lang. lols
Nakikibasa bro. Naki-comment na rin.
Hindi man pang-Guiness ang palaka, world wide naman ang masamang epekto dulot ng may ari ng palaka....
pero masarap pulutanin ang palaka...
@Marlon,
Salamat naman at di pala masyadong mainit ang ulo mo..Next time para di ka mahirapan magtagalog, magbisaya na lang ta..hehe
@Bizjoker,
World-wide pa ang epekto? Para palang H1NI..hehe Tama ka masarap gawing pulutan ang palaka..
Basta pag maingay, walang laman. Maliban sa palaka dahil may mga palaking masarap i-tinola. (Nakatikim knb nun?).
No comment ako dun sa blogger na gumagawa ng ingay.
@nebz
Di ko pa natikman yong tinolang palaka..meron bang ganun?hehe Totoo ka pag-maingay, walang laman..
Chill Chill lang sir :-D
Have a nice day!
Post a Comment