Sabi nila ang pagseselos ay hindi nagbubunga ng mabuti kundi kasiraan ng relasyon. Pero bakit nga ba ang tao ay nagseselos? Ibig sabihin ba nito’y wala siyang tiwala at pagmamahal? Ayon sa iba insecured lang daw ang nagseselos. Para naman sa iilan, natural na emosyon lang daw ang pagseselos. Nagseselos ka kasi nagmamahal ka. Alin ba ang tama? Magulo diba?
Okay. Balik tayo sa asawa mo. Dahil mahal mo siya at hindi mo siya kayang makitang masaktan dahil sa pagseselos mo nangako kang hindi na magseselos muli. Hindi mo na papansinin pa ang mga bali-balita at mga maling text na darating sayo. Ayaw mo na siyang makitang magdamdam. Pinili mong ikaw na lang ang masaktan. Dahil dito naging okay na ang lahat. Masaya na naman kayo. Hanggang isang araw habang kayo’y nag-uusap may sinabi siya sayo.
What if daw pagdating ng panahon hihingi siya ng freedom? Papayag ka ba daw. Ano daw ang gagawin mo? Nabigla ka diba? Dahil sa ‘yong pagkabigla hindi mo rin alam kung ano ang wastong isasagot. Nakapagbitaw ka ng masasamang salita. Sinigawan mo siya ng ganito:
“Bakit di mo na ako mahal? Kung ganun hindi na ako uuwi sa Pinas kahit kalian! Ayoko nang makita ka kahit anino mo! Isa kang taksil! Wala kang puso! Wala kang kaluluwa! Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba habambuhay tayong magsasama! Akala ko ba hindi ka padadala sa mga tukso! Akala ko ba faithful ka sa akin! Niloloko mo lang ako! Sino ang ipinagmamalaki mo?!”
Sa tingin mo ba hindi siya nasasaktan sa sinabi mo? Umiyak siya. Nagpaliwanag. Hindi ka naman daw niya iiwan. Ikaw daw ang buhay niya. Tanong lang daw ‘yon at hindi niya gagawin.
Sa palagay mo ano ba ang dahilan kung bakit naisip niyang itanong sayo ‘yon? Siguro may nakikita na siyang kapalit sayo. May iba na kayang tinitibok ang kanyang puso? Siguro sawa na siya sayo. Sawa na sa pagseselos mo. Sawa na sa pagmumukha mo.Nag-aalinlangan na siya sa relasyon ninyo. Baka iniisip niya na hindi ka matino dito sa Dubai.
Ano ba ang kadalasang dahilan kung bakit hihingi ng freedom ang isang tao? Nalilito ka na ngayon. Parang may masamang balak ang asawa mo. Hindi siya dating ganun. Kilala mo siyang isang mabait, malambing at mapagmahal na asawa. Isang asawang habambuhay kang mamahalin kahit anong mangyari.
Makalipas ang ilang buwan nabigla ka na lang sa isang mensahe.
Itutuloy..
5 comments:
hay nabasa ko rin yun 3 series mo, hehehe nahuli ako sa balita teka ikaw ba yun at asawa mo ang kinukwento mo o kaibigan mo ito??? hula ko....hula lang naman hehehe....meron ng ibang mahal yun babae, kasi ang mahal naman ng "wrong send ng text" na yun o baka nakaroaming ka kaya mura pa rin ang text?? at di lang isang beses nangyari ang wrong send hehehe, tsaka di ba kung nagtext yun pinsan niya at nagreply siya malamang hindi wrong send yun no hehehe pero yun magtanong ng freedom...hmmm yun ang napakalabo siguradong may iba na siyang mahal, at yun nagtext sa'yo na si kumag baka totoo yun....walang usok kung walang apoy, di ba? hay naku ang hirap talaga ng sitwasyon na yan, walang masama na magselos basta nasa ayos, lahat namn kasi ng sobra nakakalason. Mahirap talagang mawalay ang mag-asawa maraming pagsubok. Sana malagpasan mo ito (kung ikaw ito) o kung aino man ang tinutukoy mo.
ano na ito True story or fictional lang!
Ang dami mo namang blogs... hehehe nalilito tuloy ako..
@Sardonyx,
Confused ka rin pala kung kaninong kwento ito..Don't you worry in the few days malalaman mo kung kaninong kwento ba talaga ito..
@Kablogie,
This is 101% true-to-life story..
@Elyong,
Ngayon di kana malilito kasi dini-delete ko na mga blogs kong walang kwenta..hehe
Itutuloy ko ang aking comments sa Episode 4 ng iyong mini-novela (mini kasi dahil maiksi lang naman ang kwento e). Pero I like the way you divided them. Mukha nga syang kapana-panabik.
Post a Comment