“HOY, BASURA N’YO, ITAPON N’YO!”
Ipinaskil ko ang mga katagang ito sa isang pintuan ng kapitbahay (neighboring flat) namin noong isang araw. Di ko na kasi matiis ang basurang nakatambak sa gilid ng pintuan nila. Hindi naman dapat ako makikialam sana kaya lang ang dumi talaga. Iyon na lang ang palagi kong nadadatnan pagka galing ko sa trabaho. Paano kasi nasa bungad ng gate ang flat nila kaya basura ang babati sayo pagpasok mo sa gate.
Hindi naman siguro masama ang ginawa ko. Hindi naman ako nakikialam sa kanila. Kaya lang sobrang tamad talaga nila, mga babae pa naman sana. Akalain niyo, noong nakaraang linggo si Ate Amy ang nagwalis, naglinis at nagtapon ng basura nila. Nitong umaga si Kuya Romy naman ang nagwalis, naglinis at nagtapon. At ngayon, hayun may nakatambak na naman.
Bakit may mga taong ganyan? Hindi ba sila nahihiya na ibang tao ang maglinis sa harapan nila? Bakit di nila makuhang bitbitin ang mga basura nila, eh, ang lapit-lapit lang naman ng basurahan? Naalala ko tuloy ang komento ng isang kasamahan ko. Aniya, “ang mga babaeng nakatira diyan ay sadyang marurumi, siguro hindi rin sila naglalaba ng kanilang mga pan**”.
Payo ko lang sa inyo, mga butihin naming kapitbahay, sana magkaroon naman kayo ng kunting kahihiyan. Pareho lang naman tayong naghahanap buhay. Pareho lang din tayong Filipino. Pareho lang tayong kumakain. Pareho lang din naman tayong gumagamit ng kubeta. Sa medaling salita, pareho tayong tao. Huwag naman sana ninyong abusuhin ang kabaitan ng ibang tao. Kung kaya ninyong tanggalin ang pinaskil ko sa inyong pinto dapat kaya din ninyong itapon ang basura ninyo. At higit sa lahat huwag ninyong ikalat ang inyong mga napk**.
May pera ba talaga sa basura?
Related Posts:
Credit Card - Does it help you?Kaskas dito, kaskas doon. Pindot dito, pindot doon. Bili dito, bili doon. Ito ba madalas mong ginagawa noong unang tanggap mo ng credit card? Marahil, ito nga, kasi gawain ko din 'to. Nakakatawa noong unang tanggap ko ng crdi… Read More
Sa Ugoy ng DuyanKahapon naisipan kong gumagala sa Mall of Emirates. Dahil gusto kong magpalamig at mabigyan ang aking sarili ng kunting break matapos ang mga "pinagdaanan" ko nitong mga nakaraang araw nakapagpasya akong ibahin muna kahit san… Read More
Kwentong Pag-ibig ng isang OFW (Part 3)Sabi nila ang pagseselos ay hindi nagbubunga ng mabuti kundi kasiraan ng relasyon. Pero bakit nga ba ang tao ay nagseselos? Ibig sabihin ba nito’y wala siyang tiwala at pagmamahal? Ayon sa iba insecured lang daw ang nagseselo… Read More
0 COMMENT PUBLISHEDWhy do some posts have no comments? Is it because walang nagbabasa ng mga post na yon? Walang nag-iiwan ng comment? Or di kaya ayaw ng blog owner na i-publish ang mga comment na hindi kanais-nais? Ikaw, matanong nga kita. Lah… Read More
Nasaan ang Palakang pang-Guinness?Nasaan nga ba ang palakang sinasabi ni Arvin? Akala ko nabigyan na ng tuldok ang gulo dito sa blogosperyo pagkatapos nagpalitan ng sorry si LordCM at Arvin dahil sa “paninirang” artikulo ni Arvin tungkol sa mga OFW. Hanggang … Read More
3 comments:
Hehehe :D Kung sino pa yung mga babae eh sila pa ang makalat at tamad...
Di na yata nawawala sa isang komunidad ang mga taong pasaway :D
Pinoy din?
awww! may ganon ata talaga.. hindi lahat may pakialam sa kapwa.
ganito gawin mo, tapunan mo ng tapunan ng basura ung bunton ng basura nila hanggang dumami ng dumami at mabwisit sila...
pag sinita kayo, sabihin mo "ibinabalik lang namin ung mga basura nyo dati na kami ang nagtapon kase parang iniipon nyo talaga, baka hanapin nyo!"
the more na nillinis nyo ang kalat nila, the more na mawiwili sila... sa susunod lagyan mo ung gate nila ng: "YOU OWE US AED300.00 FOR CLEANING YOUR MESS"
wow grabe, na yan! kailanganna yata ng action speaks louder than words. Katungin mo na bro. tutal wala silang hiya:)
Post a Comment