Kahapon naisipan kong gumagala sa Mall of Emirates. Dahil gusto kong magpalamig at mabigyan ang aking sarili ng kunting break matapos ang mga "pinagdaanan" ko nitong mga nakaraang araw nakapagpasya akong ibahin muna kahit sandali ang aking kapaligiran. Walang masyadong tao ang mall. Ramadan kasi kaya hindi masyadong matao ang lugar. Hindi nagsisilabasan ang karamihan.
Paiikut-ikot ako sa mga stores. Kunwari bumibili, hindi naman. Ito ang naging drama ko. Palibhasa walang perang nakalaan para sa malling na 'yon.
Nakakaboring din pala ang mag-window shopping lalo na't marami kang gustong bilhin pero nagtitimpi ka dahil natatakot kang ma-over budget. Punta doon, punta dito. Naiikot ko na ata halos buong mall. Pero parang hindi pa rin yata ako nalibang.
Sa aking pag-iikot dinala ako ng aking mga paa sa Magic Planet. "Wow, mga palaruan!", sabi ko sa sarili ko. Ang daming palaro - may deal or no deal pa. Kakaiba ang kulay ng mga ilaw. Ang ganda-ganda. Ano kayang laro ang lalaruin ko? Subukan ko kaya ang car bumping. Kaya lang wala akong kalaro, nag-iisa ako.Sino ang babanggain ko? Mga naglalarong hindi ko kilala? Wag na lang, ayokong masuntok.
Ilang minuto din akong nagmasid at namili, hanggang sa niisip kong sumakay ng ride. Kaya lang, ano bang klaseng ride ang pipiliin ko? Nakakalito din. Meron kasing mahigit sampung klase ng ride ang pwede mong sakyan.
At last, nakapili na rin ako. Sinubukan ko ang Equinox. Lintik! Akala ko sa simula simpleng ride lang ito at katulad lang ng merry-go-round ang movement nito. Malay ko ba kung matindi pa pala ito sa roller coaster, eh, wala kasi ito sa probinsiya namin. Pataas, pababa, paikot, pabagsak. Naku po..Hinihimitay ako. Parang lalabas lahat ang mga lamang loob ko. Hindi ko mapigil ang mapahiyaw sa takot kaya pumikit na lang ako at hinayaang matapos ang limang minutong hampas doon, hampas dito. Lahat ata ng masamang ispiritung sumapi sa akin nalaglag dahil sa tindi ng takot sa duyan ng equinox.
Nakakatakot man ito pero sa aking pagsakay natutunan ko ang isang bagay na siguro hindi ko makakalimutan habambuhay. Kung ano man ito 'wag na lang ninyong itanong..lolz
11 comments:
hi..just dropping by. Nice blog!
Hope we could exchange links. Joel CJ here... www.cupAvenue.blogspot.com
noong mapasyal ako sa MOE before, gusto ko din sumakay dun pero, nagka phobia na ata ako..
takot kasi ako sa rides, sinabi ko sa sarili ko na una at huli na ang rides ko noon sa pinas..
mag-aya ka sa susunod... para di ka nag-iisa.
malayo nga lang ang MOE.. tsaka na pala pag nagoperate na ang train... lapit na un!
eh makulit akong tao eh kaya tatanungin kita kahit ayaw mo...ano nga ang natutunan mo..share mo naman fleazzeee! ^_^
@Joel,
Thanks for your visit..Balik ka ulit ha..Nalink na din kita..
@batanghenyo,
ako din ayoko nang sumakay pa ulit..naphobia na rin ako..
@Azel,
wag kang mag-alala..malapit na magsimula ang metro..yayayain na rin kita..
@kablogie,
ang kulit mo talaga noh?hehe natutunan ko na magandang pampalipas oras ang equinox..pampatanggal ng sakit ng puso..hehe
Dati ganyan din ako. Punta sa mall. Sakay sa bumper car. Mag-arcade. Pero walang Equinox d2 e. O meron siguro pero hindi ko pa nakikita. Matagal na rin kc akong hindi nagmo-malling.
Nakakabitin naman ung bagay na hindi mo makakalimutan habambuhay...hindi ako naniniwala na pampatanggal ng sakit sa puso ang Equinox. Sige na. Sabihin mo na kung ano ung 'for life' na lesson ang natutunan mo?
(Ano na nga ba ung term ni Azel?)...pasabik naman to o! Sige na sabihin mo na at mahirap ang mabitin.
@Nebz,
saka ko na sasabihin ang lesson na yon na susunod kong post..hehe
term ni Azel? malayo kasi yong MoE sa bahay niya..mahabang biyahe kung magba-bus..sa susunod na linggo mag-ooperate na ang metro train kaya easy na lang sa kanya ang pagpunta sa MoE at sumakay sa equinox..haha
humahanga ako sa disiplina mo sa larangan ng paglustay, sana ay matutuhan ko rin ang abilidad na yan.
may isa pala akong suhestiyon sa isang malusog na paglilibang, subukan mo kayang magbriskwalking o jogging outdoor, di lang maganda sa puso at isip, ligtas pa ang bulsa. kaya nga lang sa bandang taglamig na.:)
Hahahahaha mukhang ayos yang equinox ah... masubukan nga?! jijijiji.... naintriga ako sa bago mong lesson na natutunan... di kaya--- wag kakain kapag sasakay sa mga rides gaya niyan?! jijijijijiji
@AJ,
It was just that time..Hindi na mauulit pa ang disiplinang yon..Tama ka. Maganda ang suhestyon na yan..this coming winter try kong gawin yon..
@Xprosaic,
subukan mo..maganda siya promise kaya lang pagkatapos gusto mong sumuka..
Sana may picture rito kung ano ang Equinox, 'uel. Mas maganda kapag kasama ka rin sa larawan. U
Post a Comment